isang pagsusuri sa Maikling Kwentong pinamagatang “Taguan” ni Rolando Bernales.

isang pagsusuri sa Maikling Kwentong                           pinamagatang “Taguan” ni Rolando Bernales.

matatagpuan sa…. link sa ilalim:

http://joeypotter.multiply.com/journal/item/70/Taguan_Ni_Rolando_Bernales

Fil 2 – PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

ASSUMPTION COLLEGE

MARIE EUGENE SCHOOL OF INNOVATIVE LEARNING

COURSE SYLLABUS

2ND Semester, SY 2009-2010

COURSE CODE AND TITLE:             Fil 2 – PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

PREREQUISITE:                                  Fil 1 – Komunikasyon sa Akademikong Filipino

PREREQUISITE TO:                            Fil 3 – Masining na Pagpapahayag

CREDIT UNITS:                                    Three (3) Units

I                               DESKRIPSYON NG KURSO

Ang Filipino 2 ay nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat sa Filipino bilang kasangkapan sa pagkatuto at pagpapahayag sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya sa makabuluhang pagbabasa, inaasahang malilinang ang kakayahan ng mga estudyante tungo sa masining na pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa paksang kanilang napili. Inilakip din ang mga paksang tutulong sa paghubog ng kanilang pagpapahalaga gaya ng nilalayon sa misyon at bisyon ng paaralan lalung-lalo na yaong may kinalaman sa pagpapahalaga sa kababaihan, wastong pangangalaga sa ating kalikasan, pagbuo ng kultura ng kapayapaan at katarungan.

II                             MGA LAYUNIN

Sa kursong ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

  1. nakapagpapakita ng higit na mataas na antas ng kakayahang komunikatibo sa akademikong Filipino;
  2. nakagagamit ng mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pag-unawa ng mga teksto sa iba’t ibang disiplina na nakatuon sa tekstwalisasyon at kontekstwalisasyon ng mga ideya;
  3. magbigay-halaga ang iba’t ibang anyo ng teksto o genre, at mga teksto sa iba’t ibang larangang pang-akademiko na isinasaalang-alang ang wasto at mahusay na gamit ng wika, estilo at pormat ng pagpapahayag at mahahalagang kaisipang nakapaloob ditto;
  4. nakapagsasagawa ng sistematikong pananaliksik at
  5. nakabubuo ng positibong saloobin sa paggamit ng Filipino sa pananaliksik.

III                            MGA NILALAMAN AT MGA KASANAYANG TFCD

Nilalaman/Panahon
Linggo 1 

  1. 1. Oryentasyon sa Kurso

1.1                 Rebyu ng Filipino 1

1.2                 Deskripsyon, layunin at nilalaman ng Filipino 2

1.3                 Mga pangangailangan ng Kurso

1.4                 Sistema ng Pagmamarka

Linggo 2 – 3 

  1. 2. Iba’t ibang Kahulugan at Proseso ng Pagbasa

2.1                 Kahulugan at Katangian ng Pagbasa

2.2                 Pisyolohikal at Sikolohikal na Proseso

2.3                 Teoryang Iskema

2.4                 Interaktib na proseso

2.5                 Metakognitib na Proseso

  1. 3. Uri at Paraan ng Pagbasa
  2. 4. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbasa
  3. 5. Limang Dimensyon sa Pagbasa

6.1                 Pang-unawang Literal

6.2                 Interpretasyon

6.3                 Mapanuring Pagbasa

6.4                 Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha

6.5                 Pagpapahalaga

Mga babasahin:

  1. Taguan ni Rolando A. Bernales
  2. Pakso:Dalawang Interpretasyon nina Sonia A. Alberto at Rolando A. Bernales
  3. Tatsulok ni Bamboo
  4. Panunungkulan sa Bayan (Urbana at Felisa) ni Modesto de Castro
  5. Ang Makabagong Gandang Pilipina ni Aurora F. Francisco
Linggo 4 – 5  

  1. 7. Pagbasa ng mga Tekstong Akademik at Propesyonal

7.1                 Pagbasa ng Tekstong Akademik

7.2                 Pagbasa ng Tekstong Propesyonal

7.3                 Mga Tekstong Pang-akademik

7.3.1            Mga Teksto sa Agham Panlipunan

7.3.2             Mga Teksto sa Agham, Teknolohiya at Matematika

7.4                 Mga Teksto sa Humanidades

1.4.1 Mga Tekstong Propesyonal

Linggo 6 – 7 

  1. 8. Tekstong Ekspositori/Paglalahad

8.1                 Kahulugan, Simulain at Katangian

8.2                 Katangian ng  Mahusay na Tekstong Ekspositori

8.3                 Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto

8.3.1             Depinisyon

8.3.2             Enumerasyon o Pag-iisa-isa

8.3.3             Pagsusunud-sunod: Sikwensyal, Kronolohikal at Prosidyural

8.3.4             Paghahambing at Pagkokontrast

8.3.5             Problema at Solusyon

8.3.6             Sanhi at Bunga

Mga Babasahin:

  1. Landas Tungo sa  Tagumpay (Sanaysay)
  2. Dekada ’70 (Nobela)
  3. Practicum (Tula)
Linggo 8- 9 

  1. 9. Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

9.1                 Pag-uuri ng mga Ideya o Detalye

9.2                 Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

9.3                 Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto

9.4                 Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon sa Katotohanan

9.5                 Pagtukoy sa Hulwaran ng Organisasyon

9.6                 Pagsusuri ng Kawastuan ng Ideya o Pananaw

9.7                 Paghinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari

9.8                 Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon

9.9                 Pagbibigay ng Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Linggo 10  

  1. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

10.1              Multi-Dimensyonal na Proseso ng Pagsulat

10.2              Mga layunin sa Pagsulat

10.3              Mga Hakbang sa Pagsulat

  1. Mga Uri ng Impormasyon ng Nilalaman ng Teksto
  2. Mga Bahagi ng Teksto
Linggo 11- 12 

  1. Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

13.1              Pagbuo ng Konseptong Papel

13.2              Mga Bahagi

13.3              Pagbabalangkas

13.4              Pagsasaayos ng mga Datos

13.5              Lohikal at Mapanghikayat na Pagsulat

Linggo 13 – 14 

  1. Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

14.1              Iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik

14.2              Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

14.3              Mga Bahagi ng Pananaliksik

  1. Mga Hakbang at Kasanayan sa Pananaliksik

15.1              Pagpili at Paglilimita ng Paksa

15.2              Paggamit ng iba’t ibang Sistema ng Dokumentasyon

15.3              Pagsulat ng Burador

15.4              Pagsulat ng Pinal na Sipi

Linggo 15 – 16 

Pasalitang presentasyon ng ginawang pananaliksik na papel

IV            Metodolohiya

Gagamitin ng guro ang mga sumusunod na estratehiya :

  1. Pakikinig ng lektyur
  2. Pangkatan at  malayang talakayan
  3. Pagpapalitang-kuro
  4. Pagbabasa at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong pang-akademik at propesyunal
  5. Pagsulat ng reaksyon/repleksyong papel tungkol sa iba’t ibang paksa
  6. Panunuri, pagpapahalaga at pamumuna sa ginawang konsepto at pananaliksik na papel
  7. Malaya at kontroladong pagsulat
  8. Paghahanda, pagsulat, presentasyon ng akadamikong papel (panunuring pampanitikan)

V             Pamamaraan sa Pagmamarka

  1. Midterm :        60% (pagsusulit, aktibong partisipasyon, takdang-aralin, proyekto)

40%  midterm exam

  1. Finals:              60% (pagsusulit, aktibong partisipasyon, takdang-aralin)

40%  akademikong papel (pananaliksik na papel)

VI            Batayang Aklat:

Pagkalinawan, Leticia C. et al (2008). Mahusay na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Mabisang Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Sangguniang Aklat:

Belvez, Paz M., et al (2004). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Manila: Rex Book Store.

Cruz, Cynthia B., et al (2004). Ang Pagbasa at Pagsulat sa Antas Dalubhasaan (Holistikong Dulog sa Pagkatuto). Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.

Francisco, Aurora F., et al (2002). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Manila: UST Publishing House.

Resurreccion, Angelina P., et al (2005). Pagbasa at Pagsulat para sa Kolehiyo. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.

Sauco, Consolacio P., et al (2004). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina para sa Antas Tersyaryo. Makati City: Katha Publishing Co., Inc.

Tumangan, Alcomtiser P., et al (2006). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2). Makati City: Grandwater Publications.

Inihanda ni:

Prof. Shandy B. Unicruz

Filipino Department

November 11, 2009

Binigyang-pansin ni:

Prof. Margarita Ladrido

Chairperson, Gen. Ed

Inaprobahan ni:

Dr. Carmen Valdes

Associate Dean, MESIL

PARA SA BAWAT BABAE ni NANCY R. SMITH

PARA SA BAWAT BABAE

Ni NANCY R. SMITH

Para sa bawat babaeng sawa na sa pagkukunwaring mahina siya gayong alam niyang siya’y malakas,

May isang lalaking pagod na sa pag-aastang malakas kahit nanghihina.

Para sa bawat babaeng sawa na sa pagkukunwaring wala siyang alam,

May isang lalaking nabibigatan na dahil palaging inaasahang alam niya ang lahat.

Para sa bawat babaeng sawa na sa taguring “emosyonal at iyakin,”

May  isang lalaking pinagkakaitan ng karapatang lumuha at magpakita ng pagmamahal.

Para sa bawat babaeng nakararamdam ng “pagkatali” sa kanyang mga anak,

May isang lalaking hindi nakakaranas ng lubos na kaligayahan ng pagiging kapwa-magulang.

Para sa bawat babaeng pinagkaitan ng makahulugang trabaho at pantay na pasahod,

May isang lalaking nabibigatan sa pananagutang buhayin ang kanyang pamilya.

Para sa bawat babaeng hindi tinuruan nang pasikot-sikot ng makina at sasakyan,

May isang lalaking hindi natuto sa kasiyahan ng pagluluto.

Para sa bawat babaenghumahakbang patungo sa kanyang sariling pagpapalaya,

May isang lalaking nakatutuklas na napadali ang daan niya tungo sa kalayaan.

Nakikinig ka ba?

Nakikinig  ka ba?

Josefina C. Mangahis

Unang araw ng pasukan sa kolehiyo. Wala pang kakilala si Bobbie sa kanyang mga kamag-aral. Panibago na namang pakikisama sa kanyang mga kamag-aral at mga guro ang kanyang haharapin. Umupo siya sa bakanteng silya sa ikalawang hanay. Pinagmasdan niya ang kanyang mga kamag-aral. Halos lahat ay may kakwentuhan. Tiningnan niya ang babae sa gawing kaliwa niya.

“Hi! Ano’ng pangalan mo? Ako si Shiela”.

Bahagyang nginitian ni Bobbie ang nagsalita at tinugon ng, “Hi!Bobbie ang pangalan ko”.

Doon ay nagsimula ang kanilang pag-uusap habang naghihintay sa pagdating ng kanilang guro. Hindi man interesado si Bobbie ay ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap kay Sheila. Walang sinumang bumati sa kanya nang pumasok siya sa silid. Ilang minuto na ang nakalipas ay dumating na ang kanilang guro. Isang mataas na babae na may balingkinitang pangangatawan, may hawasang mukha, makapal at maitim ang kilay at may madidilat na mata.

Nagpakilala siyang si Gng. Ramos na magiging guro nila sa Filipino. Natuon ang atensyon ni Bobbie sa guro. Nabuo agad sa kanya ang larawan ng isang mabagsik at mahigpit na guro. Habang nagsasalita si Gng. Ramos, iniisip niya ang maaaring mangyari sa kanya sa loob ng klase. Di  niya kakilala ang mga kamag-aral. Paano siya makikiisa sa talakayan? Nangangamba siyang hindi niya masagot ang mga tanong na ibibigay sa kanya ni Gng. Ramos.

Umuwi siyang iniisip pa rin ang takot na nabuo sa kanyang isipan. Agad siyang sinalubong ng kanyang ina sa may tarangkahan at tinanong kung ano ang nangyari sa unang araw niya sa kolehiyo.

Matabang ang sagot niyang, “Ayos naman po, Inay”.

“Sinu-sino ang mga nakilala mong kamag-aral?” tanong na muli ng ina.

Nag-isip siya sa dami ng kanyang kamag-aral at tanging isa lamang ang nag-ukol sa kanya ng pansin. Di niya matandaan ang pangalan ng kamag-aral na ito. Ang natatandaan niya noong oras na iyon ay kailangan niya ng kausap at di mahalaga sa kanya kung sino ang nagpakilala. Hindi pa natatanggap ng ina ang tugon ni Bobbie sa naunang tanong ay muli siyang tinanong ng ina.

“Ano ang pangalan ng guro mo?”

Nag-isip si Bobbie. Ang bumalik sa kanyang gunita ay ang mataas na babaeng pumasok sa may hawasang mukha at madidilat na mata.

“Eh, nakalimutan ko po ang pangalan ng kamag-aral at guro ko.”

Tila nagtataka ang anyo ng ina sa sinabi ni Bobbie. “Ano? Kahit isa man lang sa kamag-aral mo, wala kang natatandaang pangalan at lalo’t higit ang pangalan ng guro mo?” Tila natauhan si Bobbie sa sinabi ng ina.

Kinabukasan, muli na namang bumati si Sheila at tinanong kung nagawa niya ang takdang-aralin nila. Nataranta siya.  Bumalik na naman sa kanyang gunita ang mataas na babae, may balingkinitang katawan at madidilat na mata. Nag-alala siya. Paano na kung siya ang tawagin ng guro sa talakayan at wala siyang maisagot, tiyak na mapapahiya siya. Nahihiya man ay lumapit siya kay Sheila at hiniram ang mga katanungan sa takdang-aralin. May nalalabi pa siyang dalawampung minuto bago magsimula ang kanilang klase sa Filipino.

Agad niyang tinungo ang silid-aklatan  at binasa ang takdang-aralin. Matapos basahin ang akda ay agad siyang bumalik sa kanilang silid. Nagsimula na ang klase. Nahuli siya ng sampung minuto, kailangan niyang humingi ng paumanhin sa guro. “Ipagpaumanhin po n’yo ang aking pagkahuli sa klase”. Nakangiting tinanggap ni Gng. Ramos ang paumanhin ni Bobbie.

Nag-umpisa na ang talakayan. Pinuri ni Gng. Ramos ang masisipag na nakiisa sa talakayan at ang nagbasa ng leksyon. Isa sa kanila si Bobbie.

Paglabas ng silid, pinasalamatan ni Bobbie si Sheila. Kung hindi sa kanya, malalagay siya sa alanganin. Muli niyang tinanong ang pangalan ng kamag-aral pati na ang pangalan ng guro.

Nakangiti si Bobbie habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Sheila nga pala ang pangalan niya at Gng. Ramos si  Ma’am. “Mabait naman pala si Gng. Ramos.” Bulong niya sa sarili.

(mula sa Batayang Aklat sa Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino, C&E Publishing, Inc.2005)

ANG BUHAY GURO

(ISANG PAG-AALAY SA AKING MGA ESTUDYANTENG EDUC. 1F2, 2P2 AT 2P3)

ANG BUHAY-GURO AY HINDI MADALI
BUONG ORAS AT BUHAY AY IAALAY
BUONG LAKAS AT PAWIS AY IBINIBIGAY
ANG BUHAY-GURO AY HINDI BIRO

ANG BUHAY- GURO MINSA’Y KWELA AT KOMEDYA
‘DI MO MAWARI KUNG SAAN NAGMULA
KAYRAMING ESTUDYANTE ANG TURING MO’Y SUPLING
ANG BUHAY-GURO’Y PUNO NG PAGMAMAHAL

ANG BUHAY-GURO AY ISANG PAG-AALAY
‘DI MO MAKIKITA ANG SWELDONG PANGSTARBUCKS
WALANG KARANGYAAN, BAWAL ANG LUHO,
BABYE NA MUNA GREENBELT AT GLORIETTA
PANG JOLLIBEE MO MINSAN, AY IBIBIGAY PA
SA ESKWELANG KAILANGAN NG NOTEBUK AT LAPIS

ANG BUHAY-GURO AY PAGLILINGKOD
PAGLILINGKOD NA WALANG KAPALIT, PAGLILINGKOD NA WALANG HINIHINTAY
HINDI INAASAHAN KAHIT ANONG PARANGAL AT MEDALYA
SIMPLENG PASASALAMA’Y MALAKING KATUWAAN
ANG BUHAY-GURO AY TAHIMIK NA KABAYANIHAN

ANG BUHAY –GURO SAAN MANG ANGGULO AY BUHAY PAG-AALAY
BUHAY PAGLILINGKOD TUNGO SA PANGARAP NA PAGBABAGO

more than songs…

More than songs… ….”more than songs that we sing, its a reflection of our ever-changing lives“…

For our rehearsal yesterday we came earlier, but to our surprise professional singer/ bands are still in line for their audition as cruise/ship entertainer. To think of it…, it may be the greenest pasture for them…so i chat with some of them and was able to know that they started to play instruments as early as on their 1st year high school imagining the years, that they are now retired employee. I feel so little in my desire to be a singer,  …their discipline and commitment must probably be as big as their hearts desire -compares to me. It is my ultimate dream to be a hotel singer…yes it is…no pressure of paper works, no stress from any boss…and more friends (another good thing about them, is they almost know each other “anliit ng mundo” and their humility is what i love, just imagine we were already teasing and chatting without exchanging each others name) but upon the chatting and teasing held yesterday, i shared with Bro. Jet my amazement with this people, their passion as a singer, that it can be heard in the way they sing but from nothingness i heard his rebuttal seriously “pwede kang tumunog ng ganyan it will take years… pero kailangan mong masustain kasi kapag naging ganyan ka na…wala na, tunog ka na lang nila”. Yes the message was kind of confusing and really needs a lot of analysis but lets disect it…it reminds me of Elvis Presley Syndrome in one book that i read i was able to know that Elvis- after claiming fame and stardom, results to drastic fall- he dwell into different forms of addiction then totally consume. why? because he was not able to sustain and find the essence of what he was doing. In connection, in my desire to fulfill that dream… i have to give more commitment and practice more discipline… very far from what i was doing before. And more importantly I have to know my core reason to do it, so that i would decline from falling in Elvis Syndrome. Now, I realized that yes, i love singing and wants to be a professional singer but i know and would always remind myself that i will not just be singing i will be using it for a mission. I will be singing to praise my Creator, then i will be inspiring His people and then will be creating bundance to help his needy people. I know I still need more time to materialize that desire but in His time, I know it will happen and through it I will be able to bless more people.

we dont just lift up our hands. Lord we lift up our lives, for we know that you are worthy of our praise…”

-jsdl-

semana santo….

Isa na marahil ang Pilipinas sa lugar na may pinakamaraming katoliko sa buong mundo. Pinakamaraming simbahan at pinakamaraming pyesta, kung may top ten na friends si God malamang tayo ang top 1… napakamakulay ng selebrasyon natin, uso pa rin ang senakulo at penitensya sa probinsya, dito naman sa Maynila nagmimistulang palabas ang mga kaganapan. Mistulang artista si Kristo sa dami ng gintong nakapulupot sa kanya at siguradong best gown si Mama Mary sa kapal ng suot nya at kintab ng korona, taob si lady gaga.
Sa dami ng ritwal ng mga katoliko nagmimistulan na tayong isang kulto o kaya ay box-office hit na pelikula,,,kaunti na lang at matataob na rin natin ang Avatar sa dami ng effects at props natin. At tunay naman na hindi masasabing biglaan ito,dahil maging ang mga pari ay kuntodo porma sa kanilang mga abito.

Teka, hindi ako nangungutya o naninira sa katolisismo… marameng beses na akong inalok na lumipat sa kung saan-saan pero nanatili ako sa aking kinamulatan -ang pagiging Katoliko dahil naniniwala akong ang pagtalikod dito ay mistulang pagtalikod na rin sa aking pamilya at sa kulturang kinalakihan. Pero hindi ko lang maiwasang makita na minsan ay nawawala na ang esensya ng ating pinaggagagawa sa dami ng ritwal, sa dami ng okasyon, sa dami ng prusisyon at paniniwala dagdag pa rito ang dami ng imahe ni Maria at Hesus. sa palagay ko, kinakailangan natin ng mga relihiyosong mas magpapaliwanag sa atin ng tunay na kahulugan ng isanlibo’t isang pinaggagagawa natin sa loob at labas ng simbahan. Kaya lang parang bibihira na lang din ang mga matitinong pari minsan nga gusto kong mag pasa ng evaluation form sa mga umaatend ng misa para malaman ang level of effectiveness ni pader.
Marami rin akong mga kaibigang pari at seminarista ngunit ngayon ko lang napagtanto na mas marami pala akong pari na hindi masyadong magugustuhan. Pero kahit na man papaano ay mayroon pa rin kaya lang bilang lang talaga. Pansin nyo ang pagdami ng tumatalikod sa Romano Katoliko halos kada barangay ay may mga kapilya na ng iba’t ibang samahan o born-again…hindi ko alam ang dahilan nila pero marahil ay dahil sa dami ng ritwal natin kaya lumilipat sila sa mas simple at payak na pamamaraan, mas palakaibigan ang mga pastor at pinaghahandaan ang bawat turo hindi gaya sa atin na kung anu lang ang masabi okay na.
Minsan naisip ko, andaming katoliko sa Pilipinas…gaya ng tupang ligaw kailangan lang silang arugain, kalingain at ayain na magbalik-loob hindi pagalitan o sigawan at takutin sa homiliya, hindi pilitang pasunurin sa mga tradisyon at paniniwala na gaya ng isang robot. Kailangan ng simbahan ang mga relihiyosong mag papaliwanag ng ating pananampalataya at gawain, kailangan natin ng mga paring mahusay at awtoridad sa teolohiya na kayang ibaba sa antas ng mas nakararame…hindi magkukwento tungkol sa nabasa nya sa dyaryo at sasayangin ang 30 minuto sa litanya. Kailangan natin ng simbahan na mas payak at simple na naka-ugat sa esensya ng Katolisismo hindi nababalutan ng ginto at telang malalaki na minsan ay hindi na natin makita si Kristo. At higit sa lahat kailangan natin ang simbahan na may pagmamahalan sa isa’t isa at nakatuon sa mga tunay na gawa ng Kristiyano, hindi kay pader hindi kay obispo, lalo’t hindi sa mga bato at kahoy na estatwa kung hindi sa buhay at mas nangangailangang mga kapatid sa pananampalataya.

Ito ang tunay na Simbahan ni Kristo, walang pangalan, walang pinuno pero nakatuon sa Kristyanismo at paglilingkod.

tula1

the sand in my bottle
that scars of my battle
so gentle and mild
so pure and innocent

the sadness in my face
the scratch at my palm
so enriching and silent
so vague and indefinite

the sadness of sand
the scratch of the scars
so gentle and silent
so pure and indefinite

strenghten my soul, kill the weaked heart,
I contained my battle in your bottle
I have to flee my spirit, I have to free my soul
in this battle I resign, in your bottle I quit.

-of battle and bottle-
jsdl-4,3,10

sa pusod ng dagat ay naroon
isang perlas na nakalubog
sa suso ng bundok ay namumutawi
mga usok na mula sa di mawari
mutya ng gubat, ika’y magpakita
tanawin ang kaluluwang naghahanap
iugoy ang kamalayang aligaga
mga nimpas na susundo
sa malawak na kagubatan
sa espiritung naghahanap
sa paang di mapakali
sa pusong sugatan
asan ka bituing gabay?
Asan ka sirenang marilag?
Sa kakahuya’y sumipol
sa kabunduka’y sumigaw
sa kaluluwa’y iniig ang puso’t isipan
sino ka? Asan ka? Sa aking panaginip ay magpakilala…

sino ka?
-jsdl4310-

A bloody Black Saturday!

 

This blood type—O positive.

Have you heard the news in Thailand of protester throwing gallons of blood in the gate of the place where they are protesting, the local version was not blood but paint and not just to the gate, in UPLB, the chancellor was bathed with blue or green paint (has to checked more pics to be sure of the color of paint).

Ooowww… to long for an introduction..today is…(got to be sure this time- check my calendar)..Black Saturday, April 3 , 2010. Living in Pasig since my Father decided to make me (ideally, he wanted me to exactly be like him but unfortunately the output was kinda little more than what was expected…just kidding), eversince -the celebration of a lot of procession and ritual has been so anticipated that it lost its impact-or so I thought. Two days ago, I am amazed with my travel to Bulacan—mind you 45 min. from Cubao and going home yesterday —a record breaking 30- minutes, anyway… in Bulacan the tradition of penitence is still alive and bloody. Younger and younger of people dwelling with this kind of practice… slicing their back with a blade or a bubog then continously walking while punching their back with the little pieces of kawayan knotted together making the wounds more delightfully bloody. The end result, the gate and wall of their church dotted with red…(wow…so artistic)… but I came to think , this people letting their blood sprout to fulfill their masuchist instinct or the people in Thailand filling a gallon then throwing it has done such action for a simple reason- LOVE. I know, I am never gonna be in the position to judge them for their action for it is their faith and belief that I cannot measure, last year a friend in the community needed a blood…type O…it was me, he needed 20 bags…but in my full capacity I give one(since the max. is one bag of blood every 6 months).. then last January another friend needed…yes..as you can say…i did not, since that month my lifestyle has been deviantly changed from an 8-5 regular person to becoming a full time student, that means 25 hours of thesis writing. Then February 14, blood letting was shown to me…and as expcted again…i did not, I slowly recovered peacefully with no single blood coming out of my nerves. When a certain friend treat me for a coffee last March and told me that a blood is needed again… ok,once- I declined, second- I ignore…but now it seems there’s no going back since she already treated me for a cup of Figaro, okay I give in – not because of the coffee but since I already recovered from all the sleepless night and endless pressure and whistle to God (me; yan ha God, hanggang tatlo lang…).

Reflecting back, how I feel when I donated my blood…fear, nervous, doubt-since I know the only benefit is for my blood to regenerate and regain.

But this holy week, coming from a bloody scene in Bulacan and a bloody news in Thailand I was reminded of the person who first throw his blood for us. I am not saying the protest was right but Jesus has done it first, maybe we can creatively think of strategies in exercising our right to express, without blood or money spending with the paint that has to be thrown- because in the end it might help more people.

Just like what He did, throwing his blood for all people for the sake of LOVE, he did it already so that we dont need to do it anymore, our mission now is not to do the same but just to continue letting his blood flow for all people that we will encounter. Letting that reason be our continous mission. LOVE.

So here I am today, reminding you that whatever is your way of showing your LoVe and faith be it always without fear, nervous and doubt and just do it more creatively.

A bloody Black Saturday!

-jsdl-

ondoy has changed….

this has been my experienced with ondoy…

ONDOY has CHANGED
Ondoy reminds me of my classmate when I was in Senior Year, he was sweet, kind and totally composed no wonder he was our escort, beside from me refusing to (just kidding). He was always presentable, with all the vanity and cologne he has- see why we are friends. Truly, he was awesome plus he fits the saying “hindi makabasag pinggan.” After almost 7years I didnt know that, the name I have always love would meet me again in another mascara.
And now, I can associate his name with a mega tragedy, Ondoy has become a name of the 24hours unstoppable rain that kills the life of many in different places, that destroys more properties than any tragedy can do, that brought our market closed and became an isolated island leaving the vendors to squat in the town proper. I had a lot of sleep today and even thou the water touches my pelvic bone I have decided to attend the last mass I regularly attend to. The church was not even half of its regular attendees, so different from its regular scenario – sea of people. After almost quarter attending the mass I have received messages, I was stacked and shocked of the sympathy my friends are extending, only then I realized how miserable our situation is, electricity was shut down yesterday and for sure any minute now my laptop will shut down also. News and current situations has no other way to reach us now, we are not just deserted in our 2nd floor but we also lost communication with what is happening outside of our vicinity- all we can see is the mini lake out and in our home.
But amidst all this tragedy, here is what I learned:
1. Things are bound to happen when they are about to happen.
The morning of Sept. 26 before Ondoy conquered all possible corner- I had scheduled couple of meeting plus my regular review in preparation for our exam. Then suddenly, all has been automatically rescheduled and I was left in the 2nd floor of our home doing nothing- totally different from my workaholic attitude.
2. Lessons may sometimes be hard and cost all of what we have- but never underestimate its value.
I am addicted to work- besides from my regular teaching job, I have 2 more part-time, running my home-based tutorial center, creating various module and freelancing for real estate. My workaholic attitude has come to test- when Ondoy left me and the city lambusted. For the first time I was caught idle and deserted, I can’t do anything but savor in the scent of my powerlessness. But I was reminded of my priorities- quoting from my sister “kung hindi pa tayo binaha- hindi pa tayo magkakasama ng 24 hours” and from time to time we were getting in touch with my other brother and sister who is not living with us anymore. Ondoy did not just conquer our home but even the depth of our family, he binded us again just like the old days.
3. When you have nothing but GOD, you will learn that GOD is all you need.
Me being workaholic that uses my lunch to create a module instead of eating, that has used to busy life running after one meeting into another, that has used to all the vanity a teacher and a marketing person should be has caught idle and useless. I ask myself how did I survive in a unimaginable situation like this. I have nothing now, I don’t have work, I don’t have meeting, I don’t have any single appointment – and most importantly I don’t have a comfort room. That’s when I realized I might not have anything to do but I have one thing for sure- I have a God – a BIG GOD.

I might not realized all of this if He didn’t allow it to happen. And for that im always thankful of.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 174 other followers