semana santo….

Isa na marahil ang Pilipinas sa lugar na may pinakamaraming katoliko sa buong mundo. Pinakamaraming simbahan at pinakamaraming pyesta, kung may top ten na friends si God malamang tayo ang top 1… napakamakulay ng selebrasyon natin, uso pa rin ang senakulo at penitensya sa probinsya, dito naman sa Maynila nagmimistulang palabas ang mga kaganapan. Mistulang artista si Kristo sa dami ng gintong nakapulupot sa kanya at siguradong best gown si Mama Mary sa kapal ng suot nya at kintab ng korona, taob si lady gaga.
Sa dami ng ritwal ng mga katoliko nagmimistulan na tayong isang kulto o kaya ay box-office hit na pelikula,,,kaunti na lang at matataob na rin natin ang Avatar sa dami ng effects at props natin. At tunay naman na hindi masasabing biglaan ito,dahil maging ang mga pari ay kuntodo porma sa kanilang mga abito.

Teka, hindi ako nangungutya o naninira sa katolisismo… marameng beses na akong inalok na lumipat sa kung saan-saan pero nanatili ako sa aking kinamulatan -ang pagiging Katoliko dahil naniniwala akong ang pagtalikod dito ay mistulang pagtalikod na rin sa aking pamilya at sa kulturang kinalakihan. Pero hindi ko lang maiwasang makita na minsan ay nawawala na ang esensya ng ating pinaggagagawa sa dami ng ritwal, sa dami ng okasyon, sa dami ng prusisyon at paniniwala dagdag pa rito ang dami ng imahe ni Maria at Hesus. sa palagay ko, kinakailangan natin ng mga relihiyosong mas magpapaliwanag sa atin ng tunay na kahulugan ng isanlibo’t isang pinaggagagawa natin sa loob at labas ng simbahan. Kaya lang parang bibihira na lang din ang mga matitinong pari minsan nga gusto kong mag pasa ng evaluation form sa mga umaatend ng misa para malaman ang level of effectiveness ni pader.
Marami rin akong mga kaibigang pari at seminarista ngunit ngayon ko lang napagtanto na mas marami pala akong pari na hindi masyadong magugustuhan. Pero kahit na man papaano ay mayroon pa rin kaya lang bilang lang talaga. Pansin nyo ang pagdami ng tumatalikod sa Romano Katoliko halos kada barangay ay may mga kapilya na ng iba’t ibang samahan o born-again…hindi ko alam ang dahilan nila pero marahil ay dahil sa dami ng ritwal natin kaya lumilipat sila sa mas simple at payak na pamamaraan, mas palakaibigan ang mga pastor at pinaghahandaan ang bawat turo hindi gaya sa atin na kung anu lang ang masabi okay na.
Minsan naisip ko, andaming katoliko sa Pilipinas…gaya ng tupang ligaw kailangan lang silang arugain, kalingain at ayain na magbalik-loob hindi pagalitan o sigawan at takutin sa homiliya, hindi pilitang pasunurin sa mga tradisyon at paniniwala na gaya ng isang robot. Kailangan ng simbahan ang mga relihiyosong mag papaliwanag ng ating pananampalataya at gawain, kailangan natin ng mga paring mahusay at awtoridad sa teolohiya na kayang ibaba sa antas ng mas nakararame…hindi magkukwento tungkol sa nabasa nya sa dyaryo at sasayangin ang 30 minuto sa litanya. Kailangan natin ng simbahan na mas payak at simple na naka-ugat sa esensya ng Katolisismo hindi nababalutan ng ginto at telang malalaki na minsan ay hindi na natin makita si Kristo. At higit sa lahat kailangan natin ang simbahan na may pagmamahalan sa isa’t isa at nakatuon sa mga tunay na gawa ng Kristiyano, hindi kay pader hindi kay obispo, lalo’t hindi sa mga bato at kahoy na estatwa kung hindi sa buhay at mas nangangailangang mga kapatid sa pananampalataya.

Ito ang tunay na Simbahan ni Kristo, walang pangalan, walang pinuno pero nakatuon sa Kristyanismo at paglilingkod.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: