THE GIFT ni Darius of Fairview, Quezon City

It was my 17th birthday, and since Luigi is one of my friend classmates – bago lang, pero talagang anak-mayaman – I  expect him to give me a very special gift.

Though nabati na niya ako kanina, hindi niya naibigay ang gift ko dahil makaka-distract kami sa klase. ‘Di na siya nagkaroon ng panahon ibigay sa akin ‘yun kanina dahil pagdating niya – one or two minutes lang ang pagitan – ay dumating na rin si Sir, and the class discussion began.

Nevertheless, after class ay lumapit siya sa kinauupuna ko, pulled out in hig bag his gift for me, and gave it to me.

Naka-box ‘yon at naka-gift wrapped pa kaya na-excite ako. It really is a special gift, sa isip-isip ko.

“A very special gift, for a very special person,” nakangiting sabi niya saka iniabot ‘yon sa kin.

“What’s inside?” I excitedly asked.

“Open it,” pa-suspense niyang sagot, which excited me more.

While unwrapping the gift, ‘di ko maiwasang hulaan kung ano kaya ang laman non.

An expensive wristwatch? Sa isip-isip ko, Rolex?

Hahaha! Malabo.

Pero kung hindi, okey na kahit silver necklace o expensive cologne lang.

But much to my dismay, nang mabuksan ang gift at ang box sa loob, I found out that hindi ang alinman sa mga ‘yon ang laman ng box.

“A book?!” full of disbelief at muntik pang mabitiwan ang hawak na napamaang na bulalas ko.

“Yup! Like it?” nakangiting tanong niya.

Hindi ako makasagot. Bumaba ang tingin ko sa regalo niya. Then I looked up at him again.

Is this some kind of a joke? O nang-iinsulta siya? Puro libro na nga ang binabasa namin dito sa school, tapos reregaluhan niiya ko ng isang pang libro?

Kumunot ang noo niya dahil natagalan ang reply ko. Pero saan ko huhugutin ‘yung positive reply na hinihintay niya?

I read somewhere that most people don’t like the unexpected gift they received. That if ever they still happily accept it after finding out whatever the content is (pero deep inside e hindi naman talaga nila gusto), eh nagkukunwari lang sila.

I also read na hindi madaling gawin ang pagkukunwaring ‘yon.

That exactly is what I’m feeling at that moment. Masama ang loob ko. ‘Di lubos maisip na ang anak-mayaman ‘to, eh reregaluhan lang ako ng ganito.

So ano ang isasagot ko? Anong positive ang masasabi ko kung ang totoo, eh parang gusto kong ibalibag pabalik sa kaniya ‘yung gift niya?

Buti na lang at kahit paano, eh may pinagsamahan naman kami kahit na maikling panahon lang. Buti na lang at ‘di naman siya mukhang nang-iinsulto at mukhang pinaglalaruan ang feelings ko sa mismong birthday ko.

I thought, maybe kapos lang siya ngayon kaya ito lang ang nakayanan niyang iregalo. ‘Di naman kasi porke anak-mayaman, mayaman na rin, ‘di ba? ‘Di naman kaniya ang pera ng parents niya, ‘di ba?

I thought na puwede ring baka masyado lang siyang naging busy lately kaya kinulang na sa panahon, at hindi na nakapaghanda ng tamang regalo for a friend, at kaya kung ano ang una niyang naisip, ‘yon na lang ang iniregalo niya sa’kin.

And of course, I also thought na, baka naman hindi pa talaga kaibigan ang turing niya sa’kin kaya ganito lang ang regalo niya. Masyadong masakit ‘yung huli kaya ipinilig-pilig ko ng marahan ang ulo ko, to brush away the horrible thought.

Anyway, buti na lang at nasa loob pa kami ng classroom at ‘di pa nakakalabas lahat ng classmates naming para magtungo sa room sa kabilang building, para sa next subject namin.

Nakatulong ang presense nila para, though feeling rebellious, eh makapag-isip pa rin ako ng maayos, at makasagot at makakilos ng mahinahon.

“Yup! Like it! It’s so nice of you. Thanks, ‘tol. Thank you talaga! Punta na tayo sa kabilang building para sa next subject natin!” sabi ko saka inilagay sa bag ko ‘yung gift (na ang totoo sana, eh gusto kong itapon), isinukbit ang bag ko sa likod ko, at tinapik siya sa balikat para sumunod na kami sa mga ka-classmates naming na nagtungo na roon.

When I came home, binuksan ko ang isa sa mga drawers ng cabinet ko, ‘yong nasa pinakailalim at bihira kong buksan, asar na ipinukol doon ang gift sa’kin ni Luigi, at saka pabalibag na isinara ulit ‘yon.

Ayaw ko na ‘yong makita uli kahit kailan. Sasama lang ang loob ko, everytime na makikita ko ‘yon. Kung bakit kasi nag-expect-expect ako ng espesyal na regalo.
Ito tuloy ang napala ko.

Anyway, from that time on, eh sinimulan ko nang kalimutan ‘yung book na ‘yon. Ayoko naming tuluyang masira ang friendship naming ni Luigi dahil lang doon.

Nagkakamali naman ang lahat. Saka everybody deserves a second chance naman. Maybe next time, though ofcourse, napakatagal pa nun, eh makabawi na siya. Next time, baka mapag-ipunan niya, baka magkaroon na siya ng sapat na panahon para makapag-isip at makapamili, at finally ay makapagbigay ng espesyal na talaga, na regalo para sa’kin.

Anyway, minsang mapunta ako sa bahay nila para gumawa ng group report naming sa school (ang dalawa naming ka-grupo ang nag-research, at kami naman ang mag-outline at maglilipat niyon sa ilang cartolina para i-report kinabukasan sa school), ay nakapasok ako for the first time sa room niya.

Umagaw ng pansin ko ang dalawang shelf sa ibabaw ng cabinet niya na puno ng libro. Ang libro na hindi kumasya sa shelf ay inilagay niya sa pinakabubong ng cabinet. Nang matapos naming ang report ay ‘di ko naiwasang punahin ‘yon.

“Mahilig ka talaga sa libro ‘no, Luigi?” curious na sabi ko.

“Yup! Since elementary. Namana ko sa mama ko na mahilig din magbasa ng libro.”

“Hindi ka nabo-boring?”

“Nope,” casual lang na sagot niya. “Books are like friends. Many of them are entertaining gaya ng story books, novels, at anthology of short stories. Nakakalibang at nakakawala ng pagkainip at pagkayamot ‘pag binasa mo.

“Ang ibang books naman ay informative. They’re like teacher-friends na nagtuturo sa’yo ng maraming bagay. Mura lang sila ‘pag binili mo. Pero ‘yong content – saka ‘yong mga  puwede mong matutuhan sa content nito – priceless ‘yon.”

“Ganoon?” nakornihang sabi ko.

But nevertheless, curious na tiningnan ko ang titles ng books sa shelf niya.

May ilang collection siya ng short stories at novels.

Tapos meron din siyang mga cook books.

“Mahilig kang magluto?” tanong ko.

“Uhum,” aniya na sinabayan ng tango. “Pero pinakamaraming luto na natutuhan ko, eh nabasa ko diyan sa mga cook books na ‘yan.”

Short stories and novels…cookbooks…pero pinakamarami sa collection niya ay mga nonfiction.

Books about personality development…success…friendship and other relationships…

“Hindi lahat ng puwede nating matutuhan, matututuhan natin sa school,” paliwanag niya sa likod ko kahit ‘di naman ako nagtatanong, nang makita niyang nakapako na ang tingin ko sa mga reference nonfiction books na ‘yon. “Hindi kasi lahat maituturo sa’tin ng mga teacher natin o ng parents natin.

Kailangan din nating tulungan ang sarili natin. ‘Yong kailagan nating matutuhan na hindi na maituturo ng parents and teachers natin, matututuhan natin sa mga libro. All we have to do is search for a certain book that contains the particular informations we need, and read it.

“Kaya para talagang kaibigan ang mga libro. Nandyan sila para turuan tayo, o para ibigay ang particular na infos na hindi na kayang ibigay ng iba.”

Tumango-tango ako. May katuwiran naman kasi siya. Kaya lang tamad akong magbasa.

“Gusto mong hiramin ‘yung iba?” alok niya.

“H-ha?!”

“Baka kako may mga books dyan na gusto mong hiramin. Okey lang.”

Inisa-isa ko ulit ‘yong titles. Then, out of courtesy, hiniram ko ‘yong iba. Six books lahat. Dalawang collection ng short stories. Dalawang novels. Romance novel actually. Tapos dalawa ring nonfiction. Binuklat-buklat ko pagdating sa bahay. Tapos, sa kawalan ng magagawa, e tuluyang binaba. Una kong binasa ‘yong collection ng short stories. At napatunayan kong tama si Luigi. Nakaka-entertain nga.

Later, after a few days ay binasa ko naman ‘yong references. ‘Yung tungkol sa personality development.

At tama naman si Luigi. Informative nga. Though marami roon, eh naituro na nga parents ko at ng ilang naging teacher ko, marami pa rin ang bago na natutuhan ko.

Then, after another week, kahit ‘di ko pa tapos basahin lahat ‘yung anim na libro, out of nowhere ay bigla kong naalala ‘yung book na regalo sa’kin ni Luigi about two months ago.

Balak ko sana ‘yung ipamigay na lang ‘pag me nagkagusto kaya lang ‘di ko na nakita at nawala na sa isip ko.

Bigla akong na-curious sa nilalaman noon. Nasaan na nga ba ‘yun? Tapos, pagkaraan ng ilang pagmumuni-muni, naalala ko.

Kinuha ko sa pinakailalim na drawer ng cabinet ko. Tapos bumalik ako sa kama at curious na binuklat-buklat ko. Nakasulat sa first page – blank page ‘yon – ang dedication ni Luigi.

 

“Happy Birthday Friend!

I want to give you one of the best gifts I could give you. And one of the best gift I could think of is something you could use for the rest of your life.

A book. A special gift, for a special person.

Happy Birthday ulit, and may you have many more birthdays to come!

 

Your friend…

Luigi :-)”

 

Na-touched naman ako sa dedication niya. Anyway, ang book pala na regalo niya sa’kin ay isang volume ng Dictionary of Quotations. Ngayon ko lang nalaman na may ganoon palang klaseng book.

Actually noon ko lang nalaman na may iba pa palang klaseng dictionary, bukod sa ordinary dictionary na ginagamit sa school. (Later ay nalaman kong mayroon pa palang dictionary of baby names, Bible dictionary, encyclopedic dictionary…)

Naglalaman ‘yon ng maraming famous quotations na naka-arrange by topics, habang ang mga topics naman ay naka-arrange alphabetically.

Sinimulan kong buklat-buklatin ang mga pahina at basahin haphazardly ang mga entries. Curious to know what kind of book this dictionary of quotations, really is. At nagtindigan ang mga buhok sa katawan ko habang binabasa ‘yon haphazardly.

The book contains lots and lots…hundreds…and probably…I mean, perhaps…- dahil makapal ang dictionary of quotations na ito – thousands of thoughts of wisdom from ancient time to the present na…na bawat isa ay puwede ‘kong mapakinabangan.

What a gift! The book – the contents actually, to paraphrase Luigi’s words – is priceless! A treasury of wisdom from ancient time to the present! Kung babasahin at uunawain natin ang nilalaman nito, kaya nitong payamanin ang isip natin within minutes!

After realizing how precious Luigi’s gift to me is, bigla akong nakonsensya. Nag-e-expect ako noon ng espersyal na gift mula sa kaniya dahil anak-mayaman siya. Hindi ko pinahalagahan when I saw that book lang pala ang gift niya. I thought, ‘di niya pinag-isipan at pinaghandaan ‘yun. ‘Yun pala pinag-isipan niyang talaga. Na ‘yun pala ang isa sa pinakaespesyal na regalong naisip niya.

He really is a friend. A friend, caring not just for the moment, but for my future too. At siya nga pala, from then on, eh books na rin ang inireregalo ko sa mga friends ko.

To let them know I really care too. To let them know I wanted to give them one of the best (and yet, not as expensive as the others), gift a friend could give.

But of course, tinitiyak ko muna na ang particular book na inireregalo ko, ay appropriate ang contents para sa particular person na pagbibigyan ko nito.

A book for making friends para sa nahihirapang makipagkaibigan. A book about success para sa natatakot nang sumubok ulit pagkatapos matalo ng ilang beses.

A book about time management para sa taong parang laging kulang ang oras para sa mga bagay na kailangan niyang gawin. A book of inspirational stories para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Cookbooks para sa mga mahilig magluto. A book about happiness para sa mga nalulungkot. A book of ghost stories para sa mga gusting magbasa ng nakakatakot bago matulog. A book of love stories para sa mga romantic at heart. Etcetera.

Surely, all we have to do is visit a library or a bookstore to see that there are books for every kind of person, na magugustuhan nating regaluhan ng libro.

At ganoon ang ginagawa ko everytime na may kailangan akong regaluhan nito.

 

 

W         A          K         A          S          !           !           !

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Utsuki  On November 17, 2010 at 11:39 am

    Sir, may gusto akong itanong tungkol dito sa storyang ito…
    Galing ba po to sa isang blog? :))) Pasensya na po kung natanong ko.😄

    Naalala ko tuloy ang life-story ni Sir Tato sa pagbabasa nito. (Who became successful because of reading lots of books.) :)))

    Thank you for giving this story as an assignment, Sir!😀

    • jsdlsonger  On November 18, 2010 at 12:45 am

      oo..maaaring galing sa isang blog nakuha lamang namin ito sa maliit na aklat…

      si Darius maaari ang awtor o may-akda nito…

      SALAMAT at ito ay iyong nagustuhan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: