“Ser…Bakit Pilipino?” Isang Medyo Seryosong Tanong. ni Jessie de Lara noong Huwebes, Agosto 19, 2010 nang 5:57 PM

“Ser…Bakit Pilipino?” Isang Medyo Seryosong Tanong.

 

Panimula

Sinasabing ang kabataan sa ngayon ay pulos FB, Texting at Farmville na lang ang alam.Generation Gap naman ang sinisisi sa pagbagsak ng mga bagay-bagay na hindi maunawaan gaya ng kalidad ng edukasyon, pagkawala ng mga pagpapahalaga at moralidad, at ang tila lumalayong pagmamahal ng kabataan sa Bayan. Sa gamit na gamit na kasabihan ni Jose Rizal na “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” hayaan ninyong paikutin ko rito ang aking medyo seryosong tanong at tula. Nais kong magmula sa punto-de-vista ng mga kabataang nagfafacebook habang gumagawa ng assignment gaya ko, may earphone habang nasa jeep at kulang na lang pakasalan ang cellphone dahil hanggang sa pagtulog ay katabi ito.

Hayaan ninyong magsimula ako sa isang maikling tula.

 

SER…Bakit Pilipino?

 

Ako’y naghahanap, minsa’y nagtatanong,

Maging Pilipino ba’y pagsuot ng T-Shirt?

O di kaya’y pagkain sa Jollibee,

Gayun rin kaya ang pagluto ng adobo?

Ako’y nabubulag sa mga panooring amerikano.

Nakabibingi na ang tugtuging K-pop.

Ngunit hindi ko makita ang sabing Pilipino.

Asan kaya ang pinagkaiba ng bawat isa.

Ang hirap maging bayani, inaalayan ng monumento.

Ang hirap magpakadakila, baka paglabas mo’y katayin ka.

Mas madali ang Maging Amerikano – mas makinang ang Hollywood.

Mas masarap maging Koreano – mas madagundong ang KPOP.

Waring madilim na kalsada ang aking nilalakad.

Matinik na kagubatan aking hinahanapan.

Kailan kaya matatagpuan?

Kailan kaya mahahalugad?

Nasa FB ba o nasa Chat?

Iginogoogle ko ngunit wala naman.

Ang paghanap ba’y pansariling responsibilidad

O,  maaari kayang ako’y iyong alalayan?

 

 

 

PAGLINANG

 

Sa paghahanap na ito ng kasagutan at identidad, nabasa ko ang isang kinatha ni Randy David (2001) “The heroes of our nation  never needed to explain their nationalism or patriotism to anyone, nor did they have to justify it to themselves. For these terms were synonymous with freedom and emancipation from colonial bondage, a singular value that gripped all of them. But certainly, face to face with apost-colonial generation, parents and teachers need to define what the value content of a nationalist commitment might be today.”  Ano raw? Ingles na ang lalim pa… Bilang isang kabataan na pinag-aralan ang kadakilaan ng mga bayani noong elementary at high school, nais ko rin sanang makilahok sa giyera at himagsikan, nais ko ring punitin ang aking sedula kasama ni Bonifacio o kaya’y makita ang pagbaril kay Jose Rizal,  ngunit hindi ko lubusang mapagtanto kung bakit sa ngayon ay wala na ang mga pagkakataong ito,nakikita sa aking henerasyon ang teknolohiya at kaunlaran  ngunit hindi ang pagnanais ko na makapaglingkod sa Bayan gaya ng Bayani. Nararamdaman sa aking panahon ang bilis at kaayusan ng buhay ngunit hindi ang pagnanais ko rin na maranasan at makilahok sa pagbabagong iaalay at magiging salalayan ng makabagong henerasyon.

Sa pakikinig sa mga kwento ng giyera at himagsikan, o pagbabasa ng mga istoryang-pangkasaysayan parating sinasabing “Ang Swerte ninyo! At hindi ninyo naranasan” ngunit wala kailanman ang nagsabi at magsasabi na “Sayang at hindi ninyo natikman ang hirap na aming naranasan” Wala ring nagsasabi na “Kung naroon lamang kayo ay Makikita ninyo…”Ngunit sa kabila ng lahat ng ito Sana ay may magtanong “Nais ninyo rin bang ialay ang inyong Buhay sa Bayan? o kaya Kung sa panahong iyon kayo nabuhay, gayun rin ba ang inyong gagawin? Sana ay may magtanong, Sana ay may nais umalam,” dahi lpaniguradong hindi kami sasagot, dahil paniguradong hindi kami magtatanong at lalong higit na hindi kami tututol at dagli na lang na tatalima Para sa Bayan, Para sa Kalayaan, Para sa Pagbuo ng Bayan at Kasarinlan dahil higit sa pagsuot ng t-shirt at mga kubyertos na may mapa may nais pa kaming gawin, may nais pa kaming ibigay at ialay sa Bayan. Hindi man gaya ng ibinigay ni Rizal o niBonifacio, o ng karangalang ipinagkaloob ni Pacquiao at Hulaton, may nais rin kaming ialay—gayun lang ay hindi pa rin namin alam sa ngayon kung ano ito, maaaring FB na aming gamitin o Text kaya ang punto lang, sana ay may magsabi o kaya’y gumabay sa aming paghahanap.

Hayaan ninyong tapusin ko ito sa isang maikling taludturan…

 

Sa Paghahanap

Winaring Babae ang aking Bayan,

Madalas tinutukoy na binaboy at niyurakan.

Parating sinisisi ang mga banyaga.

Sa Pagyakap ko sa dayuhang impluwensya ako’y tinutuya.

Aking nais hanapin pagmamahal sa Bayan.

Aking nais makita sinasabing Pag-ibig sa Wika.

Madilim ang daan ng kagubatan-

Hindi pinanday nang matagal na panahon.

 

Inilayo ang kasaysayan at ginawang libro.

Hindi ninyo alam ako’y nagbabasa.

Hindi ninyo alam ako’y naghahanap.

Ng aking pagkakakilanlan,

Ng aking pagkatao at identidad.

 

Nawa’y aking matagpuan,

Pagmamahal na Puro at Dalisay

Ng sa gayon ang Patritismo –

Hindi na lang basta t-shirt o kahit anong may bandera at mapa ng Pilipinas.

-jsdl-

-18-8-10

 

 

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: