ang aking paghahanap at hubad na pagbalik… ni Jessie de Lara noong Linggo, Setyembre 13, 2009 nang 5:06 AM

Alas diyes ako nagsimulang mag internet…mag aalas kwatro na ngunit patuloy pa rin akong nagbrobrowse sa malawak at walang katapusang mundo ng internet…sa aking pag susurf pinipilit kung Makita ang mga nawawalang bahagi o mga bagay na nais pang malaman…. Ang katotohanan niyan isa lang naman ang hinahanap ko at hindi ko sigurado kung tama ba ang pinag hahanapan ko…. Hinahanap ko lang naman ang sarili ko… browse dito browse doun… kung sa palabas ni MILA na isang gurong hinanap ang sarli at natagpuan sa ermita nang walang buhay… malamang sa harapan ako ng laptop pupulutin…

Ilang taon na ba akong nagiinternet…nakakalibang, nakakaaliw maraming bago kaya’t natatakpan ang mga totoong isyu at usapin ika nga sa candy ang daming asukal puno ng sugar coating… maraming beses ko ng tinanong sa sarili ko…Jessie…sino ka ba? Mabait ka ba? O masama? Salbahe ka ba o santo? Maniwala kayo’t sa hindi…hindi ko pa nasasagot iyan basta’t ang alam ko pinipilit kung maging mabuti araw-araw kahit na sa paningin ng lipunan ay hindi basta’t alam kong sinusunod ko ang unibersal na batas ng katotohanan at pagiging mabuti…
Dumarating din ang oras na nagtatanong ako kung kailan ako hihinto o lalakad o dapat na bang tumakbo. Marameng beses napagod at napapagod ako… sa bagal ng takbo ng mundo, sa kaunting oras para tapusin lahat ng kailangang gawin, sa persepyon kong mabait ang mundo ngunit ang kabaligtaran ang pinaparanas niya sa akin… at sa kung anu ano pang mga bagay na hindi naman napupunuan ang puso ko bagkus ipinapaalala pa ang kakulangan ng aking buhay. Minsan sa pagharap ko sa buhay nagtatanong ako … dito ba talaga ang daan? Tama ba ang pupuntahan ko?

Marameng beses na akong naligaw, nalito at napagod,,,maraming beses nagtanong at nagkwestiyon…ngunit sa paghahanap ko ng kung anu-ano isa lamang ang laging pumapasok sa isipan ko… hubad akong babalik sa gumawa sa akin… at gaya ng isang maawaing ama hindi niya ko sisigawan, papagalitan o papaluin kahit na magkamali ako bagkus babalutin ng pagmamahal at patuloy na paiinitan ng lambing upang mapunan ang parting hinahanapan ng piyesa na mailalagay… patuloy na aarugain at ipapaalalang ang paghahanap ay wala sa kung saan man kung hindi sa katotohanang minamahal ako ng aking manlilikha at ni hindi darating ang panahong mawawala ang pagmamahal na iyon dahil akong kanyang nilikha ay hindi lamang isang gamit kundi isang bahagi niya na habang buhay makakapiling. Mabuti na lamang at ang aking manlilikha ay bukas ang puso upang tanggapin ako… dahil kinakaawaan ko ang mga likha na may manlilikhang mahilig magparusa… sa wakas ay alam kong hindi ko man Makita ang katahimikan ng aking kaisipan ay mananahan naman ang aking kaluluwa at puso kasama niya habang buhay.

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: