1 MM… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL…

1 MM… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL… GAMITIN ANG COMMENT BOX AT IPUBLISH…MAAARI RIN KAYONG MAG SUBSCRIBE UPANG SA ORAS NAMAKITA KO NA ANG INYONG GAWA AT LAGYAN NG KOMENTO AY AWTOMATIKONG PADADALHAN KAYO NG EMAIL…

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Abigail Sales  On December 15, 2010 at 11:49 pm

    “Malisya”
    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang senaryo na aking pinakakinagiliwan ay ang senaryo kung saan naghihinagpis ang isa sa mga bidang babae sa dulang aking pinanood. Dahil sa mga maling nagawa niya ay hindi niya matanggap na wala na ang pinakahahangad niya sa lahat, ang pagmamahal ng kanyang kasintahan.
    Napakagaling ng artistang gumanap sa karakter na iyon. Hinahangaan ko ang talento niya sa pag-arte sapagkat naipakita niya sa manood ang tunay na emosyon na maaring maramdaman ng sinumang taong may kapareha ng karanasan sa karakter na ginanapan niya.
    Ang karakter na ito ay ang babaeng may kasintahan na hindi siya tanggap dahil sa pagiging hindi desenteng uri na babae niya. Dahil dito ay nangaliwa ang kanyang kasintahan at nagbreak sila. Nabuntis siya nito at hindi ito matanggap ng kanyang kasintahan dahil nagkaroon pa siya ng ibang karelasyon. Ito ang nagtulak sa kaniya ng pangalawa pang pagkakamali at ito ay ang pagpapalaglag niya ng kanilang sanggol. Ipaglalaban na sana siya ng kanyang kasintahan at isasama na siya subalit nang malaman ito ng kanyang kasintahan ay nagalit ito at tuluyan siyang iniwan. Dahil dito sobra-sobra ang hinagpis ng babaeng ito at tuluyan nang tinapos ang kanyang buhay.
    Ang senaryong ito ang aking kinagiliwan nang husto sapagkat ipinapakita dito ang maaring mangyari sa mga kabataan katulad ko kapag hindi nag-iingat sa mga nangyayari sa aming kapanahunan ngayon. Minumulat ang mga kabataan sa mga posibilidad na maaring manyari kung sakali mang suwayin namin ang tama at sundin ang mali. Ito ay parang nagsilbing isang babala para sa akin na huwag tularan ang babaeng iyon sa mga nagawa niyang pagkakamali sapagkat napakalaking kasalanan sa Diyos ang mga nagawa niya at dahil ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagkasawi sa buhay.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Unang-unang isyung panlipunan na aking nakita sa dulang ito ay ang problemang kinakaharap ngayon ng ating gobyerno, at ito ay ang maagang pagbubuntis ng karamihan sa ating mga kabataan. Napakalaking problema ito sapagkat ito ang nagiging sanhi ng kahirapan ng karamihan sa ating mga kababayan. Dahil sa maagang pagbubuntis ay hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkaroon ng mas maginhawang buhay lalo na kung siya ay mahirap lamang sapagkat magkakaroon na siya kaagad ng obligasyon na kailangan niyang harapin sa murang edad.
    Ang pangalawang suliraning panlipunan na aking nakita sa dulang ito ay ang paraan ng paggabay ng mga magulang para sa mga kabataan. Dahil sa kakulangan sa gabay o sobrang higpit ng mga magulang sa kanilang mga anak, ay naliligaw ng landas ang mga kabataan ngayon. Kapag nagkulang sa gabay, maaring lumaking may pagkukulang ang kabataan at hanapin ito sa ibang tao kung saan may posibilidad na ibigay ng kabataang ito ang lahat-lahat na mayroon siya para lamang sa taong nagpupuno ng pagkukulang ng kaniyang mga magulang. Kapag sobra-sobra naman ang gabay na ibinibigay ng mga magulang sa kabataan ay maaring magdulot ito ng pagrerebelde at mas gumawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng mga magulang. Ang nararapat gawin sa problemang ito ay magkaroon ng mga seminars kung saan tinuturuan ang mga magulang ng tamang pagdidisiplina sa mga kabataan upang maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng bayan ang mga kabataang ito.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang mga katotohanan sa buhay at lipunan na aking nakitang naipamalas sa dula ay ang kalagayan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Dahil ako ay isa rin sa mga kabataan ngayon, alam ko ang gustong ipahatid ng dulang aking pinanood. Naiugnay ko nang husto ang aking sarili sa dula sapagkat ang mga nangyayari sa dulang iyon ay nangyayari rin mismo sa akin at sa mga taong nakapagligid o malapit sa akin tulad na lamang ng aking mga kaibigan.
    Isa sa mga katotohanan dito ay ang mga emosyon na nararamdaman ng isang kabataan na tulad ko. Minsan ay mas napapangunahan ng puso ang utak sa mga pangyayari sa buhay naming mga kabataan. Mas pinapaiiral namin ang nararamdaman namin at hindi iniisip ang maaring kakahinatnan ng aming mga ginagawa. Ito ang nagiging dahilan ng aming mga maling desisyon sa buhay na nagdudulot ng pagkasira ng buhay ng ilan sa aming mga kabataan.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Para sa akin, masasabi kong puno ng katotohanan ang dulang aking pinanood dahil ito ay karaniwang nangyayari sa mga kabataang katulad ko. Ipinakita sa dula ang realidad na nagyayari sa karamihan sa mga kabataan ngayon. Isa na rito ay ang iba’t-ibang uri ng relasyon na pinapasukan ng mga kabataan tulad na lamang sa relasyon sa kaibigan, kasintahan at iba pa.
    Ipinakita rin sa dulang ito ang mga problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon. Ang pangunahing kalaban ng mga kabataan na tulad ko ay ang aming mga emosyon. Dahil sa aming murang edad ay masidhi pa ang aming mga damdamin at mas pinapairal namin ang aming mga emosyon. Padalos-dalos kame sa aming mga ginagawang desisyon sa buhay at hindi namin iyon iniisip bago namin gawin. Ang mahalaga lang sa amin ay masunod ang gusto namen at mapunan ang mga hinahanap namen sa buhay.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Napakaraming mensahe ang naipahatid ng dulang ito sa aking buhay. Natutuwa ako at pinanood ko ito. Mas namulat ang aking mga mata, at nabuksan ang aking isip sa mga posibilidad na maaaring mangyayari sa aking buhay kapag ako ay nagpadalos dalos sa aking mga desisyon sa buhay.
    Ang mensahe na aking dadalhin habang buhay ay ang pagsunod sa moral values na itinuro ng aking mga magulang. Ngayon ay alam ko na ang tama sa mali, at palaging kong aalalahanin ang mga ibinigay na mensahe sa dulang ito na ang maling nagawa ay hindi na dapat pang sundan ng pangalawa pang pagkakamali. Kung minsan sa buhay ko ay dadaaan talaga ako sa punto kung saan magkakamali ako subalit sa tuwing maaalala ko ang dulang ito, matatanim sa aking isip na gawin ang tama at huwag nang sundan ng pagkakamali ang unang maling aking nagawa. Mas minulat ang aking isip ng dulang ito na bago ako gumawa ng desisyon sa aking buhay ay dapat makailang beses ko muna itong iisipin at huwag magpadalos dalos upang hindi ito maging sanhi ng pagkasira ng aking buhay.

  • Gedette de taza  On December 19, 2010 at 8:51 am

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    * Ang tagpo kung saan laging humahabol ni Noimy kay Macky. Ipinapakita lang dito kung gaano kamahal ni Noimy si Macky. At nagustuhan ko rin ang senaryo kung saan ipinagtapat ni Macky kay Noymi ang kanyang totoong pagkatao. Sa kabila nang pagtatapat ni Macky ay buong pusong tinanggap yun ni Noimy.
    * Ang isa pang senaryo na nagustuhan ko ay nang magdesisyon si Puresa na hindi ipalaglag ang batang dinadala niya. Siya rin mismo ang nagsabi na ayaw na niyang dagdagan pa ang pagkakamali na nagawa niya.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang mga isyung panlipunan na naipakita sa dula ay:

    * Ang maagang pagkabuntis ng mga kabataan sa panahon ngayon. Tulad nalang nangyari kina Lyn at Puresa. Dala ng pagmamahal ni Puresa kay Rommel nagawa niya ang gustong mangyari ni Rommel kahit hindi niya intension na mabuntis ng maaga.
    * Ang discriminasyon binibigay ng mga tao. Dahil dito tayo ay natatakot na magkamali sa lahat ng ating ginagawa sa buhay. Nalilimitahan na ang mga gusto nating gawin dahil sa maaaring discriminasyon na ating matatanggap. Tulad na lang ng pagtatago ni Macky sa kanyang tunay na pagkatao at ang maagangpagbubuntis nina Lyn at Puresa.
    * Ang aborsyon ay ang nagiging solusyon ng mga kabataan na maagang nabuntis. Tulad nalang ng nangyari kay Lyn. Si Lyn ay nagpa-abort sa takot na kung ano ang mga negatibong sasabihin ng kanyang pamilya sa kanya.
    * Ang paggamit ng posisyon. Tulad ni Sir Francis na ginamit ang kanyang pagiging propesor upang makuha ang kanyang gusto.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang katotohanan sa buhay at lipunan na naipamalas sa dula ay tulad ng aking sinabi ay ang maagang pagkamulat ng mga kabataan sa mga bagay tulad ng pagtatalik at ang maagang pagkabuntis ng mga kabataan sa panahon ngayon. Isa pa sa mga naipamalas ay ang discriminasyon na ating naririnig sa mga taong nakapaligid sa atin. Tayo ay natatakot na magkamali dahil dito. Ang aborsyon rin ay isa sa katotohanan na nangyayari sa ating buhay at lipunan. Ito ay tila tumataas na rin sapagkat sa ating henerasyon ngayon ay marami ng mga kabataan ay maraming nabubuntis ng maaga.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Masasabi ko na ang dulang aking napanuod ay puno ng katotohanan. Sa panahon ngayon ay marami na sa atin ang nakararanas ng discriminasyon. Ang ating “self esteem” ay bumababa dahil sa mga sabi-sabi tungkol sa atin na ating naririnig sa mga tao. Dahil dito, tayo ay natatakot gumawa ng mali. Tulad ni Lyn na natakot sa maaaring discriminasyon na kanyang matatanggap dahil siya ay nabuntis ng maaga kaya nagkaroon siya ng desisyon na ipalaglag na lamang ang batang kanyang dinadala.

    And dula ay nagsasaad din ng katotohanan tungkol sa mga dalaga na maagang nabubuntis. Sa panahon ngayon ay hindi maikakaila na dumarami na ang mga kabataan na maagang namumulat sa pagtatalik. Dahil dito tumataas na rin ang mga kaso ng mga kabataan na maagang nabubuntis.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang mensahe na napulot ko sa dula na aking napanood ay maging maingat sa mga gagawing desisyon sa buhay sapagkat sa bawat desiyon na ating gagawin ay may maganda at masamang maidudulot sa atin. Dapat natin muna alalahanin ang puwedeng mangyari sa bawat desiyon na ating gagawin. Isa pang mensahe na aking napulot ay ang maging totoo ka sa iyong sarili. Dapat natin ipakita sa lahat ang ating tunay na pagkatao kahit na alam natin na may discriminasyon tayong kakaharapin. Dapat natin mahalin ata tanggapin ang ating sariling pagkatao. At dapat natin isaisip na hindi masama ang magkamali dahil sa mga pagkakamali natin tayo natuto. Kaya natin matutunan ang bawat aral na ating mapupulot sa lahat ng ating maling magagawa at huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:48 am

      Ang ating “self esteem” ay bumababa dahil sa mga sabi-sabi tungkol sa atin na ating naririnig sa mga tao.” okay ito…

  • karminasalazar  On December 20, 2010 at 3:02 pm

    Mali Sya

    1. Ano ang mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    • Ang senaryong aking pinakanagustuhan ay kung saan ipinakita na lahat sila ay nahihirapan dahil sa sunod-sunod na dating ng problema sa kanilang pagkakaibigan, relasyon at iba pa.

    2. Ano ang mga nakatagong isyung panlipunan ang iyong nakita sa dulang pinili? Isa-isahin.
    • Meron pa ring mga taong sumasang-ayon sa pagpapalaglag ng bata sa kanilang sinapupunan. Ito’y isang illegal na gawain ng mga kumadronang gusto kumita kahit patago.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at ipaliwanag.
    • Una, ang hindi pagtanggap ng mga magulang sa pagkakamaling nagawa ng kanilang anak. Dahil ipinakita na kung hindi papakasalan ng lalaki ang babae, papalayasin ito sa bahay at itatakwil bilang anak.
    • Pangalawa, ang paggawa ng maling desisyon ng mga kabataan na maagang nabubuntis at natatakot na hindi sila matanggap ng kanilang mga magulang. Ipinakita ni Lyn na mas gugustuhin nyang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan dahil ayaw syang panagutan ng lalaki ang kanyang pagbubuntis. At hindi rin sya susuportahan ng kanyang mga magulang kapag hindi sya pinakasalan ng nobyo.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang-isip lamang ng mga gumawa nito?
    • Para sa akin, masasabi kong maaaring sabihin na makatotohanan ang ipinakita nilang dula dahil kuhang-kuha nila kung ano ang mga eksaktong nangyayari sa mga kabataan ng kasalukuyan.

    5. Ano ang mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    • Hindi lahat ng bagay ay madadaan sa pamamagitan ng pagmamadali at padalos-dalos na pagdedesisyon tungkol sa isang bagay. Mahalaga na pag-isipan muna ng maigi kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Dahil sa bawat gawin natin ay may kapalit na mabuti o masama, depende kung anuman ang ating ginawa.

    Advance Merry Christmas po!🙂

  • anadolorcatoc  On December 23, 2010 at 2:48 am

    Ana Dolor Catoc Dec 21,2010
    1-MM

    KAWIKA
    AT ITO AY TALAKAYIN…

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    Isang proyekto ang itinataguyod ngayon ng KAWIKA at ito ang OPLAN: Wikang Filipino 2035 o OPLAN: WiFi 2035.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?

    Ang matatagpuan mo sa sanaysay “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wika” At Wika na maglibot sa iba’t ibang paaralan at magsagawa ng mga simposyum at talakayan upang lalo pang palaganapin ang kaalaman at pag-unawa ukol sa wikang Filipino.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA…

    Ang sanaysay na aking gagawin ay ukol sa FACEBOOK ito ang ginamit kong paraan dahil dito nakukuha ang attensyon ng lahat tulad naming mga mag aaral madami kaming nakukuha impormasyon ukol sa ibat ibang paraan ng mga makabago ngayon sa atin lipunan, bakit hindi natin gawin itong material upang palaganapin ang ating pangunahin pangangailangan pagdating sa ating pag aaral..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: