1A2 AT 1T1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL.

1A2 AT 1T1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL.GAMITIN ANG COMMENT BOX AT IPUBLISH…MAAARI RIN KAYONG MAG SUBSCRIBE UPANG SA ORAS NA MAKITA KO NA ANG INYONG GAWA AT LAGYAN NG KOMENTO AY AWTOMATIKONG PADADALHAN KAYO NG EMAIL…

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Sesilya Rosario Ignacio Timbungco  On December 17, 2010 at 8:03 am

    TIMBUNGCO 1A2
    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang isa sa mga senaryong aking kinagiliwan sa dula ay ang pagpapakita ng konsensiya nina Puresa at Celine (Lyn)nang nagbalak silang ipalaglag ang kanilang mga anak kay Romel, ang kanilang kasintahan. Kinagiliwan ko ito dahil sa pamamaraan ng pagpapaubaya ng emosyong naguumapaw sa takot, kaba, at lito sanhi ng pagpapalaglag. Naipakita ito sa pamamagitan ng pag-ikot ng mga dancers na naka-itim kay Puresa at kay Celine nang may bungong nagsayaw sa entablado.

    Isa pa sa aking mga kinagiliwan ay ang mga senaryong naroroon ang barkada nina Puresa, Maggie at Maki dahil maganda ang pagsasama ng tatlong tauhan. Ang kanilang iba’t ibang personalidad ay maayos na nakabubuo ng magandang samahang masayang panuorin sa entablado.

    Ang introduksyon din ng pangalawang dula, Malisya, sa kanilang mga tauhan ay maganda dahil naipakita rito ang husay ng mga aktor sa pag-arte lalong lalo na ang tauhang si Maki at Noymi. Mahusay ang pagiba ng personalidad ni Maki kapag siya’y nagpapanggap na lalaki, at bumabalik sa paggiging bading.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang mga isyung panlipunang naipakita sa dulang Malisya ay ang pre-marital sex, maagang pagbubuntis, pagsisinungaling/panloloko, adultery, homosexuality at aborsyon.

    Ang pre-marital sex ay makikitang ginagawa, una, nina Romel at Celine, at pangalawa, nina Romel at Puresa. Unang naging kasintahan ni Celine si Romel ngunit naghiwalay ang dalawa dahil ikinahiya ni Romel ang magaslaw na pagkatao ni Celine. Si Puresa ang sunod na naging kasintahan ni Romel, kung saa’y iniwasan na siya ni Romel pagkatapos niyang makuha ang gusto kay Puresa. Nang makalipas ang ilang buwan, nagkita sina Celine at Puresa sa paaralan kung saan nalaman ng ikalawa na pareho silang nagdadalang tao, parehong anak ni Romel. Dito din makikita ang isyu ng maagang pagbubuntis.

    Ang pagsisinungaling ay makikita sa pagsinungaling ni Puresa sa kaniyang magulang upang makasama siya kay Romel.

    And adultery naman ay makikita sa relasyong naganap sa pagitan nina Celine (nang maghiwalay sila ni Romel) at ni Sir Francis, ang kanilang guro sa paaralan. Sa bandang dulong bahagi ng dula, nang tawagan ni Celine si Francis, malalaman na may asawa pala ito.

    Ang aborsyon naman ay makikita sa desisyon ni Celine na ipagpatuloy ang pagpapalaglag sa kaniyang anak. Bunga ito nang hindi naniwala si Romel na siya ang ama ng anak na dinadala ni Celine dahil sa kaniyang akala’y si Sir Francis ang nakabuntis dito. Nakakalungkot nang mapagtanto ni Romel ang kaniyang mali at nagbalak balikan si Celine at ang kanilang anak, ngunit naipalaglag na ni Celine ang sanggol.

    Ang homosexuality ay isang isyung mainit sa mata ng madaming tao, lalo na sa simbahang Katoliko. Sa ibang tao ay hindi ito kasalanan, ngunit sa madami ay mali ito sapagkat babae’t lalaki lamang ang ginawa ng Diyos. Isang isyu pang madalas na kasama nito ay ang pagpapatupad ng gay marriage. Ang sabi ng iba’y hindi ito tama, ngunit ipinagtatanggol naman ng mga kabilang sa grupong ito na karapatan nila ang maging isang homosexual at hindi ito sa kahit ano mang paraan konektado sa kanilang relasyon sa Diyos.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang mga katotohanang naipamalas sa dulang Malisya ay tulad rin ng mga isyung panlipunang makikita dito.

    Ang pre-marital sex ay isang bagay na karaniwang ginagawa ng madami ngayon. Nalilimutan nang pahalagahan ito kung kaya’t madami na ang nagiging kaso ng maaga o hindi inaasahang pagbubuntis kumpara sa nakaraan. Ang isyung ito ay isa rin sa mga karaniwan nang pangyayari sa lipunan ngayon na sa ibang tao’y normal na ito. Hindi nakikita ng madami ang epekto nito sa buhay ng mga nagiging ina ng maaga. Ang kanilang pag-aaral ay nauudlot at ang mga pangarap ay bihira nang nakakamit. Dahil dito, ang mga pangmatagalang epekto ng maagang pagbubuntis ay sadyang nakaksugat rin sa lipunan tulad ng dami ng taong walang hanap-buhay o bilang ng mga batang hindi nakakapagaral.

    Ang pagsisinungaling at ang adultery ay mga katotohanang karaniwang makikita sa isang relasyon. Maaaring relasyon sa magulang, sa mga kaibigan o sa isang kasintahan.

    Madami din ang gumagawa ng aborsyon dahil sa maagang pagbubuntis. Sa palagay ko’y marami ang mahina ang kapit o ang paniniwala sa Diyos kaya nila nagagawa ito. Ang bata, inaasahan man o hindi, ay palaging isang biyaya mula sa Diyos. Tulad din ng sabi ni Puresa, ang pagkakamali ay hindi na dapat patungan ng isa pang mali. Magmula sa maling pagbubuntis, ay maaaring makagawa ng tama na maipamamalas sa tamang pagpapalaki sa iyong anak. Kahit anong pagdedebate pa ang gawin ukol sa aborsyon, isa itong uri ng pagpapatay at pag-aalis ng karapatan ng isang taong nabubuhay.

    Ang homosexuality ay palaging mainit na isyung pinaguusapan at pinadedebatehan. Kadalasan rin na ang mga taong kabilang sa grupong ito ay inaapi ng lipunan at minamaliit ng madami, dahil lamang sa kanilang sexual preference.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ang dulang Malisya ay pulos katotohanan dahil sa mga isyung naipamalas dito. Maaaring mababaw ang istorya ng dula ngunit ang pagiging karaniwan nito ay siyang nagpapaepektibo dito dahil siguradong madaming tao ang makikiisa sa istorya.
    Naipakita sa dula ang mga karaniwang problemang nararanasan ng marami sa panahon ngayon.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang mensaheng napulot ko sa dula na dadalhin ko habang buhay ay ang mag-isip muna bago gawin ang isang bagay, tulad ng sabi sa huling kanta, “mag-isip ka sana kaibigan”. Ito ang mensaheng naisip ko dahil isa ako sa mga taong nakikinig lamang kapag may nangyari nang hindi mabuti bunga ng aking mga aksyon.
    Ito rin ang mensaheng dapat tumatak sa isip ng lahat ng tao. Mag-isip bago umaksyon upang hindi ito pagsisihan.

  • Francesca Chua  On December 19, 2010 at 3:58 am

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang parte na aking ikinatuwa ay kung paano nila inilarawan o isinadula ang pakikipagtalik at ang pagaabort ng sanggol.

    Ang isang malaking labing karton kung saan pumasok si Lyn, Rommel at Puresa ay nagsimbolo ng pagdikit ng mga bibig na ginagamit sa paghahalikan na nauwi sa kanilang pagtatalik.
    Paglabas nila ay nakatapis na lamang ng tuwalya ang mga babae at si Rommel naman ay walang pantaas. Nakuha talaga ang atensiyon ng mga manunuod ng eksenang ito sapagkat magaling ang kanilang pagsayaw na parang nagsisimbolo ng pagiisa ng dalawang katawan.

    Sa abortion naman, sumayaw ang apat na mga “Grimm Ripper” na kumuha sa kaluluwa ng batang ipinalaglag ni Lyn. Natuwa ako naging set-up at mood ng stage, sa mga ginamit nilang mga ilaw at background music ay mararamaman mo talaga ang takot at panghihinayang sa nangyari sa sanggol.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Pre-Marital Sex: o ang pagtatalik ng mga hindi kasal. Ipinakita ito sa pagsisiping ni Rommel at Lyn, at Puresa at Rommel. Sila ay mga kolehiyo pa lang at hindi sila kasal kaya hindi tama ang kanilang ginawang pagsisiping.

    Teenage Pregnancy: Ang maagang pagbubuntis ng mga dalaga ay ipinakita sa kinahinatnan ni Puresa at Lyn na bunga ng pakikipagtalik nila kay Rommel. Bunga rin ito ng isa pang isyu, ang Unsafe Sex o pagtatalik ng walang proteksyon.

    Ang sunod ay ang pakikipagrelasyon ni Lyn kay Sir Francis. Ang pagkakaroon nila ng sexual na relasyon ay mali dahil si Sr. Francis ay guro ni Lyn at hindi sila kasal.

    Abortion: Ang pagpapalaglag sa sanggol sa sinapupunan ni Lyn na anak nila ni Rommel. Ang pagpapalaglag at katumbas ng pagpatay ng tao. Lalo pa’t ito ay kanyang sariling laman at dugo.

    Homosexualidad: Sa lipunan ay unti-unti na itong natatanggap ngunit ang relihiyong Katoliko padin ay labag dito. Ito ay naipakita sa pag-amin ni Maki sa kanyang mga kaibigan na ang gusto niya ay kapwa niya lalaki, na si Sr.Francis.

    Ang panghuli ay masasabing isyung panlipunan ngunit mas masasabi itong isyung pangkatauhan. Ang karamihan ng kabataan ay ang tingin sa Alcohol ay pangpalakas ng loob at panglunod ng utak upang maging manhid sa problema. Ito ay pinakita sa parteng naginuman si Naomi at Maki. Ang dahilan ni Maki ay upang makalimutan ang pagkabigo kay Sir Francis at kay Naomi naman ay upang mangyari seksual sa kanila ni Maki.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Lahat ng aking nabanggit sa bilang 2 ay malinaw nating makikita sa ating lipunan noon at hanggang ngayon. Hindi natin maikakaila na wala tayong kilalang (kaklase, kapitbahay o maging kamag-anak) na maagang nabuntis. May mga nababalitaan din tayong mga taong nagpapalaglag ng anak. Ang homosexualidad naman ay makikita di lang sa ating lipunan kundi maging sa buong mundo.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ang dula ay hango sa totoong takbo ng buhay ng mga tao. Ito ang mga problemang panlipunan na imposibleng kailanman ay hindi pa natin narinig o nabalitaan man. Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay namumulat sa madaming bagay na dapat ay mga nakatatanda lamang ang nakakaalam o gumagawa. Dahil dito, maraming mga kabataan ang nasasangkot sa iba’t ibang gulo o gusot na mahirap nang ayusin. Marahil nagkamali nga si Jose Rizal sa kanyang sinabing “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” dahil sa panahong ito ay ang mga kabataan pa ang humuhila pababa sa kanilang mga pamilya.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang mensahe na napulot ko mula sa dula na dadalhin ko habang buhay ay hindi kailangang ibigay mo ang iyong buong sarili upang ipakita mo sa tao ang iyong pagmamahal. Ang pagtitira ng konti para sa sarili mo ay magdudulot ng malaking epekto sa buhay mo. Lalo na sa mga kababaihan na tila ang pagbibigay ng kanilang katawan ay pinagkakakitaan pa minsan ng pera. Kapag ginagalang at nirespeto mo ang sarili mong katawan at damdamin ay irerespeto ka din ng ibang tao.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:54 am

      Kapag ginagalang at nirespeto mo ang sarili mong katawan at damdamin ay irerespeto ka din ng ibang tao.- ito ay mahusay na paalala lalo na sa mga kabataan ngayon…

  • tinsywinsy  On December 19, 2010 at 7:28 am

    *Mali Sya
    Kristine J. Pineda

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang mga huling tagpo sa dulang malisya ay aking kinagiliwan. Sa huling bahagi kasi nang dula naipakitang mabuti ang mga pangyayari na resulta ng mga desisyon na ginawa at pinili ng mga karakter sa istorya. Sa bahaging ito rin malalaman at mapupulot ang mga mahahalagang mensahe at kaalaman na maaaring magamit sa tunay na buhay.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang mga isyung panlipunan na naipakita sa dula ay ang mga sumusunod :
    · Homosexuality
    · Hindi inaasahang pagbubuntis
    · Abortion

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Sa nasabing dula ipinakita ang tunay na pagkakaibigan. Ang bawat karakter sa istorya ay humarap sa ibat-ibang problema at pagsubok ngunit sa huli ang kanilang pagkakaibigan parin ang nanaig at nagpanatili sa kanilang matatag at puno ng pag-asa.
    Kapansin pansin din ang kahalagahan ng pagpapatawad na nasaksihan sa dula. Bilang mga nilikha hindi natin maiiwasan na magkamali at makasakit ng iba. Sa huli ang importante ay matanggap natin at maaku natin ang nagawang kasalanan at matuto mula sa ating mga pagkakamali.
    Sa kwento naipakita binigyan rin ng higit na importansya ang pahayag na: “ ang isang pagkakamali ay hindi kayang itama ng isang pang pagkakamali.”. Sa pahayag na ito masasabi natin na sa bawat karanasan ay mayroon tayong makukuhang kaalaman na makatutulong sa atin upang maging isang mabuting indibidwal. Ang ating mga desisyon rin ang makaaapekto sa takbo ng ating buhay kaya’t sa anu mang pagdidisisyon na ating haharapin kaylangan tayo ay maging matapang at matalino sa pagpili ng kung ano ang tama.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ang dula na napanood ay napaka makatotohanan. Ito ay base sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon. Naging inspirasyon sa pag gawa nito ang mga problemang hinaharap ng lipunan.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Sa panonood ko ng dula nais kung baunin ang kahalagahan ng pagbangon mula sa mga problema na aking natutunan mula sa kwento. Normal lamang sa isang tao ang magkamali ngunit sa huli ang tanging batayan ng tagumpay ng isang tao ay kung ilang beses siya tumayo sa bawat pagbagsak niya. Ang pagiging matagumpay ay dulot ng pagkakaroon ng kakayanan na harapin ang buhay gaano man ito kahirap sa pamamagitan ng pag gawa at pag pili sa kung ano ang tama.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:49 am

      Ang pagiging matagumpay ay dulot ng pagkakaroon ng kakayanan na harapin ang buhay gaano man ito kahirap sa pamamagitan ng pag gawa at pag pili sa kung ano ang tama.”- salamat sa paalala…

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:51 am

      Normal lamang sa isang tao ang magkamali”- mag-ingat na magkamali…. lalo’t higit na ang pagkakamaling iyon ay maaaring maging kapantay ng iyong kinabukasan…

  • Maica C. Martinez  On December 19, 2010 at 4:06 pm

    Maica C. Martinez 1T1
    “Malisya”

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Isa sa mga tumatak sa aking isip ay ang senaryo na kung saan tinatago ni Maky ang totoong nararamdaman tungkol sa kanyang “gender prefernce”. At totoo namang nakakaaliw ang kanyang paglaladlad dahil dalang- dala niya ito at pati pagsasalita ay tumpak na tumpak. Ang enerhiya ni Noimie ang isa sa mga bumubuhay ng eksena nila ni Maky at tunay na napapangiti ang mga manonood kapag silang dalawa ay nagsasama. Ang pagtatapos rin ng dula ay mapupulutan ng magagandang kataga lalo na nang ipinaliwanag ni Puresa ang pinagdaanan at kabila ng lahat ng ito ay pinili parin niya kung ano ang tama. Lahat sila ay may natutunan at siguradong hindi na uulit ang mga nagawa.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    – Ang pagtatago ng gender preference at ang pagkakagusto sa kapwa babae o kaya naman lalaki. Tulad ng pagkakagusto ni Maky kay Sir Francis.
    – Ang pagiging desperada na makuha ang kanilang iniibig, tulad ng pagkakagusto ni Noimie kay Maky, sa una’y handa siyang gawin ang lahat upang ibigin lamang siya ni Maky.
    – Ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan kaya’t kadalasan ay naiisip nilang ipalaglag ang nasa sinapupunan.
    – Ang takot na harapin ang mga nagawang kasalanan dahil iniiwasang makutya at pagusapan ng lipunang mapanghusga at mahilig sa chismisan.
    – Ang pagaabuso ng nakakatanda sa mga nakababata sa kanila, tulad na lamng ni Sir Francis.
    – Ang mga kabataang mayroong mapanibughong damdamin sa karelasyon na hindi angkop sa kanilang edad.
    – Ipinakita rin ang paginom ng mga kabataan na paminsan ay sumusobra na.
    – masyadong bata para mangako
    – Ang pagpapakamatay, na iniisip na tanging solusyon sa pagtakas sa problema. Tulad ni Celine, hindi niya nakayanan ang mga ginawa kaya’t pinagdesisyonang magpakamatay.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Lahat ng aking nabanggit sa pangalawang katanungan ay ang mga katotohanang nangyayari sa lipunang ginagalawan ngayon. Dahil na rin siguro sa pagiging advance ng mundo ngayon ay pati ang mga hindi na sakop ng mga kabataan ay namumulat na sa kanila. At isa rito ang maagang pagbubuntis at kadalasan pinapalaglag na lamang nila dahil sa takot. Mahirap ring gumalaw sa lipunang mapanghusga dahil lumalabas ang pagkakaroon ng crab mentality ng mga tao. Imbes tulungan ay lalo pang nilalaglag sa kapahamakan.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ang dula ay pulos katotohanan dahil lahat ng isyung napapaloob dito ay nangyayari sa lipunan lalong- lalo na sa mga kabataan. Totoo nga sigurong madami ang naliligaw sa kanilang mga landas ngunit bandang huli maaari parin itong magbago depende kung gugustuhin lamang natin.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Lahat tayo ay nakakagawa ng mali ngunit walang sinuman ang maaaring humusga sa atin. Tulad nga ng sinabi ng ating Poong Maykapal, “Maunang bumato ang taong walang sala.” Huwag tayong padalos- dalos sa ating mga gagawin dahil baka mamaya hindi natin kayang panindigan ang magiging resulta nito at bandang huli ay mapahamak lamang. Kung nagkamali ng isang beses huwag nang uliting muli ang kamalian halip, matuto mula rito. Hindi rin kamatayan ang sagot sa mga problema sa halip, pagtitiwala sa Diyos at pagbangon sa pagkakadapa. Sa pagtatapos din ng dula ay ipinakita ang importansya ng tunay na pagkakaibigan.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 8:29 am

      “Maunang bumato ang taong walang sala.”: ito ay para kay magdalena..hindi ba?

  • Sesilya Rosario Ignacio Timbungco  On December 20, 2010 at 8:45 am

    TIMBUNGCO 1A2 (PARA SA ONLINE CLASS)

    1. Ser Bakit Pilipino (Isang Medyo Seryosong Tanong)

    Patriyotismo ang pangunahing paksa ng sanaysay. Inilalarawan dito ang paghahanap ng isang mamamayan sa tunay na kahulugan ng pagmamahal sa bayan. Kasama ng paghahanap na ito, naipapakita ang mga kaisipan at iba’t ibang pamamaraan ng mga tao sa pagpapakita ng kanilang patriyotismo. Inilarawan sa sanaysay ang mabababaw na ideya ukol sa pagtangkilik sa sariling atin, ngunit ibinahagi rin na mayroon pang higit na mas malalim na kahulugan ang pagiging makabayan. Higit pa sa pagkain sa Jollibbe at sa pagsusuot ng mga damit na may mapa ng Pilipinas sa kuwelyo.
    2. anong matatagpuan mo sa loob ng sanaysay na ito?

    Nakapaloob sa sanaysay ang isang paghahanap sa tunay na kahulugan ng patriyotismo. Makikita dito ang paglarawan sa Inang Bayan, ang pag-aapi sa kaniya at ang tila pagpapabaya sa kaniya ng sariling mga mamamayan. Sa ikalawang taludturan, naibanggit ang pagiging ignorante ng mga tao sa laging paguubaya ng mga kadahilanan ng pagsira ng Inang Bayan sa mga banyaga. Nakakalungkot isipin na walang may gustong umako sa mga bagay na tayo lamang din ang makakapagayos.
    3. Gumawa ng sariling sanaysay sa may parehong paksa

    Sa lahat ng pagkakataong tanungin ang mga tao tungkol sa kahulugan ng patriyotismo, ang palaging maririnig na kasagutan ay “pagmamahal sa bayan”. Ngunit sa lahat din ng tinanong na pagmamahal sa bayan ang sinagot, hindi rin madami ang makakapagsabi ng kung ano ang kanilang ginagawa para sa Inang Bayan. Ito ba ay maipapahiwatig sa pagtatangkilik sa Jollibbe sa halip sa Mcdonald’s? Maipapakita ba ito sa pagsusuot ng mga damit na may nakatahing mapa ng Pilipinas? Magagawa ba ito sa pakikinig sa mga babaeng halos hubo’t hubad ang katawan na kumakanta tungkol sa mahaba, malaki, at matigas na batuta ng pulis? Tila mas malalaim pa ba ito dito?
    “Magandang umaga mga pag-asa ng bayan!,” ganyan kami kung batiin n gaming guro nung hayskul sa tuwina’y kami’y magkikita. Sa kadalasan ng pag-ulit niya nitong pagbati nito ay tila naging normal na lamang na pasalita iyon. Hindi nalalaman ng mga mag-aaral ang higit pang mas malalim na kahulugan nito. Hindi nakikita ng madami ang paniniwala ng aming guro na kaya namin, kaming mga estudyante niya, baguhin ang lipunan, pa-asensuhin ang bansa, at mahalin ng tunay ang bayan.
    Aksyon. Laban. Sulong! Pero teka? Ano ang ipinaglalaban? Iyan ang problema. Hindi nag-iisip bago kumilos. Basta para sa bayan, rally. Basta para sa Pilipinas, Edsa! Malinaw sa mga aksyon ang pagmamahal sa bayan, ngunit sa puso ng bawat mamamayan, ganoon din ba kalinaw ang layuning nais makamit?

  • Wylette Mitzell Datu  On December 20, 2010 at 10:22 am

    Mga sagot sa mga gabay na katanungan para sa dulang Malisya.

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Sa katotohanan ay walang tagpo sa dula ang aking nakahiligan. Sa aking paananaw, ang pamamaraan kung paano nila ipinahahatid ang kanilang mensahe ay hindi naging malinis at maganda. Naniniwala akong naging maganda ang intinsyon ng mga gumawa ng dula na kinakailangan pahalagahan natin ang buhay ng isang sangol at ang kalusugan ng mga ina ngunit kung paano nila it ipinakita ay hindi ko ito kinagiliwan.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Isa sa mga nakatagong isyung panlipunan na pinakita sa dulang malisya ay ang tinatawag na premarital sex na kinasasangkutan ng mga kabataan ngayon. Isa pa sa mga isyung panlipunan ay ang di inaasahang pagbubuntis ng mga babaeng parte ng premarital sex. Panghuli ay ang abortion na ginagawa ng mga babaeng nabuntis ng hindi iniaasahan. Ang mga ito ay nasasakupan ng Reproductive health bill na ngayon ay pinapasa sa kongresso.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang mga katotohan sa buhay na ipinamalas sa dulang malisya ay ang mga isyung panlipunan na nakatago sa dula. Masasabi ko na ang Prolife, isa sa mga producer ng palabas, ay ginawa ang dulang ito upang mapamalas talaga ang isyung ito n gating lipunan. Misyon ng Prolife na pangalagaan ang buhay ng mga tao at masasabi kong ginawa nila ang dulang ito upang magbigay halimbawa sa mga kabataang manunuod sa mga kung anong nararapat na gawin sa mga panahon nalalagay sila sa mga di inaasahang kondisyon.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Masasabing ito ay puno ng katotohanan. Sa ating paligid ay makikita natin ang mga kaganapang ito. Maaring hindi sa ating pamilya ito nangyayari ngunit maaaring sa isang kaibigan o sa isang kakilala. Ito ang realidad ng ating panahon ngayon. Masaklap mang isipin ngunit ito ay puno ng katotohanan.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang mensaheng aking dadalhin habang buhay matapos kong panuorin ang dulang malisya ay may mga bagay na makapahihintay at mayroon tamang panahon ang lahat. Mula sa dulang ito, lalong napagpatibay ang aking paniniwala na kailangan nating pahalagahan ang pagkatao ng bawat isa, mapababae man o lalaki. Respeto sa bawat isa ay lubos na mahalaga lalo na kung ikaw ay nasa isang relasyon. Maaaring ang tukso ay laging nandyan ngunit nasa tao kung ating tutugunan ang tuksong ito.

  • Michelle Mae Villezar  On December 20, 2010 at 11:37 am

    Ang pamagat ng sanysay na napili ko ay “Bata, Anong nilalaro mo?”, Ang sanaysay na ito ay tumatalakay sa sa ka-modernohan ng ating mundo at henerasyon ngayon. Binibigyang pansin dito ang pagkahumaling ng mga bata sa mga makabagong laro gamit ang teknolohiya, paraan para makalimutan na nila ang mga kinasanayang laro noong unang panahon.

    MGA BATA SA MAKABAGO AT MODERNONG PANAHON NGAYON

    Hindi na lingid sa kaalaman nating mga Filipino ang ka-modernohan ng panahon ngayon. Malayo at Malaki ang pagkakaiba ng ating henerasyon kung ikukumpara sa kasalukuyan. Isa sa pinakamabisang pagbasehan ng kaibahan ng panahon ngayon ay ang mga kabataan, mga kabataang nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiya na tila nakakalimutan na ang tunay na diwa ng pagiging bata dahil sa kabi-kabilaan at samu’t-saring mga modernong bagay na naglalabasan. Dati rati’y ang mga kabataan ay makikita lamang pakalat-kalat at naglipana sa kalye na kulang na lamang ay gawing palaruan ang kakalsadahan at naglalaro ng kani-kanilang paboritong laro gaya ng tumbang preso, taguan, patintero, agawan base, luksong baka/tinik, sipa, text, pogs at marami pang iba. Subalit, ngayon, ang mga kabataan ay hindi mo na sa kalsada makikita kung hindi sa mga computer cafe’s na nagkalat sa gilid ng mga eskwelahan naglalaro ng mga kinahuhumalingan at pinagkakagastusan nilang mga online game. Ang iba nama’y hindi laro ang pinagkakaabalahan kung hindi ay ang pag gamit ng iba’t ibang social networking sites gaya ng facebook, friendster, tumblr, twitter atbp.

    Hindi ko lubos maisip na habang ikinukumpara ko ang panahon noon sa ngayon na darating pala ang oras na ang mga pambansang laro ay makakaligtaan din. Nakapanghihinayang lamang isipin na hindi man lang naranasan ng mga bata ngayon ang kasiyahan ng paglalaro sa kalsada, ang pagtakbo-takbo at ang sakit pag nadapa.

  • Mikee  On December 20, 2010 at 11:57 am

    Ana Micaela R. de Guzman
    2A1- Advertising
    Bata, Anong nilalaro mo?

    1) Tungkol saan ang sanaysay?
    Ang sanaysay ay tungkol sa patuloy na pagbabago sa ating lipunan. Isinalaysay dito ang mga makabagong kagamitan at bagong teknolohiya na patuloy na naiimbento. Sinabi sa sanaysay na ito kung gano naging mas madali at komportable ang ating pamumuhay dahil sa mga bagong kagamitan at sa tulong ng siyensya at teknolohiya. Nakasaad sa sanaysay na ito ang mga mabubuti at masasamang epekto ng mga makabagong teknolohiya sa ating buhay.

    2) Ano ang matatagpuan sa loob ng sanaysay na ito?
    Matatagpuan sa loob ng sanaysay na ito ang paghahambing ng pamumuhay ngayon at noon. Ibinigay dito ang mga makabagong kagamitan tulad na ng playstation, ps3, psp, Xbox at Nintendo wii. Naging mas madali na rin ang ating pamumuhay dahil sa mga kompyuter, internet at online surfing. Mas napapadali an gating mga trabaho dahil sa tulong ng mga ito. Ikinumpara rin sa sanaysay ang pamumuhay noon at ngayon. Ang mga bata noon ay mahilig maglaro ng mga patintero, piko, langit lupa, moro moro at monkey monkey subalit ang mga kabataan ngayon ay nalilibang na sa mga online games tulad ng dota, at facebook. Wala na ring nagpapalipad ng mga saranggola at hindi na nakikipag interaksyon ang mga kabataan sa isa’t isa dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ang kanilang kalusugan ay naapektuhan sapagkat hindi sila nabibigyan ng pag asa na lumabas ng bahay at maglaro. Nahihirapan silang makipag interak sa iba sapagkat puro lamang sila video games. Sa huli, inihambing ang makalumang larong Pilipino at makabagong larong etniko. Iniwan sa atin ang tanong kung sa bagong lipunan natin ngayon ay nakakalimutan na nga ba natin ang tunay na kulturang Pilipino.

    Puwede bang Manligaw?

    Naranasan mo na bang manligaw o ligawan? Hindi na dapat tinatanong ito sa mga kabataan ngayon. Hindi natin maiiwasan ang umibig. Parte ito ng ating buhay at lahat tayo ay dumadaan dito. Ang isang babae ay hindi maiiwasang umibig o magkaroon ng pagtingin sa isang lalaki. Pinatunayan ito mula pa lamang noong panahon ni Adam at Eve. Ang pag ibig ay sinasabing pinakamimithi at hinahanap ng isang tao sakanyang buhay. Ang bawat isa sa atin ay mula pa lamang noong pagkabata ay nangangarap na magkaroon ng kanilang prince charming o knight in shining armor o isang magandang prinsesa. Bakit nga ba natin hinahanap ang pag ibig? Ano nga ba ang pag ibig at napapaluhod at napapaiyak nito ang isang tunay na lalaki.
    Sa panahon noon, ang lalaki ay manghaharana sa babaeng nililiyag. Ang harana ay ginagawa sa kalaliman ng gabi na ang lahat ay nagsisitulugan. Ang lalaki ay pupunta sa bahay ng babae kasama ang kanyang mga kaibigan. Uumpisahan ang pag-awit ng malumanay at kadalasan ng mga awit ng pag-ibig. Kung sinuswerte, maaaring pagbuksan siya ng bintana at dungawin, kung hindi, ay magdamag siyang kakanta at aalis na lang ng di nakakapagkape. Ang harana ay maaring umpisa ng panliligaw pero hihingin muna ng lalaki ang pahintulot ng magulang kung maaring ang dalaga nila ay maligawan. Kung ang mga magulang ay umayon, maari na niyang umpisahan ang panliligaw na nangyayari hapon hapon, o ayon sa napagkasunduan. Sa panliligaw, ang lalaki ay inaasahan na pagbubutihin ang pakikitungo sa pamilya ng babae. Gagawin niya ang lahat upang makuha niya ang loob ng pamilya at gayun na rin ang loob ng babae. Ang pangkaraniwang ginagawa ng lalake sa probinsiya ay ang mag-igib ng tubig, mag-palakol ng kahoy, at tumulong sa kung anong gawain sa bahay. Sa madaling-salita, maninilbihan ang lalaki sa pamilya ng babae. Pag sinagot na siya ng babae ay hudyat na tapos na ang panliligaw niya sa babae.
    Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga panghaharana. Minsan ang mga lalaki ay napapasagot agad ang isang babae gamit lamang ang text. Nagbibigay sila ng mga bulaklak, tsokolate at mga stuff toys. Hindi na gaano kahirap ngayon ang mangligaw tulad ng dati na kailangan mo talagang pagsilbihan ang babae upang mapasagot ito. Hindi nga bat ang pag ibig ay dapat ipinapapakita at di lamang puro salita o sa text. Ang mga kabataang lalaki ngayon ay dapat matuto kung pano maging isang gentleman. Ang tunay na panliligaw ay hindi lamang sa text. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng mga romantikong aksyon tulad ng pagkain sa labas o kaya ay pagnuod ng sine. Hindi dapat mawala sa kabataan ngayon ang pagbibigay ng effort sa pangliligaw. Kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanila. Ang tunay na umiibig ay ipapakita sa kanilang minamahal ang sakripisyo na kanilang gagawin para lamang mapatunayan ang kanilang nararamdaman at pag ibig ay totoo.

  • Wylette Mitzell Datu  On December 20, 2010 at 12:16 pm

    Mga Salitang Banyaga na Pinoy

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    Ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga salitang ginagamit na ng mga Pilipino sa kanilang pangaraw-araw na buhay na nagmula sa mga salitang banyaga. Ang mga salitang ito ay naging parte na ng kultura ng mga Pilipino at ang mga salitang ito ay sumasalamin parin sa mga orihenal nitong kahulugan.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    Maraming katotohang matatagpuan sa sanaysay na ito. Nakakamamanghang isipin na ang mga salitang atin nang nakasanayan ay mula sa mga banyagang sumakop satin. Kadalasan ay hindi natin alam na mula sa kolonisasyong naganap ang mga salitang ito ngunit tayong mga Pilipino ay nagkakaintindihan tuwing ginagamit natin ang mga ito sa pakikipagsalamuha sa mga tao sa ating paligid.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA

    Kung ating pagaaralan ang kasaysayan ng Pilipinas, tatlong daan at walongpot isang taon tayo napasasailalim sa mga banyaga at apat na pot anim na taon pa lamang tayo tumatayo sa ating mga paa. Sa mahabang panahong ito ay lubos na tayong naimpluwensyahan ng mga bansang sumakop sa atin. Ang mga espanyol ang pinakanakaimpluwensya sa ating wika.

    Ayon sa mga pagaaral, mahigit kumulang apat na libong mga salita na ating ginagamit ngayon ay mula sa mga espanyol. Ilan lamang sa mga apat na libong salita ay ang salitang bida na nagmula sa salitang vida na nangangahulugang buhay, ang salitang kerida na mula sa querida na nangangahulugang babaeng minamahal o kabit, ang salitang kontrabida na mula sa contra vida na ang ibig sabihin ay kontra sa buhay, pera na muna sa perra na ang ibig dabihin ay barya, pirmi mula sa firmi na nangangahulugang matigas at syempre na mula sa siempre na ang ibig sabihin ay lagi.

    Mayroon din naman na mga salitang nagmula sa espanyol ngunit labis na malayo o iba ang pakahulugan. Isa na rito ang lupa na sa espanyol ay nangangahulugang magnifying glass, ama na sa espanyol ay ang ibig sabihin ay housewife, luto na ang ibig sabihin sa espanyol ay pagluluksa at baho na mula sa bajo na ang ibig sabihin ay maliit o pandak.

    Ang lahat ng ito ay isa lamang ang kahulugan, kahit na matagal nang panahon ang nakalipas mula noong iniwan tayo ng mga dayuhan at binigay satin ang pansarili nating kalayaan ay tayo pa rin ay nasa kanilang anino dahil maaari nating sabihin na sila ang pinagmula ng ating wika. Ito ay hindi lamang espanyol ngunit ang mga salitang ingles na atin lamang hiniram upang maging katumbas ng mga salitang wala tayo. Ang tanging magagawa natin ay mahalin an gating wika mula man ito sa iba’t ibang mga wika ng mga bansang minsan nang sumakop sa ating bayan.

  • Ma. Daney R, Gregorio  On December 20, 2010 at 3:12 pm

    Ma. Daney R, Gregorio

    2A2 – Advertising
    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang mga nagustuhan kung mga senaryo sa dulang malisya una ay ang pagtanggap ni Noimy at Puresa sa totoong kasarian ni Macky dahil hindi naman mali kung ikaw ay maging bakla kailangan ka pa ding irespeto at tanggapin. Ako po ay humahanga sa mga bakla dahil sila ay masipag at determinadong umasenso sa buhay.Ang pagalawa ay ang pagpapakita ng masamang epekto ng pagpapalaglag ng isang sanggol at huli ay ang pagsabi ni Rommel na mahal talaga niya si Lyn at tanggap na niya kung ano ang pagkatao ni Lyn ngunit nagalit si Rommel kay Lyn dahil pinalaglag na ni Lyn ang kanilang anak nagustuhan ko po ito dahil sa pagtanggap ni Rommel sa totoong pagkatao ni Lyn ngunit naging malungkot man ang nangyari sa kanila nasa huli talaga ang pagsisi-si.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang Aborsiyon o pagpapalaglag – Alam po nating lahat na napakaraming mga kabataan ngayon ang nagpapalaglag ng kanilang mga sanggol dahil hindi pa sila handang maging ina at kung minsan ay wala itong magiging ama kaya ito ay naiisipan nilang gawin. Katulad kay Lyn siya ay nagpalaglag dahil hindi siya handa at akala niya ay hindi ito pananagutan ni Rommel ang magiging ama ng anak ni Lyn.

    Ang maagang pagbubuntis – Sa panahon ngayon makikita natin na napakaraming mga kabataan ang maagang nagbubuntis na may edad na 14 to 19 at minsan ay umaasa nalang sila sa kanilang magulang at nakatira pa rin sa kanilang magulang dahil ang iba ay walang ama.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ito ay ang pagdadalang tao ni Lyn at Puresa at iisa ang ama ito ay nakapagdudulot ng isang kahihiyan sa kanilang pamilya. Sa panahon ngayon marami ang nagtatangkang ipalaglang ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan ng buhay, kahihiyan, hindi pa sila handa, at walang ama. Nakita rin natin sa dula na si Lyn ay nagsisi sa kanyang nagawa dahil hindi matahimik ang kaniyang konsesya dahil nagawa niya ito.

    Ang pagpapalaglag ni Lyn sa kanyang anak dahil natatakot siyang wala itong ama at ito rin ay isang kahihiyan sa kaniyang pamilya.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Sa aking palagay ang dulang malisya ay makatotohanan dahil ito ay nangyayari sa maraming kabataan na nagpapadala sa temptasyon at ito rin ay nagbibigay ng gabay sa aming mga kabataan upang huwag magpadala sa mga temptasyon na makakasira sa ating mga pangarap at kinabukasan. Ang buhay natin ay kasalukuyang nagbabago, lalo na sa karamihang kabataan. Ang kabataan ngayon ay masyado ng liberal sa pag iisip lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa seks. Ito ay makatotohanan dahil alam natin kapag ang isang babae at lalaki ay nag premarital seks ay may malaking posibilidad na mabuntis at maagang pag aasawa. Alam din nating ang pagpapalaglag ay maaring mauwi sa kamatayan ng isang babae.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Ito ay ang pag iingat at huwag magpadala sa temptasyon dahil napakarami ng kabataan ang nahahantong sa maling landas at napakahirap ang pagpapalaki ng isang anak lalo na kung ikaw ay isang dalagang ina. Nakita ko sa dula kung gaano kahirap ang magdalang tao na hidi ka pa handa sa mangayari sayo dahil sa maling pagmamahal sa kasintahan at maling pananaw sa buhay.Hindi kaila sa ating lahat na napakalaki ng epekto ng ating pamilya sa usaping ito. Ang ating mga magulang na umaasa at nangangarap ng magandang bukas ay higit ang sakit na nararamdaman kung sa isang iglap ay mawawala ang pangarap na iyon. Natutunan ko rin na huwag nating takasan ang problemang pagdadaanan natin dahil mas lalong lumalala ito.

  • Maica C. Martinez  On December 20, 2010 at 4:40 pm

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    Ang sanaysay ay tungkol sa mga probinsyang magkakalapit ngunit may pagkakaiba sa salitang ginagamit.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?

    Natutuwa ako sa sanaysay na ito dahil ako rin ay may ganitong karanasan. Lumaki ako sa Nueva Ecija at lumipat kami sa Davao City, ang dalawang probinsyang ito ay napapalibutan ng mga bayan na may iba’t- ibang salitang ginagamit. At nakakapagtaka kung papaano nila nabuo ang mga kahulugan ng mga salitang ito. Ipinapakita ng sanaysay na kahit kaunti lang ang pagitan ng mga probinsya ay maaaring iba ang ginagamit nilang mga salita sa kanilang nakasanayan.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA.

    Nais kong Abutin

    Ang Luzon, Visayas at Mindanao ang bumubuo sa bansang Pilipinas. Iba’t- ibang probinsya at mga lalawigan ang napapaloob sa tatlong ito. Kasama na rin dito ang pagkakaiba sa ibang paniniwala at pati na rin sa mga salitang ginagamit. Maaaring iisa ang kahulugan ngunit maraming salita ang katumbas nito.

    Ipinanganak at lumaki ako sa probinsya ng Nueva Ecija, purong tagalog ang ginagamit ng mga tao doon at matigas ang punto. Sabi rin ng nakararami ay malalalim daw ang mga salitang ginagamit namin na malimit daw gamitin sa Maynila. Hindi ako naging pamilyar sa mga salitang ginagamit ng aming mga kalapit probinsya dahil malimit akong nakakapunta sa kanilang lugar. Bago ko na lang nalaman na marami palang mga Ilokano at mga tribo sa Norteng bahagi nga Pilipinas.

    Mula sa Luzon lumpit ang aking pamilya sa Mindanao at tunay namang napakalaki ng kanilang pagkakaiba. Nung una’y naging mailap akong matutunan ang bisaya dahil sa totoo’y hindi ko ninais matutunan ito ngunit sa araw- araw na pakikisalimuha sa mga tao doon ay unti- unti kong napagdudugtong ang mga kahulugan ng mga pang araw- araw nilang salita.

    Kung sa Luzon ang “langgam” ay tumutukoy sa maliit na insekto(ants) sa Mindanao, nagulat ako nang malaman na ang “langgam” sa kanila ay “ibon”. Kung ang “libang” sa Luzon ay “aliw”, sa Mindanao naman ito’y “maglabas ng dumi”. Mayroon ding mga salita sa Luzon na may hindi magandang ibig sabihin sa Mindanao.

    Kung ang mga probinsya namang nakapalibot sa Mindanao ang titingnan. Mayroon din silang iba’t- ibang gamit ng salita ngunit para sa akin mas mahirap itong intindihin dahil halo- halo ang mga salitang ginagamit. Mayroong bisaya, waray, chabakano, tausug at marami pang iba.

    Nakakatuwang malaman ang lahat ng mga salitang ginagamit sa buong Pilipinas ngunit para sa akin lubusan ko lamang itong maiintindihan kung araw- araw ko itong naririnig mula sa mga taong nakapaligid sa akin. Tulad na lang ng bisaya, kaunti lang ang aking nasasabi ngunit kung may kakausap sa aking bisya ay maiintindihan ko ito. Isang previlehiyong matuto ng iba’t- ibang salita dahil hindi natin alam balang araw kung sino- sinu ang ating makakasalimuha. At isa ito sa aking mga pangarap ang maabot ang sari- saring salitang ginagamit sa Pilipinas at mas maganda kung matutunan ko rin ang mga ito, kahit ang mga pang araw- araw na salita lamang.

  • Maria Gabriela Gil Padilla  On December 23, 2010 at 4:40 am

    1. Ang sanaysay na “Ser, Bakit Pilipino”, ay tungkol sa pagbabago ng socialidad dahil sa makabagong teknolohiya dulot ng pagbago ng henerasyon.

    2. Ang makikita sa loob ng sanaysay ay ang mga pangyayaring nagaganap sa ngayon, lalo na sa mga kabataan. Ang paggamit ng social networking sites, pag-text
    at paglaro ng computer games at iba pa. Sinasabi rin dito na ang Nationalidad ng bawat isa ay unti-unting nagbabago dahil sa mga tradisyon at ugaling ating nakuha
    mula sa mga iba’t ibang lahi tulad ng Espanyol at Amerikano. Makikita rin dito ang tinatawag nilang “generation gap” kung saan sinasabi ang pinagkaiba ng buhay noon at ngayon.

    3. Unti-unting nagbabago ang panahon, hindi ito mahirap mapansin dahil ito’y makikita at mararamdaman mo, kahit saan, kahit anong oras. Ang mga pang araw-araw nating mga gawain at mga aktibidad ay sobrang nagbago kung ikukumpara sa mga ginagawa ng ating mga magulang at lolo’t lola. Mayroon na tayong Microsoft word para i-tayp, i-copy, at i-paste ang ating mga research papers, pero sa edad nting ito, nagpapakahirap sila sa kanilang papel at lapis.

    Marami tayong bagay na pinipilit gustohin, pero ang ikinalulungkot ko lang ay ang mga kabataan na hindi ipinagmamlaki ang kanilang nationalidad, ang pagka-pilipino. Iniinsulto nila ang lugar kung saan sila lumaki at tumira, porket nakatapak lang sa ibang bansa, iba na kung makaasta. Iniisip natin na kapag sinuportahan natin ang “ako mismo” dog tag, o ang “yabang pinoy” shirt, maari tayong matawag na ipinagmamalaki mo talaga ang iyong pagka-pilipino, sa mga simpleng bagay maipapakita mo ito, pero kung iisipin mo ng mabuti, mas maraming bagay pa ang magagawa mo, mas marami at mas maganda. Mas mabuti pa na, gumagawa tayo ng bagay para sa bansa na hindi nating napapansin, kaysa iyong binibilang mo kung ilan na ang nagawa mo, tulad ng pagtulong sa kapwa pilipino, isang malaking bagay na iyon. Oo, aaminin ko na mas malayong maganda ang mga bagay mula sa abroad, pero, kung magtutulungan tayo, maiaangat natin ang ating ekonomiya, at maaari na tayong makipagsabayan sa ibang bansa. Isa pa ay, sana maisip naman natin kung gaano kahirap ang dinanas ng ating mga bayani para sa bansang ito. Naniniwala ako na kaya natin ito, may magagawa pa tayo. Isa pang magandang bagay na gawin ay, i-memorize at intindihin ng mabuti ang ating pamabansang awit, kasi nakakahiya naman para sa atin, mula noong pakabata natin, ito na ang palagi nating naririnig.

    Hindi ko naman sinasabing magpakamatay din tayo para sa bansang ito, pero kahit magsuot lang ng yabang pinoy shirt, o baller, para malaman ng iba na ipinagmamalaki mo talaga ang iyong lugar na kinalakihan. Lagi nating alalahanin at pasalamatan sila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini dahil sa ginawa nila para sa atin. Tayo lang naman ang pag-asa ng bayan na ito. Kung wala tayong gagawin tungkol dito, sino pa kaya? “The filipinos are worth dying for”, sabi nga ni Ninoy Aquino, wag natin siya biguhin.

  • Galang, Chrissen Jean Abigayle  On December 29, 2010 at 6:00 am

    Ginoong De Lara, nandito na po ung dalawa ninyong takdang aralin: ung sa dulang Mali Sya at iyong sa Kawika. Maligayang Pasko po!

    Galang, Chrissen Jean Abigayle
    FILIPINO
    Prof. Jesi De Lara
    Mali Sya

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    Maraming mga senaryo sa dula ang madaling kagiliwan, ngunit ang pinakanakakuha ng aking atensyon ay ang tagpo kung saan ipapalaglag ni Lyn at Pureza ang dinadala nila sa kanilang sinapupunan. Sa aking palagay ay mahusay ang pagpapakita ng dula sa mga tao ang mga pinagdaraanan ng isang batang babaeng nagdedesisyon hindi lamang para sa kanyang sarili, para na din sa batang kanyang dinadala. Sa eksenang ito, nagdilim ang buong paligid ng estado, may lumabas na isang malaking bungo na nagpapakita ng kaguluhan na nagaganap sa isip ng isang babae sa desisyong tatahakin niya. Kasabay ng pagdilim ng estado ang kakaibang sayaw ng mga ‘back-up dancers’. Ang kanilang mga galaw ng bumagay lalo sa tunog ng musika ay naayon sa tamang emosyon, at kaguluhan ng isip na nadarama ni Pureza at Lyn noon.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    Ang pangunahing isyung panlipunan na aking nakita sa dulang ‘Mali Sya’ ay ang pagtatalik ng mga kabataan ngayon na hindi pa kasal. Malinaw itong ipinahayag sa dula sa mga unang tagpo. Ang pagtatalik sa Pilipinas noon ay isang ‘taboo’ o isang bagay na hindi bulgar at madalas na tinatalakay ng mga Pilipino dahil nga sakanilang konserbatibong pag-uugali. Ngunit, pinakita sa dula na sa panahon ngayon ang pagtatalik ng dalawang tao ay katanggap-tanggap na, at animo’y ito ay isang bagay na kasama sa pagiging ‘liberal’ ng henerasyon ngayon.
    Ang susunod na isyung itinalakay sa dula ay ang ‘3rd-sex’ o ang mga binabae at mga nagpapakalalake. Ipinakita sa dula sa pag-amin ng karakter na si Macky na ang mga binabae ngayon ay mas tanggap na ng mga madla kung ikukumpara sa panahon noon. Ipinakita sa dula na sa bagong henerasyon, pantay –pantay ng maituturing ang lahat ng tao at hindi ito kailangan ikahiya dahil babae man, o lalake, binabae o nagpapakalalake, lahat ay mayroong kanya kanyang potensyal at lahat ay may sari-sariling laban na hinaharap sa buhay.
    Ang aborsyon o ang pagpapalaglag ay isang isyung tinalakay sa dula. Naipakita dito ang aborsyon ay nagiging isang solusyon sa mga kabataang hindi pa handing maging mga magulang. Kasama ng isyu na ito, pinakita rin sa dula na may mga taong ngayon na sinasamantala ang ganitong problema ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagtayo ng mga ‘abortionclinics’

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.
    Ang relasyon ni Lyn at ng kanyang guro na si Sir Francis ay isang katutuhanan sa buhay na naipamalas sa dula. Ang patagong relasyon ng isang guro at kanyang estudyante ay kadalasan nangyayari. Pangalawa ay ang pag-inom ng kabataan bilang pamamaraan ng pagtakas sa kanilang problema. Sa dula, noong nagkaroon ng problema si Macky at si Rommel, sa parehas na pagkakataon ay nagpakita ang dula ng dalawang magkaibang eksena kung saan umiinom ang dalawa. Ito ay isang katotohanan dahil sa panahon ngayon, ang alak at iba’t ibang bisyo ang nagiging pamamaraan upang makalimot sa problema ang mga kabataan. Sa panahon ngayon, napakaraming umuusbong na tambayan o inuman malapit sa mga eskwelahan. At pagpasok sa loob ng mga tambayang ito, puro estudyante ang laman.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    Sa aking palagay, ang dulang ito ay hango sa katotohanan. Ang mga eksena at iba’t ibang tagpo sa dula ay masasabi kong nangyayari sa totoong buhay. Sa aking personal na karanasan pa lamang, marami akong mga kaibigang nabuntis at dinanas ang parehas na hirap na ipinakita sa dula. Marami rin akong mga kaibigang nalululon sa iba’t ibang bisyo, hindi lamang kapag mayroong problema, ito ay nagiging parte na ng kanilang buhay. Sa sarili kong eskwelahan noong ako’y hayskul ay may mga gurong napatalsik ng administrasyon dahil sila ay may mga relasyon sa mga estudyante. Sa aking palagay, ang dulang ito ay base sa mga totoong pangyayari sa buhay.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Sa panonood ng dulang ito, isang mensahe lamang ang aking nakuha na dadalin ko panghabang-buhay: lahat ng desisyon na aking gagawin ay may katumbas na kabayaran, mabuti man ito o masama, kailangan kong harapin at panindigan.

    ____________________________________________________________

    KAWIKA
    Ang Ating Awit

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    Ang sanaysay na ito ay tungkol sa unti-unting pagkawala ng ating wika. Ang mga Pilipino ngayon ay mas pinipiling ang mga kantang dayuhan o mga kantang hindi hango sa ating wika.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    Sa sanaysay na ito, tinalakay ng manunulat ang isang episode ng programa ni Jessica Soho at ang episode na ito ay tumatalakay sa paglaho ng Original Pilipino Music. Sa unang bahagi ay sinabi na ang pamimirata ng mga OPM ay nagiging isang sanhi kung bakit hindi na umuunlad ang industriya ng musika sa ating bansa. Sumunod dito ay tinalakay ang pagkawala ng mga Pilipinong tumatangkilik sa mga kantang Filipino. Halos lahat raw ng tao sa ating bansa ay pinipili ang mga kantang nasa wikang dayuhan. Nagbigay ang sanaysay ng mga halimbawa at mga tagpo hango sa totoong buhay kung saan mas tinatangkilik ng Pilipino ang mga kantang nasa wikang dayuhan. Sinabi rin dito na ang Presidente Noynoy Aquino ay nagpahayag ng Executive Order No.: 255 kung saan lahat ng radyong may musikal na pormat ay nangangailangang magpatugtog ng apat na kantang nakahango sa wikang Filipino bawat isang oras.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA…

    Hayop Ka Ba o Malansang Isda?
    ni Chrissen Jean Abigayle D. Galang

    “Please speak English.”, “Those who do not speak English will be seated at the back of the room”, “One Filipino word – pay five pesos.”, “One Filipino word – minus five on the next quiz.” — Ito ang mga kataga na nakasabit sa halos lahat ng sulok ng aming silid aralan ng eskwelahang aking pinasukan noong ako’y nasa hayskul pa lamang. Sa murang edad ko noon, naaalala ko na paulit-ulit kaming dinidikdik ng mga gurong magsalita ng wikang ingles. Hindi ko malilimutan ang isang paguusap namin ng aking kaklase noong araw na iyon. Nagtataka kami kung bakit kailangan namin magsalita sa lenggwaheng dayuhan. At dumating kami sa isang konklusyon na marahil kapag pinarusahan nila ang mga nagsasalita ng Filipino ay wala ng magiingay sa loob ng silid aralan. Kaya’t nadala namin ang pagsasalita ng ingles hangga’t kami ay makarating ng 4th year sa hayskul. Pagdating ng panahong ito, ang mga katagang ‘globally-competitive’ na ang paulit-ulit naming naririnig kapag natatalakay ang pagsasalita ng Ingles. Malalim na ang bunga ng pagsasalita namin ng ingles. ‘Globally-competitive’ na daw kaming mga estudyante.

    “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”

    Iyan naman ang sabi ng ating dakilang bayani na si Jose Protacio y Alonzo Rizal. Daig pa ng isang hayop at malansang isda ang mga Pilipinong hindi minamahal ang Filipino.

    Paano nga ba masasabing hindi natin mahal ang ating wika? Ito ba’y simpleng makikita sa pagpili ng mga librong ating binabasa? Musikong ating pinakikinggan? Mga palabas sa telebisyong ating pinapanood? Hindi na ba natin mahal ang ating wika kung tayo ay nakikinig kila Miley Cyrus, Taylor Swift o Eminem? Maituturing na ba tayong mga hayop kung nagbabasa tayo ng mga libro ni Mitch Albom, Stephenie Meyer at J.K. Rowling? Malansa na nga ba tayong maituturing kung manonood tayo ng mga palabas sa mga istasyon tulad ng Nickelodeon, HBO o Discovery Channel?

    Sa aking palagay, hindi kailanman mawawala ang diwa ng wikang Filipino. Hangga’t nabubuhay ang mga Pilipino sa mundong ito, hindi mawawala ang ating wika. Naniniwala ako na kahit saan mang sulok ng mundo dalhin ang isang Filipino, mananatili siyang Filipino sa kanyang pagiisip, sa kanyang pananalita at sa kanyang mga ginagawa. Tama ang turo ng mga guro ko noon, talagang hinahanda kami ng aming mga eskwelahan para sa mas mahirap na bakbakan sa totoong buhay, ang pagsasalitang mabuti ng Ingles ay isang sandatang maaari naming gamitin sa laban ng buhay, dahil ngayon na ang pahanon ng ‘globalization’ o ang pagkakaisa ng mga iba’t ibang bansa sa kalakalan at sa iba’t iba pang aspeto. Ang tagumpay ng iba’t ibang programang Pilipino ay sumisimbolo na ang ating wika ay buhay na buhay pa rin. Ang pagtangkilik ng mga tao sa Metro Manila Film Festival tuwing Desyembre kung saan ipinapalabas ang iba’t ibang pelikulang Pilipino ay nagsasabi na hindi nawawala ang ating wika. Ang pagusbong at pagtangkilik ng mga tao sa FMCC o Francis Magalona Clothing Co., o ang Team Manila na naglalabas ng mga produktong na naghihikayat ng nasyonalismo ay isang patunay rin na hindi pawala ang ating wika at lalo pa itong nabibigyan ng kulay dahil sa mga modernong medyums na umuusbong ngayon.

    Maaaring tayo ay tumangkilik mula sa iba’t ibang kulturang ating makita, marinig, mabasa o malasahan ngunit ang pagiging Pinoy ay nasa puso natin. Ang pagrerespeto sa ating watawat, ang pagtigil at pagpugay kapag tumutugtog ang pambansang awit sa loob ng mga sinehan at kung saan man tayo nakatayo, at kung saan may tayo naroroon, ay ang magsasabi ng ating pagmamahal sa ating bansa at wika.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 7:11 am

      Hayop Ka Ba o Malansang Isda?
      ni Chrissen Jean Abigayle D. Galang::: nakakaaliw mnang iyong sanaysay…

  • Gabby Padilla  On January 10, 2011 at 1:24 pm

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    – Nagustuhan ko yung senaryo sa malisya yung nanonood sila ng sine. nakakatawa langh kasi yung dialogue nila doon, at yung mg lalaki sa likod ay nakakatawa din. parang doon lang ako tumawa sa buong play. :))

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    Yung pag pe-pressure ng mga magulang sa mga anak nila na maging perpekto at di magkamali. Yung pag rerebelde ng mga anak sa mga magulang nila dahil hindi maganda ang relasyon nilang mag magulang. Dahil dito nangyari din ang maagang pagbuntis, at pag abort niya nga anak niya dahil natatakot siya sa mga magulang niya.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.
    Ang isa sa mga katotohanan na nangyayari sa totoong buhay, ay ang pag rebelde nga mga bata. Dahil dito napapasok sila sa mga gulo tulad ng pre-marital sex, pag iinom at droga. Dahil din sa takot nila sa mga magulang nila, nagawa nilang ipa abort ang mga anak nila kung mabubuntis sila. Ito ay palagi nangyayari sa totoong buhay. Especially sa generasyon na ito.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    Masasabi na ang dula na ito ay pulos katotohanan, kasi lahat tayo ay nakaranas o ay may kilala na nakaranas na nga mga ganitong problema. Kaya masasabi talaga natin na hindi malayo sa mga pangyayari sa totoong buhay ang mga pangyayari na naganap sa dula.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Pagkatpos ko napanood ang dula, ang isang mensahe ko na nais dalhin habang buhay, ay tungkol sa early pregnancies na kung saan marami sa mga nabubuntis ay nag papa abort ng mga bata. Sana hindi rin nila makalimutan na lahat nga mga bata, planado o hindi ay maging karapat dapat na mabuhay. At kahit na mali ang naging simula, sana huwag na nilang dagdagan pa at gawin nilang tama, kasi kawawa yung mga sanggol na pinapatay nila.😦

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 7:01 am

      At kahit na mali ang naging simula, sana huwag na nilang dagdagan pa at gawin nilang tama, kasi kawawa yung mga sanggol na pinapatay nila:tamah!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: