1H1 AT 1C1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL.

1H1 AT 1C1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL… GAMITIN ANG COMMENT BOX AT IPUBLISH…MAAARI RIN KAYONG MAG SUBSCRIBE UPANG SA ORAS NAMAKITA KO NA ANG INYONG GAWA AT LAGYAN NG KOMENTO AY AWTOMATIKONG PADADALHAN KAYO NG EMAIL…

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Dominique Elaine C. Pascual  On December 16, 2010 at 1:44 pm

    Pascual, Dominique Elaine C. Prof. Jesi de Lara
    1H1- International Business

    Mali Sya

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    Ang isang parte sa play na Mali Sya na aking nagustuhan ay ang pagpapakita ng mga aktor ng tunay na buhay ng estudyante sa kolehiyo. Iba’t ibang personalidad ang ipinakita na talaga namang nararanasan sa totoong buhay. Tulad ng, pagkakaroon ng relasyon sa iba bukod sa kasintahan, pagiging humaling ng estudyante sa guro o ng guro sa estudyante, at nagkakagusto sa isang kaibigan subalit sa kasamaang palad ang gusto niya ay isang bakla.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    • Pag-aaway ng simbahan at gobyerno sa isyung RH Bill, hindi malaman kung dapat bang gumamit ng kontraseptibo o hindi.

    • Pagkakaroon ng isyu tungkol sa panggagahasa ng mga guro sa estudyante.

    • Natatawa ang karamihan kapag naririnig ang salitang “sex” dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isipan.

    • Tumataas ang rate ng kahirapan dahil hindi nga nakatapos ng pag-aaral ay nagkakaroon na ng pamilya at hindi makahanap ng maayos na trabaho.

    • Paglaganap ng mga illegal na gawain sa sobrang hirap ng buhay, magagawa ang lahat matustusan lang ang pangangailangan.

    • Hindi mailantad ang sarili sa taong-bayan, gaya ng kay Macky na hindi niya masabi ang totoo na isa siyang bakla.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at Ipaliwanag.
    • Pagkakaroon ng pre-marital sex na nakakadagdag sa problema at populasyon ng bansa natin.
     Nakadadagdag ang pre-marital sex sa problema ng bansa dahil ayon sa mga eksperto, nadadagdagan ang mga kaso ng pagkakaroon ng AIDS at ito ay lubos na nakababahala para sa ating lipunan dahil walang lunas para sa sakit na ito. Samantala, lalong dumadami ang populasyon dahil sa mga hindi inaasahan na pangyayari. Masyadong nagmamadali ang mga kabataan na gawin at subukan ang kanilang mga kagustuhan. Lalong dumadami ang tao, lalong mahihirapan na kumuha ng mga pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

    • Hindi nakapagtatapos ng pag-aaral dahil nabubuntis kaagad kahit hindi pa mag-asawa at hindi pa handa sa buhay pamilya.
     Natural lamang sa mga kabataan na dumepende sa kanilang magulang. Subalit, kapag may pamilya na dapat matutong buhayin ang asawa at anak sa sariling pagod at hirap. Karamihan ngayon, hindi nakakapagtapos ng pag-aaral kaya hindi nakakakuha ng matiwasay na trabaho. Kadalasan ay nagdudusa ang mga anak dahil hindi pa mature ang pag-iisip ng kanilang mga magulang lalo na kung ito ay lumaki sa kapaligiran na hindi maayos.

    • Aborsyon ang kasagutan kapag nabuntis ng labag sa kalooban.
     Hindi na alam kung ano ang gagawin kaya nauuwi sa paggawa ng illegal. Kung anu-ano na ang naiisip. Unang-una kung paano ito ipagtatapat sa magulang; ikalawa, kung paano tatapusin ang pag-aaral; at ang huli, kung saan ikukuha ng pantustos ang anak. Magulo na ang isipan kaya ang tanging solusyon na naiisip ay ang patayin ang sanggol kahit na alam na labag ito sa batas. Hindi na iniisip kung ano ang maaaring mangyari sa susunod, kung anong parusa ang matatanggap niya. Katulad ng nangyari kay Lyn, pina-abort niya ang baby dahil hindi siya pananagutan ni Rommel. Ngunit, hindi niya alam na babalik pala ito sa kanya, pero nung nalaman ni Rommel na pinalaglag niya ang baby lalo itong nagalit at tuluyan siyang iniwan. Sana ay magkakasama na ulit sila subalit sa nagawa niyang kasalanan, lalo siyang kinamuhian ni Rommel.

    • Paggamit ni Sir Francis sa kanyang posisyon bilang isang guro para magamit ang mga estudyante, lalo na kay Lyn.
     Ang isang guro ay inaasahan na maging model sa paaralan sa mabuting paraan para igalang ng mga estudyante. Pero ang pamamaraan ni Sir Francis sa play na ito ay ibabagsak niya ang estudyante kapag hindi sinunod ang gusto nito. Sa personalidad ni Lyn, na isang kalabit lang ay makukuha na ang gusto, nakita ito ni Sir Francis sa kanya. Ngunit huli na ang lahat nang malaman ni Lyn na may pamilya na ang kinikilala niyang guro, nagpagamit na siya at kumalat na sa paaralan nila na may relasyon silang dalawa. Nasira lang ang buhay at reputasyon ni Lyn, kasabay noon ay ang pag-iwan sa kanya ni Sir Francis, at ang masakit pa doon ay parang ginamit lang siya na pampalipas oras.

    • Pinagsisisihan ang nagawa na ang akala ay magiging maligaya sa huli ang bawat isa.
     Sobrang nagsisi si Puresa nang mabuntis siya ni Rommel. Hindi pala siya ang totoong mahal ng lalaking sinasamba niya. Ang akala niya ang taong sobra niyang gusto at sobrang mahal ay hindi siya iiwan. Ngunit sa bandang huli, mag-isa na lang niyang binuhay ang naging bunga ng pagsasaya nila noon na nagtapos lamang sa pagsisisi. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral sa tamang oras, maaari siyang mag-aral ulit kapag lumaki na ang anak niya pero mahahati na ang atensyon niya sa pag-aaral, pagtatrabaho, at pagpapalaki sa anak niya. Ano na lamang ang sasabihin niya sa anak niya kapag hinanap nito ang tatay niya? Sa mga kwento na naririnig ko, mahirap magpalaki ng anak, lalo na kapag iisa lang ang magulang.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip lamang ng mga gumawa nito?
    Masasabi ko na ang dulang ito ay hango sa katotohanan at hindi kathang isip lamang. Mapapansin naman na sa panahon natin ngayon, talagang nangyayari sa totoong buhay ang mga senaryo na naipakita sa dula. Talagang kapupulutan ng aral at hindi lamang para makapaglibang. Ipinahiwatig kasi ang mga negatibo at positibong pangyayari sa bawat eksena. At isa pa, talagang makatotohanan ito dahil base sa mga reaksyon ng mga manonood ay parang sa kanila nangyayari ang eksena at sa tingin ko nakaka-relate talaga kami.

    5. Anong mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Isipin muna ang mga prioridad sa buhay. Kung pag-aaral talaga ang nasa isip, iyon muna ang gawin. Ipokus lamang ang sarili sa mga bagay na gustong mahangad. Hindi naman nauubos ang mga lalaki sa mundo. May kasabihan nga na may itinadhana ang Diyos para sa bawat isa. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang nararapat sa mga nilikha Niya. Higit sa lahat, dapat ang mga lalaki ang humahabol sa mga babae at hindi ang mga babae sa lalaki. 

  • Reyes, Ma. Kristina Victoria H.  On December 17, 2010 at 2:47 pm

    *pumili ng isang play na inyong nais gawan ng kritisismo…
    CAPTIVE

    *sagutin ang mga sumusunod…

    *ito ay ipapasa online- sa FB o kaya ay dito sa wordpress hanggang sa ika-20 ng Disyembre , 2010 …

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    Ang tagpo kung saan ay nagkakagusto na si Maggie kay Vince. Gustong-gusto ko ang mga senaryo kung saan ay halos dalawang linggong nakakulong si Maggie sa bahay ni Vince kahit bala-bala lamang iyon. Ito ang mga senaryong kinagiliwan ko sapagkat kahit ganoon lamang halos ang mga naging pangyayari sa kabuuan ng dula na “CAPTIVE”, natuwa ang lahat ng mga tagapanuod at siyempre kabilang na ako roon! Napaka-simple lamang ng mga naging pangyayari ngunit hindi naman nagkulang ang mga gumanap sa pang-aaliw sa aming mga nanunuod. May katuturan ang mga senaryo na ang isang lalaki ay hahamakin ang lahat upang makuha ang babaeng kanyang iniibig, na maaari din namang ihambing sa mga kaganapan sa realidad ng buhay tao.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    Isa na rito ang mga kalalakihan na gagawin ang lahat upang makuha ang puso ng babaeng kanilang iniibig. May mga nababalitaan ako sa dyaryo at telebisyon na nangidnap ang lalaki ng isang babae sa kadahilanang may gusto siya roon. Marahil minsan, nakakatuwa mang isipin ang mga pangyayaring iyon ngunit maaari din namang maging kalungkot-lungkot kung aabot ito sa maaaring mangyaring masama sa babaeng kinidnap. Sa sobrang kabaliwan ng lalaki marami ang kanyang maaaring gawin dahil alam nating lahat kung gaano ang kaibahan ng lakas ng mga kalalakihan kung ikukompara sa lakas ng mga kababaihan. Madalas sa mga pangyayaring ganito, kawawa ang mga babae, sapagkat umaabot ito sa pangyayaring sila ay nasasaktan ng hindi lamang emosyonal kundi maging pisikal na sakit mula sa mga lalaking kumidnap at umabuso sa kanila, umaabot ito sa pagpatay sa babae. At kung minsan pa rito, lalabas na lamang sa balita na namatay ang babae na isang aksidente lamang. Tayo na lamang ang siyang manghuhusga kung ito ay totoo o isang pagtatakip lamang. Akin lamang, sana ay mabigyang hustisya ang mga ganitong pangyayari na ginagawa sa mga kababaihan.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at Ipaliwanag.
    Katulad ng aking nabanggit sa una at ikalawang numero, hahamakin ng lalaki ang lahat para sa babaeng kanyang iniibig. Iba magmahal at magseryoso ang mga kalalakihan kung sila ay atin lamang uunawain. Madalas maging mapagpanggap ang mga lalaki sa kanilang mga emosyon ngunit hindi mahirap hulaan ang tunay nilang nararamdaman, minsan ay halatang-halata na natin iyon. Kahit alam na natin ang nararamdaman ng isang lalaki na madalas pa ay para sa atin, hindi lang natin ito pinapansin. Kung kaya’t dahil dito ay nakakagawa sila ng mga bagay-bagay na hindi natin aakalaing kaya nilang gawin. Ang hindi pagpansin ng isang babae sa lalaking may gusto sa kanya, sa huli ay sila pa ang nagkakatuluyan. Mapalalaki man o mapababae ay nawawalan ng kontrol kapag umiibig. Marami itong nagagawa na kahit pa makasakit ng ibang tao ay wala na silang pakielam. Minsan naniniwala ako sa kasabihang “opposites do attract”, kahit nakakatawa ang mga ganitong pangyayari. Ngunit kadalasan pa rin ay ang mga nagkakasundo at nagkakapareho sa mga bagay-bagay ang siyang nagkakatuluyan. Isa pang katotohanan sa buhay at lipunan na aking napansin mula sa dula ay kahit mayroong kaunting kakornihan maaaring magsilbing isang katotohanan, ito ay kung paano maging totoo o tunay ang pagmamahal na mula sa isang lalaki. Ang pangunahing aktor na si “Vince” ay naging sobrang “obsessed” at baliw na baliw kay “Maggie”, ang pangunahin namang aktress. Tatlong taon niya itong pinagmamasdan at sinusundan-sundan, marahil ay matatawag na siyang “stalker” sa kanyang pinag-gagagawa. Nalaman niya ang lahat-lahat ng tungkol kay Maggie at sa buhay ni Maggie. Sa sobrang pagmamahal ni Vince, nagawa niyang alamin ang buong pagkatao ni Maggie kahit hindi pa sila nagkakausap o nagkakakilala ng personal. Ang pinaka-huli sa aking mga napansin na naipamalas ng dula ay kung paano naman kiligin ang isang babae. Kung saan ay tunay ngang abot langit ang mga ngiti nito kapag may lalaking nagkakagusto sa kanya na hindi naman mahirap isipin na magkakagusto din siya rito.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    Katotohanan ang mga pangyayari sa dula kung maihahambing sa tunay na buhay, ngunit sa kabuuan ng dula ay hindi pa rin ito masasabing totoo. Gumanap lamang ang mga nasa dula, wala sa totoong buhay ang kanilang mga naipamalas bagkus ito ay kathang-isip lamang. Hindi totoo ang buong kwento, ito ay gawa-gawa lamang, ang dula ay naisakatuparan na lamang dahil sa matinding imahinasyon ng may-akda at direktor ng dula/kwento.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Dapat matuto tayong pumili ng tama nating mamahalin kung ayaw nating masaktan at magsisi lamang sa huli. Muntik nang magpakasal si Maggie sa kanyang fiancé na si Harold, na isang malaking pagkakamali na pagsisisihan ni Maggie kung ito ay natuloy. Buti na lamang ay napatunayan ni Vince na hindi dapat magpakasal si Maggie sa lalaking niloloko lamang pala siya. Bakit kailangang ipagpatuloy ang isang pagmamahal na wala na namang patutunguhan, maaari pa itong makasakit sa atin! Bakit natin kailangang pahirapan ang ating sarili na magpakatanga sa taong nanloloko lang pala sa atin mula pa sa simula. Dapat mag-isip ng mabuti. Sabi nga ng matatanda, “ang pagpapakasal ay hindi kanin na kapag napaso ka ay pwede mo na lang itong basta-basta iluwa”.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 6:10 am

      “ang pagpapakasal ay hindi kanin na kapag napaso ka ay pwede mo na lang itong basta-basta iluwa”.—paano maibabalik ang ganitong paalala sa mga kabataan ngayon…

  • Anna Virginia P. Santos  On December 18, 2010 at 3:51 am

    MALISYA

    1.) Ang mga kinagiliwan kong mga eksena ay yung mga eksena nung laging naka-luntian na aktor (yung bading) dahil ang kulit niya at sobrang nakakatuwa yung karakter niya. Kahit anong landi sa kanya nung babaeng naka-dilaw ay hindi niya talaga siya magkakagusto roon dahil nga siya ay bading.

    2.) Ang mga isyung panlipunan na nakita ko sa dula ay ang:
    a. Maagang pagbubuntis ng mga menor-de-edad.
    b. Ang pagpapalaglag ng sanggol ng mga babaeng hindi pa handang maging ina.
    c. Ang pagkakaroon ng intimate na relasyon ng guro
    at ng estudyante.

    3.) Para sa akin ang totoo ay mga babaeng nabubuntis ng hindi inaasahan na nagiging dahilan ng pagpapalaglag nila sa sanggol sa kanilang sinapupunan. Siguro naman ay alam natin ang kabi-kabilang balita tungkol sa mga sanggol na natatagpuan sa kung saan saan katulad sa simbahan, sa banyo, sa basurahan at marami pang iba.

    4.) Sa aking pananaw ang dula ay puro katotohanan dahil sa panahon natin ngayon ay marami talagang mga dalaga ang nabubuntis sa hindi tamang oras na nagdudulot ng pagkasira ng kanilang kinabukasan.

    5.) Dapat hindi tayo padalos dalos sa nararamdaman natin kapag tayo ay umiibig. Pagisipang mabuti ang mga bagay na papasukin bago natin ito pasukin upang maging handa tayo sa mga maaaring maging consequence ng ating desisyon.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 6:05 am

      Dapat hindi tayo padalos dalos sa nararamdaman natin kapag tayo ay umiibig- tama…kung ikaw ang papaipiliin…isip ba o puso?

  • Talipan, Mary Grace  On December 18, 2010 at 11:16 am

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    –Ang pinaka gusto kong senaryo sa dula ay ung sa Captive. Tunay na pag-ibig ang tema ng dulang iyon. Magaling ang mga artistang gumanap kaya epektib ito para sa mga manunuod, para sa akin. Nakakakilig ang mga senaryo. Marahil, marami ang nakakarelate o nakakaugnay kaya halos lahat ay nagustuhan ang captive.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    –Una ang ay kawalan ng tamang batas para sa mga taong nasa likod ng mga kidnapping.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    — Una ay ang tunay at walang hanggang pagmamahal ni Vince para kay Maggie.
    — Pangalawa, ay ang panlolokong ginagawa ng boyfriend ni Maggie sa kanya.
    – Pangatlo, ay ang nagawang pag kidnap ni Vince kay Magiie na siyang sumisimbolo na lahat ay kayang gawin sa ngalan ng pag-ibig

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    — Para sa akin, katotohanan ang lahat ng nakapaloob sa dula sapagkat bawat eksena at linya sa palabas ay nakikita at naririnig sa tunay na buhay. Lahat ng ipinakita sa Captive at Malisya ay nangyayari sa tunay na buhay, marahil ay hindi ko pa naranasan ang iba ngunit alam kong purong katotohanan at lahat at hindi kathang isip-lamang.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    — Ang mensahe na nais kong dahil sa habang buhay ay ang mensaheng TUNAY NA PAGMAMAHAL. Na lahat sa atin ay may nakalan imulat lamang natin ang ating mga mata, huwag mag bulag-bulagan at bigyan ng pagkakataon ang lahat. At higit sa lahat, Ang TUNAY NA PAG-IBIG ay dumarating sa tamang panahon at oras.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:59 am

      Ang TUNAY NA PAG-IBIG ay dumarating sa tamang panahon at oras.—ika nga sa ingles ay love waits…

  • Dana Gyenes  On December 18, 2010 at 1:43 pm

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    Humihingi ng tulong si Puresa kay Lyn sapagkat pareho na sila ng sitwasyon ng pinagdaanan dahil kay Rommel.
    Ang dalawang babae na si Puresa at Lyn ay nagkaroon ng relasyon kay Rommel at naging masaklap ang kanilang pinagdaanan dahil nabuntis sila ni Rommel. Si Lyn ay mas malubhang nagdurusa sa kanyang mga ginawa kaya nagdesisyon siyang ilalag ang kanyang dinadalang sanggol. Si Puresa naman ay nakipaghiwalay kay Rommel at naisipan na harapan ang kanyang responsibilidad bilang ina sa magiging anak niya.
    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    Sa dula ipinapakita dito ang iba’t ibang katangian at kaugalian ng bawat indibidwal na ating nakikita sa ating lipunan ngayon gaya ng pagiging bading/bakla.

    Ang mga tauhan sa dula ay may mga kilos na hindi kanais nais sapagkat ipinapakita ang pagiging “deviant” ng mga tao sa loob ng lipunan gaya ng paglalagay ng malisya sa kanilang ginagawa, ang hindi pagsunod sa mga magulang, hindi paghaharap ng responsibilidad ng kanilang nagawa, pag laglag ng sanggol at pagkawalang respeto sa kanilang sarili.

    Imoralidad ang kanilang ginagawa sapagkat hinahayaan na lamang nila na ibigay ang kanilang sarili sa iba. Ayon sa Bibliya ang katawan ng tao ay itinuturing na isang templo sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos Ama na siyang nagsabi sa atin na panatilihin natin malinis ang ating katawan at sa araw na ikasal na ang tao sa kanyang magiging asawa doon lang pwede magtalik ang mag-asawa. Ang pagkabirhen ay ating inirereserbe para sa taong makakasama natin habang buhay.

    Maaga nag-aasawa at nagbubuntis ang mga kabataan ngayon sapagkat may malisya ang kanilang ikinikilos. Nagiging mataas na rin ang populasyon natin dahil sa hindi inaasahan pagbubuntis ng mga kabataang kababaihan.

    Ang pagbuyo ng mga kalalakihan na sa mga kababaihan na makipagtalik sapagkat nagkakaroon ng tensyon at pagnanasa sa isa’t isa.
    Inaasahan ng mga magulang ng mga kabataan na makapag tapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng magandang hanap-buhay. Hindi hahayaan na magdurusa sila sa kanilang mga maling desisyon sa buhay. Ang mga magulang ay nagpapakahirap para lang makapag tapos ang kanilang mga anak at maasahan na tumulong sa kanilang pag-ahon sa buhay. Nagiging masaklap lang ang pinagdaaanan nila kung nagkaroon ng sitwasyong hindi inaasahan gaya ng maaga nag-asawa o pagbubuntis.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.
    Sa lipunan, makikita natin na may iba’t ibang katangian at kasarian na ipinapamalas ng mga tao.
    Hindi tayo nakakasiguro kung ang taong yan ay may tinatagong lihim tungkol sa kanyang kasarian pero makikita ito sa kanyang kilos at galaw.

    Sa buhay ng tao lalo na sa kasalukuyang lipunan madami tayong pinoproblema sapagkat madaming mga hindi inaasahang bagay ang dumarating sa ating landas gaya na lamang ng pagtaas ng populasyon na sanhi ng maagang pag-aasawa at pagbubuntis sa siyang dahilan ng mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan gaya ng pagtaas ng bilihan at madaming hindi nakakapagtapos sa pag-aaral.

    Sa ating mga kabataan madami sa kanila ay naging biktima ng maling-akala sapagkat ilalagyan nila ng malisya. Patuloy tayong gumagabay at iniingatan ang kanilang pagkatao sapagkat ayaw natin silang mawala sa landas at mawala ng respeto sa kanilang sarili.

    Ang mga tao ay nagdurusa at nagsisisi sa kanilang mga maling nagawa sa kanilang buhay sapagkat hindi nila alam na sila ay mapapahamak lamang dahil dito.

    Sa loob ng lipunan ay nagiging imoralidad na ang kilos ng mga tao sapagkat nakalimutan na nila na may Diyos pa na gumagabay sa kanila. Ang tao ay nagkakasala at hindi humingi ng tawad sa Panginoon Diyos.
    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    Pulos katotohanan sapagkat nangyayari ito sa kasalukuyang lipunan na ating kinalooban.
    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Matuto tayong irespeto ang ating pagkatao pati na rin ang pagkatao ng iba.
    Huwag hayaan na ibigay ang sarili sa taong hindi lubos na kilala at huwag magpaloko sa mga kalalakihan pagdating sa pag-ibig.

    Lubos na kilalanin ang tao bago gumawa ng mga bagay na nakakasama at nagbibigay-sala sa Panginoon Diyos.
    Patuloy na magdasal sa Panginoon Diyos at humingi ng tawad sa mga salang nagawa. Laging isa isip na ang Diyos ay gusto niya na lamang ang nakakabuti sa atin.

    Matutong maghintay ng tamang panahon para ibigay ang sarili sa iba. Magpakasal muna

    Bigyang-halaga ang katawan sapagkat ito ay itinuturing templo.

    Harapin ang mga suliranin at responsibilidad sa mga maling nagawa.

    Kilalanin muna ang sarili at huwag magpanggap ng ibang katauhan.

    Mag-isip muna bago gawin ang mga bagay na alangan na alam mo mapapahamak ka lamang.

    Bigyang-halaga ang mga magulang sapagkat sila ay nagpapakahirap para paaralin ka at hinihiling na makapagtapos ka.

    Bigyang importansya ang pag-aaral bago ang pag-iibigan.

    Magdasal at humingi ng tulong sa Diyos kung hindi nakakasiguro sa mga bagay na iyong gagawin.

    Nais huli ang pagsisisi kaya maging sigurado sa mga bagay na iyong gagawin sapagkat dadalhin mo ito sa kinabukasan.

  • VALBUENA, GENEVIEVE L.  On December 18, 2010 at 3:39 pm

    MALI SIYA

    1. Ang senaryo sa dula na aking nagustuhan ay noong bago magpakamatay yung nagpalaglag ng bata. [Paumanhin pero nakalimutan ko yung pangalan] Noong mga oras na iyon, naiwan siyang magisa sa kawalan at bumabalik lahat sa kanya. Parang nagkasabay-sabay lahat ng problema niya at wala siyang ibang maasahan at matakbuhan. Bumabalik lahat ng nangyari sakanya, lahat ng sinabi ng mga tao sa kanya. Nakuha noon ang aking atensyon dahil naawa ako sakanya. Naisip ko na kung ako ang nasa lagay niya, marahil magpapakamatay din ako. Sobrang iniwan siya ng lahat ng taong inaasahan niyang mamahalin siya. Nalungkot ako para sakanya, ako yung nasaktan. Kahit gano naman kasi siya naging kasama, hindi naman tama na maramdaman niyang nag-iisa siya, na tinalikuran na siya ng lahat. Bakit ko ito gusto? Dahil natutunan ko na sa huli, sarili mo lang ang tangi mong aasahan.

    2. Unang isyung panlipunan na nakita ko sa dula ay ang pagkasangkot ng mga kabataan sa pre-marital sex na siyang puno’t-dulo ng maagang pagbubuntis ng mga dalaga. Pangalawa, ang laganap na kabaklaan. Pangatlo, ang mga hindi tamang relasyon tulad ng pakikipagtalik ng propesor sa kanyang istudyante. Pang-apat, ang Abortion at pagpapawalang halaga sa buhay.

    3. Unang katotohanan, nakakabulag ang pag-ibig. Sa panahon ngayon, meron ibang pagpapkahulugan ang mga tao sa salitang “Pag-ibig”. Kaya nagtatalik ang mga kabataan ay dahil akala nila sa pamamagitan nito ay maipaparamdam nila sa kasintahan ang pagmamahal nila. Yun ang isang pagkakamali ng karamihan. Magkakakonekta lang naman kasi yan e, magtatalik tapos mabubuntis. Dalawang suliraning panlipunan. Nasisira na ang moralidad ng mga kabataan. Hindi na kailangang magtalik upang maiparamdam ang pagmamahal. Mayroong tamang oras at panahon para dun, bakit ba nagmamadali ang mga kabataan? Tapos kapag nabuntis, iiyak ng iiyak. Sila din naman ang nahihirapan. Isa pa yun e, makitid masyado ang utak ng mga kabataan. Gumagawa sila ng mga bagay na hindi man lamang sila nagiisip kung ano ang kahahantungan ng mga gagawin nila.
    Ikalawang katotohanan, ang laganap na kabaklaan. Hindi lamang naman kabaklaan e, kahit naman katomboyan. Pero sa kabaklaan tayo magpokus. Normal at parte na ng araw araw natin ang mga bakla. Madami akong kaibigang bakla. Wala naman ako nakikitang masama sa pagiging bakla e. Yun lang, may iba na “below the belt” na. Lahat ng bagay ay may limitasyon. Yun lang ang masasabi ko tungkol dito.
    Ikatlo, Pagpapalaglag. Dahil sa maagang pagbubuntis, hindi maiiwasan na may mga babaeng mas pipiliin na ipalaglag ang bata kasya pasanin ang responsibilidad nila. Nakakainis lang kasi, makikipagtalik, magbubuntis tapos magpapalaglag. Ganun na lang ba talaga yun kadali? Ngunit tanggapin na natin, totoo itong nangyayari, laganap ito sa ating lipunan. Saan na ba napunta ang moralidad ng mga tao?
    Ika-apat, nagkakamali ang tao. Ito ay isang katotohanan sa buhay at lipunan na walang makakatanggi. Mula na din sa titulo ng dula, “Mali Siya” ay masasabi natin na lahat ng tao ay nagkakamali. Dumadating tayo sa punto na mali ang mgadesisyon na ating gagawin. Pero ang bottomline ng lahat, itinama ba niya ito? Yun naman ang katotohanan sa buhay na sinasabi ko. Nagkakamali ang tao, pero lahat ay may chance na ayusin ang maling ito.

    4. Masasabi ko na pulos katotohanan ang aking napanood. Nangyayari ito sa tunay na buhay, kahit naman yung isang dula e, yung CAPTIVE, pulos katotohanan din yun. Tinitingnan lamang ng mga tao ang gusto nila makita, mas pinahahalagahan ang panlabas na anyo. [Wala, gusto ko lamang ibahagi kasi gusto ko din yun e] =)) Ayun, balik tayo sa Mali Siya. Totoo ito. TOTOONG TOTOO. Hindi naman natin maikakaila na nasa harapan na natin ang mga taong katulad nung nasa dula. Ang dula ay andiyan upang i-alarma tayo sa kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.

    5. Marami akong mensahe at aral na napulot sa dula. Kahit paulit-ulit ko na itong naririnig. Sa mga magulang ko pa lang ay busog na ko ng pangaral tungkol sa mga ganitong bagay. Pero sa dula, na ginampanan ng mga kabataan katulad ko, mas maayos na naipahayag sa akin ang mensahe na dapat ay dalhin habang na nabubuhay.
    Ang mga natutunan ko ay ang pagkakaroon ng control at pagalala palagi sa moralidad ko. Huwag magpabulag sa salitang “pagmamahal”. Mag-isip muna dapat bago gumawa ng isang bagay, dapat isaalang-alang ang mga magiging bunga ng lahat ng gagawin ko. Iisa lamang ang buhay ko kaya nararapat lamang na gawin ko ang lahat ng maganda. “Make the most out of life”. Pero sa magandang paraan. Alamin dapat ang tama at mali. Huwag magpadala at magpatukso. Hindi ko naman masyado mai-relate ang sarili ko sa kabaklaan pero natutunan ko naman na dapat ay hindi tayo manghusga base sa kasarian ng isang tao. Yun namang sa pang-aabuso ng propesor sa mga estudyante niya, natutunan ko na dapat gamitin ko palagi ang utak ko. Wala sa edad ang “maturity level” ng isang tao. Dapat alam ko ang tama at mali, hindi yung dahil mas matanda sakin ay susundin ko na ang kagustuhan. Magbigay naman ng respeto at sarili pati dignidad! Isa ko pang natutunan ay “hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali”. Kung may mali kang nagawa, PANINDIGAN MO yan. Kagaya nung pagpapalaglag, hindi naman maitatama ng pagpapalglag ang maagang pagbubuntis e. Kasalanan mo yan, panagutan mo yan. Walang madaling paraan upang ayusin ang mga problema. Bawat hakbang na ginawa mo sa buhay mo, may kaakibat na resulta ito at dapat maging responsable tayo sa bawat ginagawa natin. GAMITIN ANG UTAK. Huwag paloloko. Sino ba sa huli ang talo, diba? ☺ Lahat tayo ay may pagkakataon upang itama ang buhay natin. Normal na magkamali, pero nasasaatin na yung kung ano ang gagawin natin sa pagkakamaling iyon. Lahat ng problema ay may paraan, hindi ito madadaan ng pagpapakamatay.

    Hindi mawawala ang mga problema, nasasa-atin na kung papaano natin ito haharapin. ☺

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:55 am

      Hindi mawawala ang mga problema, nasasa-atin na kung papaano natin ito haharapin. ☺”- tama….

  • Aila Marie Peñaflor  On December 19, 2010 at 6:30 am

    1.Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    Ang isa sa mga tagpong aking kinagiliwan ay noong nagkaroon ng paghaharap sina Lyn at Puresa. Sa gitna ng kanilang seryoso at madramang usapan tungkol sa kanilang pagdadalang tao, bigla nalang sinabi ni Lyn ang linyang “Anong gagawin mo? Eh pakialam ko sayo! Pagkatapos mong agawin ang boyfriend ko hihingi ka ng tulong sa akin.” Kinagiliwan ko ang eksenang ito dahil nagawa nilang patawanin ang mga manunuod kahit na ang pinag-uusapan nila ay isang napakaseryosong isyu.

    2.Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    •Maagang pagbubuntis – Isiniwalat sa dulang ito ang isang mapait na katotohanan na sadyang dumarami na ang bilang ng mga kabataang kababaihan na nabubuntis sa maagang edad.
    •Pagtatalik ng mga magkakasintahan kahit na wala pa sila sa tamang edad – Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dumarami na ang mga tinedyer ang nakikipagtalik sa kanilang mga kasintahan dahil sa tingin nila ito lamang ang patunay ng kanilang totoong pagmamahal para sa isa’t-isa. Masyadong nagpapadalos-dalos ang mga kabataan ngayon at hindi nila naiisip na ang kanilang mga ginagawa at maling desisyon sa buhay ay maaaring makaapekto sa kanilang pamumuhay. Maaari rin itong magbunga ng mga hindi inaasahan at masamang resulta sa kanilang buhay.
    •Aborsyon/pagpapalaglag – Tunay ngang marami ang nakakaranas ng hindi inaasahang pagbubuntis kaya sa tingin nila ang pagpapalaglag na lamang sa batang na sa kanilang sinapupunan ang tanging solusyon sa kanilang suliranin.
    •Ang pagiging homosekswal o ang pagkakaroon ng ibang kasarian – Unti-unti ng natatanggap sa ating lipunan ngayon ang pagiging homosekswal. Tulad na lamang ni Macky na nagawang aminin ang kanyang tunay na kasarian at nagawa niyang magpakatotoo sa kanyang sarili at sa ibang mga tao sa kanyang paligid.

    3.Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.
    Ang mga katotohanan sa lipunan na naipamalas ng dula ay ang pagiging mapusok ng mga kabataan ngayon, ang pakikipagtalik sa maagang edad, ang mga hindi inaasahang pagbubuntis at ang aborsyon o pagpapalaglag ng batang na sa kanilang sinapupunan. Ang mga isyung ito ay sadyang laganap na sa ating lipunan. Ipinamalas lamang ng dulang ito ang realidad ng buhay at ang pagkakamali ng karamihan sa mga kabataan ngayon.

    4.Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    Masasabi kong sadyang pulos katotohanan lamang ang ipinamalas ng dulang ito, dahil ang mga tagpo sa kanilang dula ay pawang katotohanan lamang at sa panahon ngayon hindi maitatanggi na ang mga tagpong ito ay nangyayari talaga sa ilang mga kabataan.

    5.Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    Huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon, dahil ang bawat kilos at desisyon mo ngayon ay may malaking epekto sa iyong kinabukasan. Natutunan ko rin sa dula na ang isang pagkakamali ay hindi na dapat pang tularan pa, marapat lamang na itama mo ang lahat ng iyong mga nagawang mali sa iyong buhay. Kaya simula ngayon dapat ay pag-isipan ko munang mabuti at ng ilang beses ang mga bagay na gagawin ko, dapat ay sigurado akong tama ang bawat desisyon na aking gagawin upang mapabuti ang aking pamumuhay.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:52 am

      Huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon, dahil ang bawat kilos at desisyon mo ngayon ay may malaking epekto sa iyong kinabukasan.= salamat…ika nga nila…ang kinabukasan ay produkto ng ngayon….

  • Leaban, Noelle Amber G.  On December 19, 2010 at 9:54 am

    Ang aking reaksyon ko saaking na panood ay napakaganda. Dahil, sa dalawang palabas na iyon. May tinuturong aral sa bawat palabas. At may natutunan naman ako sa bawat palabas.

    Doon sa una, ang tinuro ay magpahalaga ng tao pinapahalgan ka. At wag mong pigilan ang tao maging mabait sayo. At tsaka, maging mabait ka sa taong mabait din saiyo. Matutong magpahalaga ng tao at wag pabaliwalain.

    Doon naman sa pangalawa, eto ang palabas na marami kaming natutunan. Isa, pahalagan ang sarili at irespeto. At katulad noong una magpahlaga ng mga tao. Laging pagisipan ng mabuti lahat ng gagawin mo maslalong alam mo hindi maganda. Isipin mo ang pwede maging resulta ng mga bagay na ginagawa mo. Kasi baka mapahamak ka sa gagawin mo at masira and buhay at kinabukasan mo.🙂

    Lahat ng palabas may natutunan ako. At masaya ako at pinanood ko. Kasi dahil doon marami akong natutunan. At dapat lagi kong iispin lahat ng gagawin ko kung tama o hindi.

    • jsdlsonger  On January 18, 2011 at 5:46 am

      “may natutunan ako.”, ” Kasi dahil doon marami akong natutunan.”- ulit-ulit?hahaha

  • Louise del Valle  On December 19, 2010 at 12:12 pm

    Hi sir! Heto na po ang aking Reaction paper ukol sa aming napanuod na dula :))

    Ang aking napili na play para sa aking bibigyang kritisismo ay ang Malisya.

    Ako’y nagiliwan sa senaryo na kung saan sila Maki, Puresa, at Noimee ay nanunuod ng nakatatakot na palabas sa cinehan, sapagkat inaakit ni Noimee si Maki habang si Puresa ay bumibili ng makakain. Noong mga oras din na iyon, natawa ako dahil si Maki ay nagkunwaring umamin na may relasyon silang dalawa ni Puresa para lamang iwasan na siya ni Noimee. May isa pang senaryo kung saan ako nagiliwan… iyon ang noong pinipilit pa din ni Noimee na mapasakanya si Maki habang umiinom silang dalawa. Sa kasamaang palad, hindi naging matagumpay si Noimee sa bandang huli dahil umamin na si Maki na siya ay isang bading at umiibig sa isang lalaki. Ang huling eksena naman na akin ring nagustuhan ay yung kinausap ni Sir Francis si Maki tungkol sa kanyang test paper. Si Maki ay kinilig at ubod ng tuwa sapagkat ang kumausap sa kanya ay ang lalaking kanyang pinagpapantasyahan.

    Ang mga nakatagong isyung panlipunan ang aking nakita sa Malisya ay ang Sex, Abortion at Commiting Suicide.

    Ang mga katotohanan na naipamalas sa dula ay katulad ng pagtatalik nila Vince at Lyn/Puresa. Maituturing na makatotohanan ito sapagkat nagiging resulta ito ng hindi inaasahan na pagbubuntis na katulad na rin sa nangyari sa kanila Lyn at Puresa. Ang ganitong klaseng sitwasyon ay nagbibigay problema sa ating lipunan dahil lumalaki ang ating populasyon at ang iba din, kung nawawalan na ng pag-asa, ay pinapalaglag nila ang kanilang pinagbubuntis. Ang Abortion ay isa rin sa naipamalas sa dula, kung saan si Lyn ay nagpasyang ipalaglag ang kanyang anak dahil sa ayaw panagutan ni Vince ito. Ang ganitong gawain ay makasalanan sa Diyos dahil parang pinapatay mo na rin ang iyong anak at hindi man lamang binibigyan ng pagkakataon upang mabuhay sa daigdig. Ang Suicide ay nakita din sa dula kung saan si Lyn ay nagpakamatay noong iniwan siya ni Vince nang malaman niya na pinalaglag ang kanilang magiging anak. Isa din itong gawaing makasalanan dahil hindi ito ang solusyon sa lahat ng problema, kundi ito ay nakakapagbigay-daan lamang sa iyo sa impyerno.

    Ang mga pinakitang eksena sa dula ay masasabing makatotohanan dahil araw-araw tayong makaka-diskubre sa balita ng mga bilang na mga nagpapalaglag, nagpapamakatay, at iba pang mga pisyung panlipunan.

    Ang mga aral na mapupulot sa dulang aking napanuod ay:
    Dapat sa lahat ng bagay ay sigurado tayo, tulad ng kung sino ang talagang mahal natin at kung ano din ang ating mga limitasyon sa bawat gawain. Kung ipapalaglag natin ang ating ipinagbubuntis, dapat isipin muna natin ito ng mabuti dahil anak din natin ang ating mapapatay. Huwag natin isipin ang ating sarili kahit na ang kinabukasan natin ay masisira at kahit na kung nasa murang edad ka pa. Kung ano na ang iyong nagawa, nararapat na ipagpatuloy mo iyon. Ang pagpapakamatay naman ay hindi rin sagot sa ating mga problema, kagaya ng aking nasambit sa isang talata. Kung hindi natin iisipin ang pwedeng mangyari kapag ating ginawa ito, ang ating mga mahal sa buhay ay maaaring maapektuhan. Kung kaya’t huwag din lamang natin iisipin ang ating sarili kahit na anong mangyari.

    Sa lahat ng problema natin sa buhay, huwag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat nandiyan lamang ang Poong Maykapal upang tayo ay gabayan sa lahat-lahat. Kung may tiwala at pananampalataya lamang tayo sa Kanya makakasigurado tayo na hinding-hindi niya tayo pababayaan.

    Thank you sir!
    Advance Merry Christmas and a Happy New year!🙂

  • Patricia Dayle S. Nunez  On December 19, 2010 at 3:24 pm

    Patricia Dayle S. Nunez
    1H1 – International Business
    MALISYA
    1.) Ang mga senaryo o tagpuan sa dula na aking kinagiliwan ay ang tuwing paglabas nila Noimy at Macky dahil ang kanilang papel sa dula ay nakakatawa at sa tuwing sila ay may eksena ay halos lahat ng tagapanood ay napapatuwa at naaaliw nila lalong- lalo na ng inamin ni Macky kay Noimy na siya ay isang bakla na ikinagulat naman ni Noimy.

    2.) Ang mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dula na “Malisya” ay ang maagang magtatalik ng mga kabataan na wala pa sa tamang edad, ang sunod-sunod na maagang pagbubuntis ng mga babaeng “teenagers” at ang tuloy-tuloy na paglalaglag ng mga sanggol na nasa loob ng sinapupunan ng mga babaeng buntis na hindi pa handa maging ina. Katulad na lamang sa dulang “Malisya” sa karakter nila Lyn at Rommel. Dahil sa mali nilang nagawa ay nabuntis si Lyn at dahil hindi naniwala si Rommel na siya ang ama ay dito napagisipan ni Lyn na ipalaglag ang bata na nasa sinapupunan niya.

    3.) Ang mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dulang “Malisya” ay ang maagang magtatalik ng mga kabataan na wala pa sa tamang edad na nauuwi sa maagang pagbubuntis. At dahil dito, napipilitan sila na ipalaglag ang bata na ipinagbubuntis nila. Sa totoong buhay ay dumarami ang mga ganitong problema sa ating lipunan lalong-lao na ang maagang pagbubuntis. Maraming mga kabataan ang nakakaranas ng mga ganitong problema kaya nauuwi sa pagpapalaglag.

    4.) Para sa akin, Ang dula na “Malisya” ay isang katotohanan at hindi kathang isip lamang dahil ang mga gumawa nito ay may nais na iparating sa mga tagapanood. Nais nila na mabuksan ang mga isipan ng mga tagapanood na ang ating lipunan ay maraming problema na dapat ay alamin din natin.

    5.) Ang mensahe na napulot ko sa dula na “Malisya” na nais kong dalhin habang buhay ay dapat ay huwag magmadali sa pag-ibig. Dapat ay huwag natin ibigay ang ating mga sarili agad-agad sa mga tao na hindi naman tayo sigurado at dapat nasa tamang edad na tayo para sa huli ay hindi tayo magsisisi. Dapat ay kilalanin muna natin ito ng mabuti at hindi dapat pagmadaliin ang mga bagay-bagay dahil darating din ang tamang oras at tamang panahon para sa mga ganitong bagay.

  • Victoria Fleur Selibio  On December 19, 2010 at 4:34 pm

    1C1 – Corporate Business

    1) Anong senaryo o tagpo ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang kinagiliwan ko sa senaryo ng Malisya ay ang pakikipagsama ni Macky sa mga kaibigan niya, lalo na kay Noimi, sa dula. Nasabik ako nang malaman na may na isadiwa ng dulang ito ang pagsubok ng bakla sa realidad ng buhay. Napansin ko narin na hindi lamang ako na nasisiyahan sa ideyang ito, kundi narin ang mga mag-aaral at guro na nang doon ay natuwa.
    Sa tingin ko ay nakakapagpakita ito ang katotohanan na nangyayari sa buhay. Sa relidad, hindi narin madaling itapat sa mundo ang pagka homosexualidad ng tao. Dahil hindi masyadong tinatangap ang kaibahan ng pamantayan ng lipunan.
    Pero sa drama na ito ay pinakita ang nakakatawang pagsubok ni Macky sa buhay niya. Kaya pupurihin ko ang mga tanawin nito.

    2) Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa- isahin.

    •Ang maagang pagbubuntis ng kabataan
    •Ang pagpipilit ipakita ng lipunan ang tamang pamantawa (Diskriminasyon sa Homosexuality)
    •Ang pagsasamantala ng tao sa mahina

    3) Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at ipaliwanag.

    a) Dito pinakita ang mga dinudulot ng kabataan dahil sa kagustuhan ng pagtatalik sa magkaibang kasarian. At dahil hindi lahat ng tao ay ligtas sa ganitong gawain, ay nagiging resulta ito sa maagang pag-aanak. Magandang halimbawa dito si Rommel, Lyn at Puresa.

    b) Pinapakita dito ang diskriminasyon sa mga bakla, dahil hindi tama sa mata ng lipunan. Kumbaga, parang pinipilit ang isang bakla maging isang tunay na lalaki para hindi siya tangihan ng mga taong malapit sa kanya. Kung ganito ang isang tao sa realidad, hindi siya magiging totoo. Magandang halimbawa dito si Macky, Sir Fransis at Noimi.

    c) Pinapakita dito ang kapangyarihan ng lalaki na samantalahin ang isang babae. Magandang halimbawa si Rommel at Sir Fransis sa dula. Dalawang lalaki na ginawang lokohin ng bawat babae na nakakasama nila. Sa palagay ni Rommel, nagagawang niyang isamantala ang bawat puso ng babae sa ikwelahan niya kahit na may kasintahan na ito. Si Sir Fransis naman, kahit may asawa ay nagagawa niyang manloko sa mga istudyante niya.

    4) Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Masasabi ko na pulos katotohanan nga ang pinapakita sa amin ang dulang ito. Dahil ito naman talaga ang katotohanan ng buhay, kailngan malaman ang realidad ng bawat paningin ng tao. Bakla man o tomboy, kahit paningin ng babae o lalaki, kailangan isipin ang mga posibilidad na magaganap sa modernong buhay ng kabataan. Hindi naman masamang pag-aralan ang ibang halimba o sitwasyon ng kahirapan sa buhay, dahil nakakapagsagot ng tama ito. Malalaman narin natin kung paano ayusin sa totoong buhay, kaya mas magandang ilantad sa mga kabataan ngayon.

    5) Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang aral na habang buhay kong aalahanin ay ang tamang gawaing desisyon. Dapat tayo mahinahon sa paggawa ng kahit anong bagay. Pag-isipan mabuti ang mga dapat gawin bago kumilos. Dahil ang pagkakamali ay hindi nabubura sa buhay, kailangang pinanghuhugutan ang isang totoong tao ang pagkakamaling nagawa.
    Isa pa ay malaking apekto na maging totoo ka sa sarili. Wag tayo magpanggap sa lipunan ang hindi naman totoo. Ganun din sa kapwa tao. Wag tayo manghusga sa ibang tao na hindi natin gusto dahil iba siya. Nakakasakit sa pakiramdam nang tao at mas sasama lalo sa loob nito. Dapat pantay ang trato sa isa’t isa.

  • Aiah  On December 20, 2010 at 6:02 am

    Jeremaiah Serene S. Atun
    BSM major in Corporate Business

    MALISYA

    1.Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    – Ang aking pinakakinagigiliwan sa dula na aking pinanuod ay kung paano naglahad ng kabaklaan ang isa sa mga tauhan at ng iladlad nito ang kanyang tunay na nadarama sa kanyang propesor na minamahal.
    – Pangalawa ay kung paano nagsisi ang isa sa mga babae na pinalaglag nya ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan at kung paano nya tinapos ang kanyang paghihirap ng may pagsisisi.
    – Pangatlo ay kung paano hinabol habol ng isang dalaga ang kanyang iniirog na kaibigan din nya na hindi nya alintana na isang binabae.
    – Panghuli ay kung paano namulat ang iba pang mga tauhan sa mga pagkakamali na kanilang kinabilangan o kinabibilangan at kung paano nila ito itinama, isinaayos at inintindi ang kanilang mga naturingang pagkakamali.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    • Ang aking mga nakitang isyu sa lipunan ay ang mga sumusunod:
    – Una, ang sekswalidad na hindi kahat tayo ay handang tumanggap sa ating lipunan ng ganitong mga katauhan.
    – Pangalawa, ang pakikipagtalik ng mga kabataan na wala sa tamang gulang o edad, mga walang tamang patnubay ng magulang o mga nakatatanda at ni walang basbas ng simbahan o kinauukulan (tulad ng kasal).
    – Panghuli, dahil sa hindi mapigilang mga kabataan resulta nito ay pagbubuntis ng maaga dahil na din sa hindi paggamit ng proteksyon.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    – Una, ang pagbubuntis ng maaga na syang pinopoblema ngayon ng ating lipunaan dahil sa mga mapupusok na kabataan na gusto ay makipagtalik ng makipagtalik.
    – Pangalawa, dahil nga hindi naman kayang subaybayan ng mga magulang o mas nakakatanda sa kanila ang kanilang mga anak, kamag-anak o kaibigan, hindi nila naisip ang proteksyon na dapat nilang ituro o ibahagi sa kanilang mga anak, kaibigan o kapwa kamag-anak.
    – Panghuli ay ang iba’t ibang sekswalidad (lalo na ang mga bakla o binabae) na syang hindi gaanong tanggap ng ating lipunan lalo na ng ating mga kalalakihan ngunit gayunman kung ating iisipin ang ating mga tinuturing na mga “bakla” ay mas kilala sa pagbibigaw saya, ligaya at aliw sa atin sa pamamagitan ng mga comedy bar at iba pa.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    – Pulos katotohanan ang dulang aming napanuod na pinamagatang MALISYA sa paraang pinapakita nito ang realidad na nagaganap sa kasalukayan na tumutukoy sa mga kabataan na sadyang mapupusok lalo na sa pagtatalik na inudyok naman sa pamamagitan ng pagmamahal, kalungkutan o ng iba pang emosyon at dahil sa mga ito, itp ay ginagawang instrumento para manamantala ng kapartner upang makipagtalik, ito ang mga dahilan na hindi naman nila nagawang isipin ang mga proteksyon na pwede nilang gamitin at mga bunga ng kanilang mga ginawa o gagawin pa.
    – Lahat ng katauhan at katangian ng mga tauhan sa dula ay tila normal at madalas ng nakikita o nakakasalamuha na sa ating lipunan.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    – Ang mensahe na aking dadalhin sa pang habang buhay ay tanggapin ang iba’t ibang sekswalidad na nadagdag sa ating lipunan sapagkat wala tayong karapatan na manghusga bagkus ay tanggapin nalang natin sila at hangga’t maaari ay makisama o makihalubilo tayosa kanila.
    – At ang huli ay pagdating sa pagmamahal hindi sukatan ang pagtatalik upang mapatunayan kung gaano mo kamahal ay iyong partner sapagkat hindi naman talaga ito ang tamang batayan o sukatan bagkus ay pagnanasa lamang ito sa isa’t isa at para sa akin ang tunay na sukatan ay kung paano handang mag-intay o kung paano galangin ang bawat isa ng walang hinihinging kapalit.
    – Atin dapat pag-ingatan ang sarili sapagkat maaari itong gamitin laban sa atin o maging advantage din sa dadating na panahon

  • Canoy, Rianelle  On December 20, 2010 at 6:30 am

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?
    – Ang mga senaryong aking kinagiliwan sa play na “CAPTIVE” ay ang madalas na pag lambing at pag tapat ni Vince ng damdamin niya kay Maggie. Kaya ito ang napili kasi sa bawat oras na itaboy ni Maggie si Vince ay parang lalong nabibigyan ng laksa ng loob si Vince na ipakita ang kanyang nararamdaman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahan na magtapat habang ikinasusuklaman ka ng minamahal mo.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.
    – Ang pagiging manhid o bulag ng mga tao sa mga taong may problema o hinaing
    – Ang pag gawa ng krimen para lang makuha natin ang gusto natin.
    – May mga pangarap ang bawat tao sa mundo subalit sa mali ang paraan natin sa pagkamit nito

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.
    – Ang hangarin ni Maggie na mapangasawa si Harold dahil sa ito ay mayaman at guwapo. Ito ay isang katotohanan na maraming gustong mag-asawa nalang basta para lamang umasenso. Nauuna ang hangarin kaysa sa sigaw ng damdamin.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?
    – Ang dulang “CAPTIVE” ay maaring katotohanan, maari fin kathang isip lamang. Maaring may mga lalaki talagang gagawin ang lahat makuha lang ang babaeng gusto nila. Subalit hindi lahat ng ganitong pangayayari ay maaring mauwe sa masayang katapusan.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?
    – Ang mensaheng madadala ko galing sa dulang CAPTIVE ay ang nararapat lang na tayo ay magkaroon ng mga pangarap, pero dapat kong alalahanin na dapat ko itong kamitin ng maganda ang aking intensyon at sa maganda at tamang paraan na wala akong matatapakan o maabala na tao.

    CANOY, RIANELLE LAUREN
    IB – 1H1

  • Aiah  On December 20, 2010 at 7:08 am

    Jeremaiah Serene S. Atun
    BSM major in Corporate Business

    KAWIKA
    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    – Tungkol ito sa proyekto ng KAWIKA at ito ang OPLAN: Wikang Filipino 2035 o OPLAN: WiFi 2035.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?

    – ang mga proyekto ng grupong KAWIKA ay nagtataguyod na palaganapin ang paggamit, pagkakaunawa at talastasan sa wikang Filipino hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa at naglalayong magsulong ng wikang Filipino bilang wikang global.
    – sila ay nanghihikayat na tayo ay makiisa sa layunin ng kanilang organisasyon at makamit ang kanilang mithiin na para din sa sambayang Pilipino.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA…

    KAWIKA

    Ang wikang Pilipino ay sadyang ginagamit madalas ng mga nakatira sa Pilipinas ngunit sa nakakalungkot man isipin na hindi buong Pilipinas ang marunong magsalita ng ganitong lenggwahe dahil sa ating bansang Pilipinas ay tila napakadaming lenggwahe na syang iba iba at mahirap kung minsan unawain.

    Kung kaya’t sa organisasyong KAWIKA tayo ay magkakaisa upang mapalaganap ng mas maayos dito sa Pilipinas ang lenggwaheng ito sapagkat nararapat lamang na sa sarili muna nating bansa ipalaganap ang mithiin na ating hinahangad upang hindi magiging masyadong komplikado ito sa paglalaganap natin sa buong mundo.

    Ako ay nakikiisa sa layuning hinahangad ng grupo sapagkat wala naming mali dito dahil ang ibang bansa din naman ay may parehong layunin na ipalaganap din ang kanilang sariling wika, hindi kataka taka na makabuo ng ganitong grupo sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay nagtratrabaho sa ibang bansa kung kaya’t sa pamamagitan nila maipapalaganap din natin an gating sariling wika.

  • Anica Iarra Valdez Miranda  On December 20, 2010 at 7:49 am

    Ang “Mali Sya” ay ang pagpapakita ng masamang hangarin sa kapwa. Kung papansinin natin ang pamagat ng dula ay may dalawang salita. Ito ang “mali” at “siya”. Hindi kaya’t dahil dito kung bakit nabuo ang salitang malisya?

    Ang senaryong aking kinagiliwan sa kwento ay ang pagpapanggap ni Maki na isang tunay na lalaki. Kapag may kasama siyang babae ay nagpapanggap siyang lalake, ngunit sa totoo lamang ay gusto nyang tumili kapag nakikita nya ang crush nya sa eskwelahan. Para sa akin, ito ang nakakuha ng aking atensyon sa dulang ito.

    Ang mga nakatagong isyung panlipunan na nakita ko sa dulang ito ay ang pangkukutya ng mga tao sa mga babaeng maagang nabubuntis. Tila binabansagan agad nila ng masasamang pangalan ang babae na nabubuntis ng maaga. Kung kayat kung minsan, ito ay nagreresulta sa mas masama pang epekto.

    Ang pagkakamali ay isa sa mga katotohanan ng buhay na makikita natin araw araw sa ating paligid. Ito ay binigyan diin sa dula sa pamamagitan ng pangmamahal sa maling tao, pagbubuntis ng maaga, at ang padalos-dalos na pagdedesisyon sa problema.

    Masasabi kong ang dula ay binase sa katotohanan. Dahil ang mga bagay na ipinapakita rito ay sadyang nangyayari sa ating buhay. Madalas natin itong marinig sa ating paligid. Ang iba sa atin ay may mga kaibigan ng nakaranas nito. Kung kaya’t para sakin ay hindi ito kathang isip lamang.

    Tayo ay mga tao lamang, at madalas tayo ay nagkakamali sa ating mga desisyon. Kung kayat, sana ay huwag tyong padalos dalos sa ating mga ginagawa at pagisipan muna nating mabuti ang mga bagay bagay bago natin ito bigyan ng aksyon. Ito ang mensahe na nais kong dalhin habang buhay.

  • Aila Marie Peñaflor  On December 20, 2010 at 8:03 am

    Aila Marie Peñaflor
    1H1, BSM- IB

    Bata, Anong Nilalaro Mo?
    1.) Tungkol saan ang sanaysay?
    Ang sanaysay ay tungkol sa malaking pagbabago sa panahon ngayon. Iba’ng-iba na ang mga kabataan ngayon, lalo na ang mga hilig at ang mga pinagkakaabalahan nila. Ito ay dahil sa mga moderno at makabagong teknolohiya.

    2.) Anong matatagpuan mo sa loob ng sanaysay na ito?
    Inilarawan ng sanaysay na ito ang unti-unting pagkalimot ng mga kabataan sa mga larong pinoy tulad ng sipa, taguan, mataya-taya at marami pang iba. Masyado na silang nahuhumaling sa paglalaro ng mga computer games na hindi naman halos nakakapagdulot ng maganda sa kanila. Kung ikukumpara ang mga computer games ngayon sa mga larong pinoy ay sadyang mas mainam naman talaga ang mga larong pilipino, at ito’y dahil na rin sa parte na ito ng ating kasaysayan. At dahil roon marapat lang na mas bigyang pansin ang sariling atin at ang mga larong pilipino.

    3.) Sanaysay:

    “Taym pers muna”

    Taym pers, ito ang salitang ginagamit ng mga kabataan noon upang itigil muna ng panandalian ang kanilang laro. Teka parang hindi ko na naririnig ang katagang ito sa mga kabataan ngayon, mas madalas kong naririnig ang kanilang kaingayan sa mga computer shop at minsan pa nga’y may mga naririnig akong mga kabataan na napapamura kapag sila ay natatalo sa kanilang laro. Ano na ang nangyari sa noon ay napakasaya at napakamakabuluhang mga laro ng ating mga kabataan? Noon ay simple lamang ang mga bagay-bagay kapag nakahanap ka ng isang bakanteng lote at yeso ay maaari na kayong makapaglaro ng piko, ngayon kailangan mo pang dumayo at gumastos ng pera upang makapaglaro ng mga online games sa isang internet cafe. Marahil ay totoo nga na unti-unti ng nakakalimutan ng mga kabataan ang mga larong pilipino, ni hindi na nga siguro sila pamilyar kung anu-ano ang mga ito. Mas mainam sana kung mapapangalagaan at mapapanatili pa nating ang mga larong iyon dahil ang mga ito ay parte na ng ating kultura at kasaysayan. Ang mga larong pinoy ay isa rin sa mga pagkakakilanlan natin bilang isang masayahing bansa at bilang mga katangi-tanging pinoy. Sana ay mas tangkilikin ito ng ating mga kabataan. Ako mismo noon ay nakapaglaro na rin ng mga laro tulad nga langit-lupa, taguan, piko at sipa, masasabi ko na lubos akong nasiyahan sa paglalaro ng mga iyon. Kaya ngayon ako’y lubos na nagtataka kung bakit tila hindi na binibigyang pansin at pinahahalagahan ng mga kabataan ang mga larong ito. Siguro nga’y ito ang isa sa mga masasamang epekto ng modernong teknolohiya. Kung dati-rati’y masisilayan mo ang mga bata na nagtatakbuhan sa lansangan, ngayon ay mas pinipili pa nilang magkulong sa kwarto at humarap na lamang sa kanilang kompyuter. Dati ay nagsisilbing ehersisyo ng mga kabataan ang paglalaro pero ngayon halos karamihan ay nagiging tamad, walang ehersisyo, pahiga-higa na lamang sa bahay at magdamag na tumutunganga sa harap ng kompyuter.

    Taym pers na nga ba muna talaga tayo sa mga larong pinoy? Itititgil na nga ba natin ang paglalaro ng mga iyon? Hello sa mga makabagong computer games at paalam na nga ba ng tuluyan sa ating sariling mga laro?

    Ako’y umaasa na hindi naman natin lubusang kalimutan ang ating sariling mga laro. Sana ay matapos na ang ating kakataym pers at muli nating ipagpatuloy ang larong pinoy.

  • Clarissa Parungao  On December 20, 2010 at 9:19 am

    Clarissa J Parungao
    IHI – IB

    Ang tagpong aking nais ay iyong banding huli ng kwento/dula. Ang mga tauhan sa kwento ay namulat na sa kanilang ma pagkakamali at handang ituwid iyon. Sa umpisa ay puro maling desisiyon ngunit sa kalaunan ay nagawa ni Presila na ituwid ang pagkakamaling iyon.

    May mga bagay tayo dito sa mundo na sa simula palamang ay kinakailangan na ng pasensya at pag titiyaga, unang una na dito ay ang kinababaliwan ng lahat na pagmamahal. Kung mahal mo talaga ang taong iyon ay pag aralan mong mag tiyaga at mag hintay. Ilan sa mga aral na aking natutunan sa Captive at Malisya.

    Unan una sa aking listahan ay ang pagiging mapusok ng kabataan na nag dudulot ng early pregnancy, marahil nga ay mataas ang kuryosidad nila at nagawa nila ang ganung bagay, o dahil na rin sa pagkabulag nila sa pagmamahal, ngunit sabi nga sa kwento ay matututo tayong mag-isip, hwag padalos dalos dahil, bilang isang kabataan na pag asa ng ating bayan ,responsibilidad natin na iaangat an ating ekonomiya at hindi ang maging dahilan ng pagbagsak nito. Pangalawa ay ang diskriminasyon sa mga kaibigan nating bakla. Sila’y may puso rin at may karapatan din bilang tao na mag mahal , ngunit para sa iba , sila’y tila salot ng lipunan. Kayat ganun nalang sila pagtawanan at saktan. Pangatlo ay ang child abuse, ang guro ,bilang pangalawang magulang ,ang dapat na nagiging mabuting ehemplo at imahe sa mga kabataan, ngunit tila nasisira na ito ngayon, sa ipinakita roon. Si Sir Francis ay isang gurong di dapat tularan. Ang pag papa abort ay walang magandang maidudulot, wag nang pangalawahan pa ang pagkakamaling nagawa, biyaya ito ng panginoon kayat magalak ka at maging responsableng kabataan.

    Ang tao ay sadyang sakim, ngunit ang salitang ito ay malayo sa depenisyon ng pagmamahal. Tulad na lamang nang triangulong kwento ng kabataan sa Malisya, nagawa nyang lokohin at pag taksilan ang napupusuan dahil na rin sa sakim nyang pag mamahal, buti nalamang ay nagising ang isa sa kanila sa katotohanan at ang kaisa isang kabatang iyon ay sya si presila, nagkamali man sumubok pa rin syang wag pangalawahan an pagkakamaling iyon..

    Ang dulang aming nasaksihan ay isang mensahe, kung ito’y ipinahayag sa pamamagitan ng ma salita sa libro ay marahil kakaunti lamang ang makaka basa ng mensahe, kayat akoy natutuwa dahil ito’y ipinahayag nila sa amin ng di naming nalalaman. Para bang nanunuod lamang kami ng palabas ngunit sa parehong sitwasyong kami rin ay nakakalikom ng mga aral

    Ang dula ay isang mensahe sa aming mga kabataan, dahil nga kamiy kabataan at mapusok, ay di na naming nagagawang pang pag isipan ang kung anu mang desisyong aming pinipili at ginagawa sa pang araw araw. Ang mga sitwasyon na isinagawa sa play ay ilan lamang sa mga pinag dadaraanan ng isang kabataan, mapa babae, lalaki, o bakla man ito pare pareho ang pag subok na kanilang nararanasan, kailangan lamang nila nang wastong desisyon upang sila’y mag tagumpay , di man magtagumpay ay importanteng magsilbong aral ang nagawang pag kakamali at maging responsible para dito. Dagdag pa sa aral na aking natutunan ay wag maging bulag sa pagmamahal, wala itong maidudulot na maganda, gamitin ang puso gayun din ang utak. Huwag mag papadala sa tukso bilang isang kabataang mapusok, kung mahal mo talaga ang isang tao ay matuto kang maghintay, ang respeto ay kailangan din sa isang relasyon, bukod sa pagiging tapat.

    “Ang pag aaral ang dapat na pinag tutuunan ng pansin sa eskwela hindi ang ibang kalandian”….

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 8:05 am

      “Ang pag aaral ang dapat na pinag tutuunan ng pansin sa eskwela hindi ang ibang kalandian”….tama…

  • Anika Suravilla  On December 20, 2010 at 9:23 am

    1C1 ANIKA SURAVILLA

    1. Anong senaryo o tagpo ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    * Ang senaryo na aking kinagiliwan ay ang pagtapat ni Macky kay Noimy na siya ay isang bakla. Kinagiliwan ko ito dahil hindi lang basta basta nagagawa ng tao ang pagamin na kabilang siya sa 3rd sex. Dahil una sa lahat katauhan niya ang nakasalalay dito. Pangalawa ang buhay niya ay nakasalalay din dito dahil may mga taong sadyang masama ang ugali at kapag ito ay nalaman nila puwede ka nilang pagtripan ng sobra sobra baka ito ay puwedeng maging sanhi ng kamatayan.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa- isahin.

    * “Premarital Sex”
    * Diskriminasyon

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at ipaliwanag.

    * “Ang pagbubuntis ng maaga” – Ito ay kitang kita sa kabataan natin ngayon. Sa murang edad na 14, sila ay nabubuntis.
    * “Ang pagaabort ng bata” – Ito ang nakikita nilang pinamadaling solusyon upang takasan ang ganitong problema. Ito rin ay nakikita nilang isang alternatibo kung hindi nilang kayang buhayin o panindigan ang dinadalang sanggol sa sinapupunan ng ina.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    * Ang dula ay pulos katotohanan dahil parang dinudula na rin nito ang kabataan ngayon. Kung ano makikita sa kabataan ay makikita sa dula. Konti man lang ang naipakita sa dula ngunit isa to sa mga problema natin na kailangan bigyan dapat ng solusyon para sa ikabubuti ng ating kabataan.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    * Ang mensahe ang nais kong dalhin habang buhay ay matutong magdesisyon mabuti. Tignan kung anong epekto nito kung makakabuti ba ito o hindi. Wag magdesisyon para sa ikabubuti mo lang lamang, kung di dapat para sa ikabubuti ng lahat. Matutong panindigan ang desisyon dahil may kalayaan kang magdesisyon para sa sarili mo. Pinili mo yan, panindigan mo.

  • Anika Suravilla  On December 20, 2010 at 9:27 am

    Online Class
    Mga Salitang banyaga na Pinoy
    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    -Tinatalakay ni VM Reyes ang mga salitang hiram na ginagamit pa din ngayon ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, pinamana sa atin ng ating mga lolo’t lola, nanay at tatay ang mga salitang banyaga o hiram na hanggang ngayon ay naririnig pa rin natin at ginagamit sa pang araw araw.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    -Ang sanaysay na ito ay maimpormasyon tungkol sa mga salitang banyaga, naghahatid ng kaalaman sa mga mambabasa katulad naming mga estudyante. Maingat na pinili ang mga pananalita ng manunulat.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA…

    “Anak, paki kuha nga yung aklat sa ibabaw ng lamesa” Yan ang utos ng aking nanay, tuwing sinasabi niya ang libro, nagtataka ako kung bakit libro ang tawag samantalang aklat naman ang pinagaaralan namen sa aming eskwelahan. Isang araw ay tinananong ko ang aking ina kung bakit libro at hindi aklat ang kadalasan niyang sinasabi. Yun pala ay libro ang tawag sa espańol at sa atin naman ay aklat. Noong kapanahunan daw nila, noong may espańol pa na sabjek ay marami daw pagkakapareho sa mga salita katulad ng lapis na sa atin ay lapis, kama na hango sa salitang espańol na cama. May mga salita pa den tayo na ginagamit na hiniram natin sa mga kastila. Katulad ng pero, noche, grande, padre, madre, telepono, mundo, agua at marami pang iba.

    Sa araw araw na tayo ay nakikipagusap sa ibang tao, nasa bahay man, eskwelahan, simbahan, mall o kung saan man ay dala dala na natin ang salitang banyaga na ating ipapasa din sa susunod na henerasyon.

  • Shayne Alendri Macaisa  On December 20, 2010 at 12:22 pm

    Ang napili kong sanaysay ay “Mga Salitang Tila Malayo Nguni’t Malapit Rin” ni Francis Murillo Emralino.

    1. Ang sanaysay ay tungkol sa pagkakaiba ng mga salita ng bawat Pilipino lalo na sa Timog Katagalugan. Ipinahayag ng may-akda ang mga natutunan niya noong namalagi siya sa batangas. Inilahad niya ang mga salitang natutunan at ilang karanasan at natanggap niya noong namalagi siya sa Batangas.

    2. Matatagpuaan sa sanaysay na ito ang pagkakaiba ng wika ng mga taga-Timog Katagalugan sa ordinaryong Tagalog. Bagama’t magkakaiba pa ang tawag o salita, iisa pa rin ang kahulugan nito. Magkakalayo man o magkakaiba ng wika, lumipat ka man sa isang lugar na may ibang kultura, dapat ay pag aralan ito upang magkaintindihan ng kausap. Mas magiging malalim ang bokabularyo kung aaralin ang mga wikang ito.

    3. Ako ay isang kabataan na lumaki sa probinsya. Batangas ang kinalakihan at kinagisnan ko. Dito ipinanganak ang mga kaninunuan, lolo’t lola, at mga magulang ko. Hindi nakapag tataka kung pati ako ay nakuha ko ang mga salitang hindi maintindihan ng mga taga-Maynila, ahil inaamin kong may mga sariling salitang ginagamit ang mga taga-Batangas o Batangueño.
    Ilan lang mga salitang “guyam” o langgam, “ga” o ba, “pirit” o maliit, at “amos” o may dumi sa mukha at marami pang iba. Bagama’t nakatira na ako ngayon sa Makati upang mag aral, hindi ko pa rin maiwasan na gumamit ng mga salitang Batangueño. Minsa’y naranasan kong mag sabi ng isang salita sa isang kaklase at pagtanungan kung ano ang ibig sabihin noon, napa-unti na lamang ako. Naisip kong hindi nga pala taga-Batangas ang mga kausap ko.
    Kaya’t sa tuwina’y mag makakausap akong Batangueño, mapapangiti na lamang ako dahil nakikita ko ang sarili ko sakanila. Sa ilang buwan na pamamalagi ko sa Makati, tukoy ko na kung sino ang mga galing Batangas. Mga pasigaw kung magsalita, may punto, at matalas ang dila.
    Bagama’t galing ako sa ibang bayan o probinsya, sariling wika pa rin ang ginagamit ko. Dahil ang Filipino ang medium ng Pilipinas, marapat lamang na ito ang gamitin ko upang makipag-usap sa mga taong nasa paligid ko.
    Magkakaiba pa man tayo ng kultura, sariling wika pa rin ang mananaig sa bawat Plipino.

  • misakishimizu  On December 20, 2010 at 12:35 pm

    Bata, Anong Nilalaro mo?
    1. Ang sanaysay na pinamagatang “Bata, Anong Nilalaro mo?” ay tungkol sa pag-usbong at pag-unlad ng makabagong laro na gamit ang teknolohiya at paglimot sa makalumang larong Pilipino kung saan mas marami itong naituturong magagandang asal at aral sa mga kabataan.

    2. Ang natagpuan ko sa sanaysay na ito ay ang pagkakalimot sa mga larong atin nang nakagisnan noong tayo ay mga bata pa lamang tulad ng piko, patintero, tumbang-preso at iba pa. Kung hindi dahil sa mga larong Pilipinong ito hindi tayo magkakaroon ng mga magagandang asal na tila naituturo ng mga larong ito tulad ng pagtulong sa kapwa at pagiging “sports”. Isa lamang ito sa mga naituro sa atin nang ating mga alam ng laro noon pero habang tumatagal ang panahon, umuusbong na ang teknolohiya kung saan lahat na ng laro na ating kinagisnan ay isang pindot na lamang sa computer at ito ay malalaro na. Ito ang naiidudulot ng kaunlaran sa agham at teknolohiya.

    Sa panahon ng makabagong henerasyon tila marami na ang mga naiimbento na teknolohiya na nagpapadali ng buhay ng isang tao. Isang pindot lang at lahat ng gusto o kailangan ay lalabas na. Masarap nga naman ang pagtagal ng panahon ngunit hindi natin alam kung hindi dahil sa lumang mga bagay na ating nagawa, nagamit at napakinabangan hindi din makakaisip ang ibang tao ng mas maunlad na mga maiibento para mas mapapadali ang buhay. Ngunit tila tayo ay nakakakalimot sa mga lumang gawain na ating nakagisnan na.

    Maraming laro ang ating nang nalaman noong tayo ay bata pa lamang. Di lamang sa panahon natin ito nalaro ngunit ito ay galing pa sa mga ninuno natin na unang mas nakaaalam o nakalaro nito. Ang mga larong atin na ating nakaraan ay ang larong piko, tumbang-preso, sipa, patintero, at iba pa. Ito ay ang mga larong nakalimutan na ng mga tao dahil sa teknolohiyang unti unting umuunad sa bawat pag tagal ng panahon. Ngunit hindi natin namamalayan na porket madali na lahat ng ginagawa ngayon dahil sa teknolohiya nakakalimutan na natin matutunan ang mga aral na dapat nating natutunan sa tunay na buhay. Sa paglalaro ng mga katutubong palaro na ito natutunan natin na tanggapin ang ating pagkatalo, matutong magpakumbaba at higit sa lahat matutong magmahal sa kapwa natin. Isa lamang ito sa mga aral na natutunan natin sa kultura ng Pilipino. Subalit sa teknolohiya kung saan nalalaro na din ang ibat ibang laro hindi natin nalalaman kung ano nga ba ang kahalagahan ng paglalaro ng aktwal kesa paglalaro gamit lamang nag computer.

    Sa paglipas ng panahon at pagunlad ng mundo, ating nang nakakalimutan an gating mga nakagisnang gawain noong tayo ay bata pa, ngunit hindi natin nalalaman na an gating mga nakagisnan ay may mga aral na itinuro satin para tayo ay maging isang mabuting Pilipino. Subalit, ano na nga ba ang nangyayari sa mga tao ngayon tila sa paglipas ng panahon nakakalimutan na nating balikan ang ating mga larong nature ng mga mabubuting asal sa atin. Maibabalik pa nga ba ang dating kulturang Pilipinong tila nagbigay ng magagandang asal sa bawat Pilipino?

    TAN, ANGELICA S
    1C1

  • Marie Yaesa Loren L. Rivera  On December 20, 2010 at 12:47 pm

    Rivera, Marie Yaesa Loren L.

    1J1- BSM- Corporate Business

    Malisya:

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang tagpong labis kong nagustuhan ay ang paninindigan ni Puresa na huwag ipalaglag ang batang nasa tiyan nya. Ang senaryong ito ay nagpapakita ng isang mabuting desisyon sapagkat mas pinili ni Puresa na hindi na ulit magkamali sa mga desisyon nya sa papamagitan ng hindi pagpapalaglag sa bata. Ang tagpong ito ay nagpamulat saakin kung gaano dapat natin pahalagahan ang buhay lalo na ang buhay ng mga walang muwang na bata. Ang desisyon na ginawa ni Puresa ay naaayon sa banal n autos n gating diyos. Ang pagkakamali ni Puresa na sya’y nagpabuntis ay nagpapakita ng posibleng mangyari sa mga kabataan katulad ko kapag hindi nag-iingat sa mga nangyayari sa aming kapanahunan ngayon. Minumulat tayo at hinuhubog sa pagpili ng tama at wastong desisyon.

    2 Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang mga isyung panlipunan na naipakita sa dula ay:

    • Isa na dito ang aborsyon sapagkat ito’y nagiging solusyon sa mga dalagang ayaw mapahiya at mapanidigan ang nagawa nilang di sinasadya na pagbubuntis.

    • Ang paglaganap ng Teenage pregnancy sa panahon ngayon. Ito’y naipakita at naipamalas ng husto sa play sa nangyari kina Puresa at Lyn. Dala ng tension at sexual urge, naibigay agad nina Lyn at Puresa ang kanilang katawan kay Rommel, na sya naming walang intensyong makabuntis.

    • Ang pagiging mapanghusga ng tao at ang paglaganap ng diskriminasyon sa lipunan. Paglaganap ng mga chismis sa tuwing may nagagawa tayo na bonnga na kasalanan katulad ng pagbubuntis sa maagang edad.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang katotohanan sa buhay at lipunan na naipamalas sa dula ay tulad ng aking sinabi ay ang maagang pagkamulat ng mga kabataan sa mga bagay tulad ng paglahok sa sexual intercourse o ang paggawa ng pre-marital sex na nagreresulta sa maagang pagbubuntis at pagdagdag sa ating naglalakihang populasyon . Isa pa sa mga naipamalas ay ang pagiging judgemental ng tao na nagreresulta sa diskriminasyon sa society. At ang pinakamalala ay ang aborsyon sapagkat ito’y tunay na nangyayari sa ating buhay at lipunan sa pamamagitan ng pagiisip ng ilan na ito ang tanging solusyon upang makatakas sa diskrasyang nagawa nila.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ito’y puro katotohanan sapagkat ito ay karaniwang nangyayari sa mga kabataan sa panahaon ngayon kung saan laganap ang modernisisasyon. Ipinakita sa dula ang realidad na nagyayari sa karamihan sa mga kabataan ngayon, teenage pregnancy at ang paglaganap ng iba’t-ibang abosyon clinic sa bansa.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang dulang ito ay nagpapakita ng iba’t-ibang reyalidad sa buhay. Ang natutunan ko ditto ay ang pagiging wais sa pagpili ng desisyon sapagkat sa bawat desisyon at pagpili mo ay may nakalaang consequence, ika nga nila, For every action, there’s an equal and opposite reaction. Mahalaga ang desisyon sa buhay sapagkat ito ang magdadala sa kapalarang nararapat sayo, maalwan man o hindi.

  • Louise del Valle  On December 20, 2010 at 1:29 pm

    Mga Salitang Banyaga na Pinoy

    1. Ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga wikang Filipino na kung saan ang ilan sa mga ito ay naging hango at patuloy na humahango mula sa mga wikang banyaga.
    2. Matatagpuan dito ang mga halimbawa ng mga salitang nanggaling sa banyaga, kung sa paanong paraan natin iyon nagagamit araw-araw, at kung paano rin nagbabago ang ilan sa mga kahulugan nito habang tumatagal ang panahon.

    3. Mga Salitang Banyaga ng Pinoy (sariling sanaysay)

    Noong ako’y hayskul pa lamang, madalas kami ng aking mga kamag-aral ay gumagamit ng wikang Filipino sa tuwing nagsasalita sa loob at labas ng aming klase, sapagkat ito lamang ang aming natural na lenggwahe sa aming paaralan. Hindi kami ang tipong kasali sa mga prestihiyosong mga pamantasan kung kaya’t hindi rin sa amin bagay ang mag-ingles inglesan para lamang magmukhang sosyal. Ngunit ako naman, kahit papaano, ay nagsasalita rin naman ng wikang ingles… kung nanaisin ko ito o yung tinatawag na ‘trip’. Sa katanuyan, taglish ang aking nagagamit sapagkat kalahating Tagalog (o Filipino) at kalahating Ingles ang aking napagsasalin sa aking mga sinasambit. Kagaya ng, “O ‘di ba, I’m a superstar talaga!” Oops. Biro lamang yan. Hindi ko pa iyan kalianman nasasabi sa aking talambuhay.

    Noong ako naman ay nag-enroll na sa Assumption College, ako ay medyo kinabahan dahil ang aking mga makaka-engkwentro na mga bagong kamag-aral ay mga mayayaman at mga tipong to the highest level talaga. Kaya’t sa unang araw ng aking kolehiyo, nagsimula akong mag-ingles… nagpakitang gilas upang maipakita na magiging isang ganap na Assumptionista din ako sa bawat araw na dadaan. Ngunit isang araw, noong klase namin sa Filipino 1, may sinabi ang aming professor… “’Wag kayong mangarap na magaling kayong lahat na magsalita ng ingles, dahil lahat tayo ay never magiging perfect sa paggamit ng ating grammar lalo na kung hindi rin natin alam kung paano gamitin ng tama ang salitang Filipino…” Napag-isip-isip ko sa sarili ko, tama nga siya. Sa oras na iyon, nagsimula akong ma-grammar conscious, dahil bakit nga ba gagamit ng salitang Taglish ang isang tao kung kaya naman niyang magsalita ng buong pangungusap na puro Tagalog, ‘di ba?

    Subukan nating isalin sa Tagalog ang salitang Superstar, mahirap nga naman isipin sapagkat tayo ay sanay na rin sa kaka-gamit ng salitang ito. Ito pa, toothpaste, calculator, dinosaur… kaya mo bang isalin agad sa salitang tagalog ang mga iyan? Oo? o Hindi? Sa tingin mo ngayon, may dapat kayang sisihin sa ganitong pangyayari? Marahil ay mayroon nga, at ito ay ang mga impluwensya ng mga banyaga sa ating bansa. May mga dahilanan naman din kung bakit tayo naiimpluwensyahan… iyon ay dahil sa naaaliw tayo sa kanila, at higit sa lahat, gusto nating makisabay sa uso ng panahon. Kung tutuusin, tayong mga Pilipino ang dapat sisihin dito. Dahil kung hindi lamang tayo naging pabaya, at nagpasawalang-bahala sa ating tunay na wika, edi marahil mas magiging disente pa pakinggan ang ating sinasabi lalo na kung diretsong tagalog ang ating maririnig sa ibang tao at pati na rin sa ating sariling labi.

    Na-grammar conscious ka rin ba? Sa totoo lang, hanggang ngayon ganoon pa din ang aking nadarama. Hindi naman iyon maiiwasan, ngunit kaya pa din naman ito baguhin sa kung ano ang nararapat. Hindi sa dapat na iwasan nating magsalita ng wikang banyaga ngunit dapat ay mas mag-ingat tayo sa bawat paggamit ng mga ito at ng ating wika. Sanayin natin ang ating sarili sa ganitong paraan sapagkat ang kinabukasan natin ay nakasalalay din sa ating pagkakatuto sa ating wika at pambansa.

    thank you sir!

    Advance Merry Christmas! :)

    • jsdlsonger  On December 20, 2010 at 2:47 pm

      napakahusay pala ng iyong guro sa FIL.1… SALAMAT SA KANYA.

  • Almira Grace Coo  On December 20, 2010 at 2:11 pm

    Bata, Anong Nilalaro Mo?
    1. Itong kuwentong ito ay tumatalakay sa mga nilalaro ngayon ng mga kabataan. Dito makikita ang epekto ng modernong teknolohiya sa mga kabataan.
    2. Dito makikita ang mga bagong pinagkakaabalahan ng mga bata. Ang pagkawala ng kulturang pilipino sa larangan ng laro. Kung gaano kaganda at kasaya ang mga laro noon at ang kagandahan ng mga laro dati.
    3. Ang mga Laro dati, muli nating sariwain.

    Naaalala mo pa ba ang iyong mga nilalaro noong ikaw ay bata pa? Ang napakagulo ngunit napakasayang laro? Kung ating matatandaan napakasaya natin sa tuwing tayo ay maglalaro. Kung ating matatandaan ang tumbang preso, patintero at taguan ang ating kadalasang nilalaro. Hindi ba’t kay sarap balik-balikan? Lalo na ang pagtatawag natin ng kakampi at kalaro. Ngunit ngayon hindi na natin kinakailangan tumawag ng kalaro dahil sa ating modernong teknolohiya.

    Ano na nga ba ang mga nilalaro ngayon ng mga bata? Sa panahong ito, kadalasan nating makikita ang mga bata sa mga computer shop. Ang mga nilalaro ng mga bata ngayon ay dota at iba pang bagong laro sa computer. Ang mga larong ito ay may masamang epekto sa atin. Ang hindi masyado pakikisama sa mga kapwa bata. Imbis na pakikisama ay ibinabaling nalang ang atensyon sa paglalaro ng computer. Dito natin makikita ang mga epekto sa ating kultura. Ang unti-unti pagkawala ng pagmamahal sa sariling kultura ay isa sa mga halimbawang nabanggit. Kailan ba natin maiisip na may mga masamang epekto rin ang modernong teknolohiya ngunit hindi sa lahat ng paraan ay masama ito. May mga trabahong napapadali dito ngunit dahil dito mayroon tayong mga bagay-bagay na nakakalimutan.

    • jsdlsonger  On December 20, 2010 at 2:45 pm

      “Ang mga Laro dati, muli nating sariwain.”—paano? kaya? wala na ang mga lugar kung saan maaaring maglaro…nakakapanghinayang…

  • Patricia Dayle S. Nunez  On December 20, 2010 at 3:30 pm

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    > Ang sanaysay na aking napili ay ang “Bata, Anong Nilalaro Mo?”. Ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga bagong henerasyon ngayon ng mga kabataan. Sinasabi dito na mas pinipili na ngayon ng mga kabataan ang mga “computer games” katulad na lamang ng Dota, Starcraft, at ang Heroes of Newerth pati ang makabagong pinaglilibangan ng mga kabataan, ang Playstation (PS2, PS3 at PSP), X-Box at Nintendo Wii at ang social networking sites gaya ng Friendster, Facebook at MySpace kaysa sa mga larong Panlansangan na makakatulong sa kanilang pangangatawan at pagpapatalas ng isipan katulad na lamang ng larong Patintero, Tumbang Preso, Langit at Lupa, at kung ano-ano pa.
    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    >Ang natagpuan ko sa loob ng sanaysay na “Bata, Anong Nilalaro Mo?” ay ang pagbabago ng henerasyon ngayon ng mga kabataan sa paghilig nila sa mga online games, sa mga social networking sites at pati ang mga larong Playstation, X-Box at Nintendo Wii. Hindi nila naiisip na mas makakatulong sa kanila ang mga larong panlansangan katulad na lamang ng patintero, Tumbang preso at Langit at Lupa. Itong mga larong ito ay makakatulong sa kanila na maslumakas pa ang kanilang mga pangangatawan at mas tumalas pa ang kanilang mga isipan. Dito rin nila matututunan na makipagkaibigan at makipagkapwa-tao sa mga tao na makakalaro nila. Ang mga matututunan nila dito sa larong panlansangan ay makakabuti pa sa kanila at ito rin ay nagsisilbi din na unang sabak ng mga bata sa pag-aaral ng kasaysayan at kalinangang Pilipino.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA.
    “Ang Henerasyon Noon at Ngayon”

    Sa henerasyon ngayon ng mga kabataan ay maraming dumadating na mga bagong teknolohiya. Kasali na dito ang mga online games at ang mga bagong gadyet na kinahuhumaling ng mga kabataan ngayon. Ang Dota at Starcraft ay iilan lamang sa mga online games na ikinaguguluhan ng mga kabataan at ang Nintendo Wii at X-Box ay iilan lamang sa mga gadyet na gustong laruin ng mga bata sa henerasyon ngayon. Itong mga sikat na laro ngaun ay ibang-iba sa mga henerasyon ng mga kabataan noon.
    Ang mga henerasyon ng mga kabataan dati ay mahilig sa mga larong Panlansangan. S mga larong Panlansangan ay maligaya na sila. Dito nila unang natutunan makipagkaibigan at makipagkapwa-tao. Sa pamamagitan ng mga larong katulad ng Langit at Lupa, Tumbang Preso, Tagutaguan, Patintero at marami pang iba ay natutunan nila ang salita na “teamwork” . Dito nila natutunan makipagtulungan sa kapwa nila at dito rin nila malalaman kung paano matalo at bumangon ulit. Sa bawat laro nila ay marami silang natututunan na iba’t ibang bagay na pwede nilang dalhin habang buhay.
    Ang henerasyon noon at ngayon ay malaki na ang ipinagkaiba. Noon na puro takpuhan at lata na natutumba ang naririnig mo, ngayon naman ay puro ingay sa computer ang maririnig mo. Sa bawat “Internet Café” na mapapasukan mo ay puro online games ang makikita mo sa mga “screen” ng mga bawat kompyuter. Dapat ay malaman din ng mga bagong henerasyon ng mga kabataan ngayon na masaya din ang paglalaro sa kalye dahil dito mo mararamdaman ang pagkabata mo at dito ay may matututunan ka na pwede mong dalhin hanggang sa paglaki mo.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 7:42 am

      may matututunan ka na pwede mong dalhin hanggang sa paglaki mo” : gaya ng ano?

  • Zel Austria Tandoc  On December 20, 2010 at 3:40 pm

    MALI SIYA
    1. Mga senaryo o tagpo sa dula na kinagiliwan

    Isa sa mga senaryo sa dula na aking kinagiliwan ay ang tagpo kung saan ipinagtapat na ni Macky sa kaibigang si Presa na siya ay isang bading. Kinagiliwan ko ang senaryong ito sapagkat sa tagpong ito nagustuhan ko ang uri ng pagkakaibigan na mayroon sina Macky at Presa – ang pagkakaibigang walang panghuhusga at pagtanggap sa kahit ano pa mang meron at kaugalian ng isang kaibigan dahil mahirap makahanap ng kaibigang katulad ni Presa na kayang tanggapin ang katauhan ng kanyang kaibigan.

    Ang isa pang eksenang aking nagustuhan ay ang senaryong kung saan ayaw tigilang kulitin ni Naomi ang kanyang napupusuang si Macky. Kinagiliwan ko ito sapagkat nakita ko kay Naomi ang katangiang hindi pagsuko sa kanyang kagustuhan. Determinado siyang gawin ang lahat para lamang makuha ang kanyang gusto – isang katangiang nais kung makuha sa kanya. Nakakabilib ding makita na mayroong mga lalaking katulad ni Macky na, kahit bading, ay nirerespeto at pinoprotektahan ang kababaihan katulad na lamang ng pagbibigay niya ng proteksyon kay Naomi sa kanilang propesor na malapitin sa babae at binansagang isang palikero dahil sa kanyang kakisigan.

    2. Ang isyung panlipunang naipakita sa dulang napili

    Isa sa mga isyung panlipunang naipakita sa dulang Mali Siya ay ang isyu ng maagang pakikipagtalik at pagbubuntis. Ito ang pinaka-importanteng isyung ipinapamalas ng dula. Hindi na nakakagulat na ang mga dulang kagaya ng nabanggit ay gustong imulat ang mga mata ng mga taong nanonood sa isyung ito sapagkat maraming Pilipino ang nagkakaroon ng anak sa maagang edad. Dahil dito, tumataas ang populasyon ng mga taong naghihirap sa bansa sapagkat wala silang trabaho – iba ay hirap makahanap ng trabaho o di kaya’y hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil naigastos na nila ang pera para sa kanilang pag-aaral para sa ikabubuhay ng kanilang anak.

    Ang kabaklaan ay isa ring isyung panlipunang naipamalas sa dula. Itinuturing itong isa sa paksa na kailangang talakayin sapagkat hindi lahat ng tao ay sumasang-ayon sa mga ganitong klaseng mga tao. Madalas ay sila pa ang nigiging biktima ng pagkukutya, at diskriminasyon. Hindi kaya ng mga taong ganito na ipamalas ang kanilang mga saloobin dahil alam nila na walang makakaunawa sa kanila. Tunay na ito ay isa sa mga importanteng isyung panlipunan na kailangang bigyang pansin ng mga Pilipino.

    3. Mga katotohanan sa buhay at lipunang naipamalas sa dula

    Naipamalas ng dulang Mali Siya na halos lahat ng tao ay nagagawa ang lahat ng bagay para sa taong kanilang minamahal kahit alam nila sa kanilang mga sarili na mali ito o taliwas sa mga tinuturo sa kanila ng kanilang mga magulang o mahal sa buhay katulad na lamang ng nangyari sa konserbatibong si Presa. Kahit alam niya na mali ang pakikipagtalik ng labas sa kasal, dahil mahal niya ang kanyang kasintahang si Romel, pumayag siya gawin ito.

    Isa pa ay lahat ng tao’y nadadala ng emosyon kahit pa ang pinakamabait na tao ay maaring mag-iba ang ugali dala ng kanyang emosyon. Hindi rin maiiwasan na makagawa ng hindi kanais-nais ang isang tao dahil na rin sa kanyang nararamdaman. Katulad na lamang ng ginawang pagdedesisyon ng unang kasintahan ni Romel bago si Presa. Matapos niya malamang buntis siya, dala ng emosyon, nagdesisyon siyang magpalaglag dahil hindi niya kayang buhayin ito at ikahiya siya ng kanyang mga magulang.

    At ang huling katotohanan sa buhay at lipunang naipamalas sa dula ay ang katunayang maraming pagbabago ang magaganap matapos ibigay ang sarili sa isang tao kapag hindi kayo kasal. Kakahiyan at diskriminasyon ang makukuha ng sinuman kung magdedesisyon silang gawin ito.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Maari nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan ang ipinapahiwatig at hindi kathang – isip lamang ng mga gumawa nito. Ang dula ay nakabatay sa totoong nangyayari sa ating lipunan – ang maagang pakikipagtalik at pagiging maagang ina. Hindi hinango ang dula sa imahinasyon lamang ng mga gumawa nito sapagkat ginawa nila ang dulang ito para ipakita sa mga manonood ang problemang nangyayari sa ating bansa.

    5. Ang mensahe ng dula

    Matapos mapanood ang dula, ang mensaheng aking napulot ay huwag padalos-dalos ang pagdedesisyon sa kahit anong bagay. Isiping mabuti ang mga bagay na gustong gawin kung ito ba ay makakabuti para sa sarili o hindi. Bigyan ng kaukulang panahon ang pagpapasiya lalo ng kung ang gagawing desisyon ay makakaepekto hindi lamang sa buhay mo kundi na rin sa ibang taon malapit sa iyo.

  • Shayne Alendri Macaisa  On December 21, 2010 at 1:21 am

    Ang napili kong sanaysay ay “Mga Salitang Tila Malayo Nguni’t Malapit Rin” ni Francis Murillo Emralino.

    1. Ang sanaysay ay tungkol sa pagkakaiba ng mga salita ng bawat Pilipino lalo na sa Timog Katagalugan. Ipinahayag ng may-akda ang mga natutunan niya noong namalagi siya sa batangas. Inilahad niya ang mga salitang natutunan at ilang karanasan at natanggap niya noong namalagi siya sa Batangas.

    2. Matatagpuaan sa sanaysay na ito ang pagkakaiba ng wika ng mga taga-Timog Katagalugan sa ordinaryong Tagalog. Bagama’t magkakaiba pa ang tawag o salita, iisa pa rin ang kahulugan nito. Magkakalayo man o magkakaiba ng wika, lumipat ka man sa isang lugar na may ibang kultura, dapat ay pag aralan ito upang magkaintindihan ng kausap. Mas magiging malalim ang bokabularyo kung aaralin ang mga wikang ito.

    3. Ako ay isang kabataan na lumaki sa probinsya. Batangas ang kinalakihan at kinagisnan ko. Dito ipinanganak ang mga kaninunuan, lolo’t lola, at mga magulang ko. Hindi nakapag tataka kung pati ako ay nakuha ko ang mga salitang hindi maintindihan ng mga taga-Maynila, ahil inaamin kong may mga sariling salitang ginagamit ang mga taga-Batangas o Batangueño.

    Ilan lang mga salitang “guyam” o langgam, “ga” o ba, “pirit” o maliit, at “amos” o may dumi sa mukha at marami pang iba. Bagama’t nakatira na ako ngayon sa Makati upang mag aral, hindi ko pa rin maiwasan na gumamit ng mga salitang Batangueño. Minsa’y naranasan kong mag sabi ng isang salita sa isang kaklase at pagtanungan kung ano ang ibig sabihin noon, napa-unti na lamang ako. Naisip kong hindi nga pala taga-Batangas ang mga kausap ko.

    Kaya’t sa tuwina’y mag makakausap akong Batangueño, mapapangiti na lamang ako dahil nakikita ko ang sarili ko sakanila. Sa ilang buwan na pamamalagi ko sa Makati, tukoy ko na kung sino ang mga galing Batangas. Mga pasigaw kung magsalita, may punto, at matalas ang dila.

    Bagama’t galing ako sa ibang bayan o probinsya, sariling wika pa rin ang ginagamit ko. Dahil ang Filipino ang medium ng Pilipinas, marapat lamang na ito ang gamitin ko upang makipag-usap sa mga taong nasa paligid ko.
    Magkakaiba pa man tayo ng kultura, sariling wika pa rin ang mananaig sa bawat Plipino.

  • Anna Virginia P. Santos  On December 21, 2010 at 6:25 am

    MGA SALITANG BANYAGA NA PINOY

    1. Tungkol saan ang sanaysay?
    Ang sanaysay ay tungkol sa mga salitang dayuhan na inaakala nating salitang atin na ginagamit natin sa pangaraw-araw na pamumuhay natin.
    2. Anong matatagpuan sa sanaysay na ito?
    Matatagpuan sa sanaysay na ito ang mga salita ng dayuhan, katumbas nito sa Filipino at ang kahulugan nito katulad ng:
    ~ para (salitang Espanyol na “parar”) – Ihinto
    ~ tambay (salitang Ingles na “stand-by”)
    ~ apir (salitang Ingles na “up here”) – ang madalas gawin ng mga magkakaibigang nagkakasundo
    ~ atbp.

    Maraming mga salita sa ating wika na galing sa salita ng dayuhan. Halimbawa: Tsanse, salitang Intsik na ang ibig sabihin ay sandok na ginagamit sa pagluluto ng itlog; Kalye (salitang Espanol “calle”) na ang ibig sabihin ay kalsada; at marami pang iba.

    Mabuti naman at may mga salitang dayuhan tayong naisasalin sa wika natin ngunit dapat ay mas gamitin natin ang ating sariling wika kaysa sa wikang dayuhan upang mas mapagyaman natin ito. Sa panahon natin ngayon ay maraming dayuhan ang pumupunta dito sa ating bansa na dahilan ng pagkakaimpluwensiya ng kanilang wika sa ating wika.

    Maraming Pilipino ang mas gumagamit ng dayuhang wika at ikinahihiya na ang pagsasalita ng sarilling wika. Dapat itong mapigilan dahil maaaring maging sanhi ito ng pagbagsak ng wika Pilipino. Dapat nating ipagmalaki an gating wika dahil dito nagsisimula ang pagkakaisa ng bansa!

  • VALBUENA, GENEVIEVE L.  On December 22, 2010 at 1:06 pm

    1. “Bata, Anong nilalaro mo?” – Ang sanaysay na aking nabasa ay tungkol sa pagbabago ng panahon. Ito ay tungkol sa tunggalian ng makalumang larong pinoy at makabagong larong elektroniko. Ang sanaysay ay may layunin na ipamulat sa kabataan ang kahalagahan ng larong makaluma at ang mga maganda dulot nito. Nais ng awtor na ibalik ang larong makaluma sa araw araw na pamumuhay ng mga kabataan. Hindi ito sangayon sa nangyayaring paglaganap at pagiging populat ng computer games and mga elektronik. Ang sanaysay ay tungkol sa paglimot ng kabataan sa tradisyunal na laro ng mga Pilipino.
    2. Matatagpuan sa sanaysay ang mga makabagong laro at mga interest ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Matatagpuan din dito ang mga makaluma at tradisyunal na laro noong unang panahon pati na din ang mga magagandang dulot nito. Masasalamin mo sa sanaysay ang pagiging lubos na makabayan ng awtor, sapagkat nais niyang ipaalala at ibalik ang nawalang tradisyon at laro sa mga kabataan. Matatagpuan din sa sanaysay ang malaking kaibahan sa makabago at makalumang laro. Higit sa lahat, maipamumulat ng sanaysay sa mga kabataan ang tunay na kahalagahan ng pag-alala sa sinaunang laro.

    Ang kabataan Pilipino at makabagong teknolohiya

    Naranasan mo bang maglaro ng larong panlansangan? Madudungisan dahil sa larong tumbang preso, patintero, piko, teks, pog, tagu-taguan, sipa, luksong lubid, sungka, yo-yo, holen at iba pa? Naranasan mo pa bang makapaglaro ng mga larong nabanggit noong ikaw ay bata pa? Alam mo pa ba ito? May halaga pa ba ito sa iyo? Ano na ang nilalaro mo ngayon, bata? Ikaw ba ay nalulong na din sa makabagong teknolohiya?

    Dota, Counterstrike, Ragnarok, battlefield, Starcraft – ito ba ay pamilyar sayo? Marahil oo. Ito na kasi ang uso ngayon. Iilan ba ang mga kabataan na hindi marunong ng mga larong ito? Pagkatapos ng eskwela, diretso sa computer shop para lang makapaglaro. May iba pa na hindi na nakain para lang magamit ang baon sa pagdodota. Ilan na ang nagkaaway dahil sa pagalingan sa pahangaan sa couterstrike? Ilan na ang nagbreak na magsyota dahil sa pagkaubos ng oras ng lalaki sa paglalaro ng computer games? Sa panahon ngayon, facebook multiply at friendster ang paraan ng pag-uusap at komunikasyon ng mga tao. Dito may mga chismis na kumakalat at lahat na. Sa makabagong teknolohiya din ay natututo ang mga kabataan ng karahasan. Maaaring natutulungan nga tayo at napapadali ang buhay natin ng makabagong teknolohiya, ngunit bakit nakalimutan na ang tradisyunal na laro ng mga Pilipino?

    Ating ibalik ang nawalang halaga ng larong pinoy. Hindi pa naman huli ang lahat. Alamin natin ang may mas higit na importansya, at iyong ay ang mga tradisyunal na laro na nagturo sa mga bata ng maayos na pakikitungo sa kalaro at iba pang mga magagandang asal. Ikumpara nating ang mga asal na nakukuha sa makaluma at makabagong teknolohiya, hindi ba’t mas madami pading mapupulot mula sa tradisyunal na laro? Kabataan, gumising ka, ibalik at bigyang importansya ang unti-unting naglalahong kahalagahan ng larong pinoy.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:54 am

      Ating ibalik ang nawalang halaga ng larong pinoy. Hindi pa naman huli ang lahat. : hindi pa ba huli?

  • Katon Triccia Elodie S.  On December 24, 2010 at 11:22 am

    1.Ang tagpong aking kinagiliwan ay matatagpuan sa unang dula na kung saan natin matatagpuan ang eksenang nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng paghanga ng binata sa munting dalagita. Ito ang aking napili sapagkat madiing isinasaad nito na huwalang anumang maaaring bumalakid sa buhay pag-ibig. Lahat ng tao ay maaaring magmahal at mahalin. Maging ang mga magaganda ang mga pangit matangkad maliit matanda bata o maging ang mga taong wirdo ay maaring ring magmahal. Dito sa dulang to naitampok ang mumunting kwento na ikinatuwa ko nang lubusan sapagkat ipinamalas nito na huwalang imposibleng manyari kung ikaw lamang ay may pagtitiyaga at kung totoo ka sa ginagawa mo. Sa una ay naging mapangahas ang paraan ng binata upang mapasaknya ang dalagita ngunit dahil sa tunay na pagmamahal ang nadarama ng binata sa dalaga hindi nagtagal at ang dalagita ay napaibig na ng binata.

    2. Kung atin lamang iintindihin ang unang dulang ating napanuod, mapagtatanto natin na sa panahon ngayon ang mga tipong lalaki ng mga kababaihan ay yung ‘cool’, ‘bad boy’ at ung malakas ang karisma. Ngunit dahil sa dulang ito namulat nito ang aking mga mata sa katotohanan na sa pag-ibig ang panlabas na kaanyuan ay hindi nararapat pagbasihan ng pagmamahal. OO, malakas ang kontribusyon ng panlabas nating kaanyuan o ang tinatawag nating ating mga hitsura, subalit huwag natin itong gawing dahilan para masabi nating mahal na natin ang isang tao. Laging tandaan na ang pagmamahal ay nasa puso at huwala sa panlabas na kaayuan. Aanhin mo ang gwapong lalaki o ang npka gandang babae kung ang ugali naman nito ay magaspang. Sapat na ang hindi masyadong kagwapuhan o kagandahan kung ang tunay na pag-ibig naman ay ating nararamdaman.

    3.Kung ikaw ay isang single natanong mo na ba sa iyong sarili kung kailan ba darating ang tam,ang taong magpapaibig at iibig sa akin?Sa panahon ngayon tayong mga kabataan ay mahilig manghusga nang kapwa. Masma subalit hindi maiiwasang gawin. Tayo rin ay naging mapangkutya sa taing kapwa na siyang mali. Pero hindi rin natin alam na bawat pintas na nagagawa natin sa ating kapwa malay mo siya na pala ang para sa iyo. Sa araw araw na ginawa ng Diyos para sa atin, marami tayong nakakasalumuha na mga tao. Kung minsan siya ay nasa ating mga buhay na pinapakawalan lang natin na nagiging sanhi ng pagsisisi sa huli. Ngunit ang buhay ng tao ay likas nang mapaglaro na kinakailangan pang masktan ng husto para lang malaman na mahal mo na pala ang isang tao. Kung atin lamang iisipiun ng mabuti ang mga problemang narating sa ating buhay ay laging may kasagutan sa ating mga katanungan. Ako amininado ako na minsan na rin akong nagsisi sa aking naging desisyon ngunit sa huli naging masaya ako sapagkat dahil sa pagkakamaling nagawa ko ay may napulot akong leksyon na madadala ko habang buhay.

    4. Para sa akin, ang dula ay may iba ibang kwento maaring ito ay katang isip lamang ngunit kung minsan naman ito ay sadyang nagsasabi lamang ng katotohanan. Para sa akin ang dulang aking napanuod ay isang katotohanan kung atin lamang imumulat ang inyong mga mata sa kasalukuyan ating malalaman na ang konseptong napanuod natin mula sa dula na iyon ay galing sa pangyayari sa ating mga buhay. Hindi ko/namin magugustuhan ang dula kung hindi ako/kmi nakarelate sa istorya ng dula. Kami ay nasiyahan sapagkat marami kaming napulot na aral sa dula na maaari naming maging palaisipan pagdating ng mga problemang amin pang haharapin. Kami ay masyado pang bata para masabing marami na kaming naranasang hirap sa buhay. Sabi nga na ang totoong buhay ay nagsisimulapa lamang sa idad na 40.

    5. Ang mensahe lamang na aking maibabahagi sainyo ay kung kayo ay nalulumbay sa kadahilanan ng huwala pang minamahal sa buhay huwag nang malungkot sapagkat ang tunay na pag-ibig ay hindi hinahanap o hinihintay ito ay kusang dumarating sa ting buhay. Kung minsan kung iyon ay ating hahanapin o hihintayin ang pag-ibig ay nagiging mailap sa atin. Tanging ang Panginoon lamang ang nakaaalam nang lahat lahat tungkol sa ating buhay mging ang ating buhay pag-ibig ay kanyang nalalaman. Kung ikaw ay single pa sa mga panahong ito huwag nang mangamba at iyon ay darating din sa tamang oras at panahon. Kung ikaw naman ay nasktan na huwag iyon ang gawing dahilan sa raso na ayaw ng umibig sa halip ay iyon ay iyong gawing leksyon sa buhay at magpasalamat dahil doon maaaring maging matatag ang iyong katauhan. Ang buhay pag-ibig ay mistulang gulong minsan ay nasa itaas at kung minsan naman ito ay nasa ibaba. Huwag lamang susuko at panatiliing may sapat na tiwala sa Panginoon huwala ka nang ikababahala roon. Basta kapag iibig ka laging tandaan na isang relasyon mas maayos na ang nasasaktan sa katotohanan kesa naman sa masaya sa kasinungalingan.

  • Anica Iarra Valdez Miranda  On December 25, 2010 at 6:37 am

    Mga Salitang Banyaga na Pinoy

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    Ang sanaysay ay tungkol sa mga salitang banyaga na kinagisnan ng gamitin ng mga Pilipino sa kanilang pang araw-araw na buhay at ang pagsasalin wika na nagsisilbing isang mahalagang instrumento upang mapanatiling maunlad at aktibo ang ating wika.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    Makikita sa sanaysay ang iba’t-ibang hiram o banyagang salita at sa paanong paraan ito ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pang araw –araw na buhay. Ang pagbuo ng bagong salita na hango sa ibang mga wika at ang pagbibigay ng kahulugan dito ng mga Pilipino at ay makikita rin sa sanaysay.

    3. Mga Salitang Banyaga na Pinoy (Sanaysay)

    Ang salitang pinagyaman ng ating mga ninuno. Ang salitang ipinaglaban ng ating mga mandirigmang bayani. Ang salitang nagpapatunay na tayo’y isang Pilipino. Hahayaan n lang ba nating madungisan ng mga salitang banyaga?

    Ang mga salitang ating ginagamit sa kasalukuyan. Di bat parang lahat ay nababahiran ng ng mga salita ng ibang lahi? Bakit ganito ang nangyari? Hindi ba natin pinapahalagahan ang salitang ating kinagisnan? Ang salitang tumulong satin upang makamit ang kalayaan? Hingil sa kaalaman ng iba, ngunit unti-unti na ulit tyong sinasakop ng mga banyaga sa pamamaraan ng pagsakop sa ating wika. Hindi ba kay pangit naman kung ang kagigisnan n gating mga anak ay puro salitang may dungis na ng mga banyaga?

    Kaya’t hinihikayat ko kayo ating mga kababayan. Na bagkos gumamit ng salitang may halong ingles at iba pa, ay pagyamanin na lamang ang iyong sariling wika. Malay mo sa simpleng bagay na gagawin mong ito, ay maging susi sa pag unlad ng iyong bansa na sa ngayon ay naghihingalo. Kayat anu pang hinihintay mo kaibigan? Kumilos ka. Ipaglaban ang iyong wika bago pa mahuli ang lahat.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:46 am

      Kaya’t hinihikayat ko kayo ating mga kababayan. Na bagkos gumamit ng salitang may halong ingles at iba pa, ay pagyamanin na lamang ang iyong sariling wika.: sana ay magkatotoo ito…at patuloy kang humimok ng mga taong magtataguyod sa wika…

  • Talipan, Mary Grace  On December 26, 2010 at 11:08 am

    Bata, Anong Nilalaro Mo?

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    Ang sanaysay ay tungkol sa mga nilalaro ng mga kabataan noon at

    ngayon. Binubuo ito ng mga iba’t-ibang halimbawa ng mga laro, mga

    larong makaluma at makabago. Sa sanaysay, nakita kong mag

    dalang pagkabahala ang awtor sa paglikha ng sanaysay na ito.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    Matatagpuan sa loob ng sanaysay ang epekto ng paglalaro ng mga

    makalumang laro at makabagong laro. Nag bigay din ng halimbawa

    ang awtor ng iba’t-ibang klasi ng larong pambata noon at ngayon.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA.

    Bata, Patintero o Plans vs. Zombies

    O kay bilis ng panahon, tila ang panahon ng aking kabataan ay

    sadyang unti-unti ng naglalaho. Dahil nga ba ito sa mga nagsi-usbong

    na teknolohiya? O sadyang mabilis lang talaga ang pagtakbo ng oras

    at panahon?

    Ang pag bilis ng panahon samahan mo pa ng pag-usbong ng

    teknolohiya ay dahilan kaya pakiramdam ko ay matanda na ako. Isa

    ako sa mga batang naglalaro ng patintero, paborito ko ang mga yan

    samahan mo pa ng tagu-taguan at ng 10’20 na laro. Ako ay 17-anyos,

    lamang pero pagdating sa usapang larong pambata, pakiramdam

    ko’y napakatanda ko na. Ito ay marahil hindi ko naranasang maglaro

    ng Plant vs. Zombies noong ako’y bata pa. Ngunit ako’ nagagalak at

    hindi ko inabutan ang panahon na ito. Balanse kong matatawag ang

    nagging buhay ko sa pag-lalaro. Naranasan ko ang saya ng mga

    lumang larong pambata ng mga Pilipino na siyang nagdulot ng

    masasayang alaala sa akin kasama ng aking mga kaibigan noon at

    kalaro. At para naman sa mga makabagong laro ay naranasan ko rin

    naman ito ngayong lumaki na ako ngunit wala paring kapantay ang

    mga nakasanayan kong mga laro kaysa sa mga Online o Computer

    games na nagkalat ngayon.

    Hindi na ako magtataka kung bakit marami ang hindi sang-ayon sa

    mabilis na pag-usbong ng teknolohiya sa mga panahong ito. Marahil

    para sa marami ay malaking tulong ito ngunit hindi parin natin

    maiiwasan ang hindi magandang epekto nito. Marahil ang dapat

    nalang natin gawin ay ibalanse ang lahat at huwag i asa sa

    teknolohiya ang lahat. Laging pakatatandaan na iba parin ang dulo’t

    na kasiyahan na mabibigay ng sariling gawa o makalumang gawa

    kaysa sa makabago nga ngunit hindi mo naman randam ang saya o

    galak kapag ito’y iyong talagang pinaghirapan.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:40 am

      Bata, Patintero o Plans vs. Zombies

      O kay bilis ng panahon, tila ang panahon ng aking kabataan ay

      sadyang unti-unti ng naglalaho.: maganda itong paksa,…

  • Dana Gyenes  On December 26, 2010 at 4:19 pm

    1. Tungkol saan ang sanaysay?
    Sir, Bakit Filipino? (Isang MedyongSeryosong Tanong)

    Ito ay tungkol sa mga Pilipinong hindi marunong tumangkilik ng sariling wika sapagkat kinasanayan nila ang wikang Ingles. Tuluyan na nilang nalimutan ang kahalagahan at pagkakaroon ng sariling wika.

    2.Anong matatagpuan mo sa loob ng sanaysay na ito?

    Matatagpuan dito na hindi mainam na ginagamit ang wikang Filipino sapagkat nababali ito dahil inaakalang naiintindihan ng lahat ang wikang Ingles dahil ito ay itinuturing na“Universal Language” pero hindi lahat nakakapagsalita at nakakaintinding Ingles. Karamihan sa ating mga manunulat ay gumagamit ng wikang Ingles upang madali lang natin mababasa ang mga akda ng akademiko. Bakit mas nais natin gumamit ng wikang Ingles? Dahil ba sa akala natin na kung nakakapagsalita o nakakapagsulat tayong Ingles ibig sabihin may kaalaman na tayo? O dahil tuluyan na natin nakalimutan ang pagkakaroon ng tradisyon sa sariling wika? Hanggang kailan tayo magpapasakop sa wikang banyaga? Nasa atin na kung ating isasalaysay ang ating kasaysayan sa wika ng ating pinagmulan.

    3.Gumawa ng sariling sanaysayna may parehong paksa.

    Naalala ko noong hayskul ako, may naging kaklase ako na banyaga na lumipat sa aming paaralan. Katabi ko siya tuwing oras ng aming klase sa Filipino. Wala siyang kaalam-alam sa aming tinatalakay kung saan kahit sa pagbabasa ng mga nobela ni Jose Rizal ay kanyang iinglesin para lang maintindihan niya ang nakapaloob dito. Madalas, kinakausap ko siya sa wikang Ingles dahil naiintindihan ko ang kanyang suliranin sa wikang Filipino sapagkat naramdaman ko rin ang kanyang pinagdadaanan. Aminin ko isa rin ako sa mga taong hirap makapag-intindi ng salitang Filipino sapagkat lumaki ako sa pamilyang nagsasalita sa wikang Ingles. Gayunpaman, kailangan ko matutong wikang Filipino para maintindihan ko ang mga tao sa aking paligid. Mula noon, hindi ako nagsisi na natuto ako dahil ito ay aking ipinagmamalaki sapagkat hindi na lamang ako magaling sa wikang Ingles,pati narin sa wikang aking pinagmulan.

    Patuloy tayo natututo at sinasanay natin ang ating sarili sa wikang ating kinalakihan. Pero, bakit natin ikinahihiyang magsalita ng wikang Filipino?Dahil ba mas gugustohin natin isipin ng iba na may kaalaman tayo o magmukhang sosyal dahil alam natin ang mga nasa nakatataas sa ating lipunan ay mga galante at mayayaman na taong nagsasalita sa ingles? Kung sabagay hindi natin maiiwasan ang mga ganitong bagay pero dapat bigyan-halaga natin ang ating sariling wika. Nagbago na rin ang sistemang edukasyon sa Pilipinas na naging pang akademikong Filipino na ang agham ng Kasaysayan kung saan madami sa mga estudyante ngayon ay umiiral sa desisyon na ipinatupad ng DepEd. Isa ako sa mga estudyante na di sumang-ayon dito sapagkat kinasanayan na naming wikang Ingles ang pagtuturo pagdating sa Kasaysayan, pero pagdating ng ika-apat na taon kung saan Ekonomiks na ang aming tinalakay,isinalin na ito sa wikang Filipino.

    Bakit Filipino? Ito rin ang tanong ko noong nalaman ko ang wikang ginagamitan ng mga taga UP nakumuhang “college entrance exam” noong buwan ng Hunyo. Nagtaka akong lubos kung paano masasagutan ng mga estudyante ang kanilang pagsusulit kung lahat ng ito ay nasa wikang Filipino. Napaisip ako kung kakayanin ko makapasok sa UP kung ang kaalaman ko sa wikang Filipino ay wala pa sa kalahati ng tunay na makata gaya ni Jose Rizal. Ito ay nagsilbing hadlang sa akin para pumasok sa UP kaya nagpasya na lamang ako na pumasok sa Assumption College.

    Kasalukuyan, sa Assumption College ako nag-aaral at sa loob ng maikling panahon madami na akong natutunan.Akala ko noong una, puro wikang ingles ang mga estudyanteng nag-aaral dito pero mali pala hinala ko. Laging gulat ko rin malaman na ipinagdiriwang din nila ang “Linggo ng Wika” kung saan kami ay nagbigay ng aming talumpati tungkol sa kalikasan. Nanghinayang ako noong una sapagkat mahina ako pagdating sa pagsulat sa wikang Filipino,pero hindi ito naging hadlang sa akin dahil nais ko sanayin ang aking sarili para maging mahusay na manunulat ako balang araw.

    Maaari tayong magsalita ayon sa wika ng ating minimithi,pero huwag natin limutin na bilang isang mamamayang Pilipino tayo ay may sariling wika na ipinagmamalaki sa mundo. Huwag tularan ang mga banyaga sapagkat hindi natin sila kadugo. Tayo rin ang nakikinabang sa wika ating pinanggalingan sapagkat hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng wikang Ingles. Kung bibigyan-halaga ang wikang Filipino, mapapansin ninyo na kakaiba ang ating wika sa mga banyaga. Sabi nga nila, masarap pakinggan ang wikang Filipino sa tainga dahil ibang-iba ang dating nito sa tao lalo na kung pormal ang mga salitang ginagamit.

  • Dana Gyenes  On December 27, 2010 at 2:35 pm

    Sir, Bakit Filipino? (Isang Medyong Seryosong Tanong)
    1. Tungkol saan ang sanaysay?
    Sir, Bakit Filipino? (Isang Medyong Seryosong Tanong)

    Ito ay tungkol sa mga Pilipinong hindi marunong tumangkilik ng sariling wika sapagkat kinasanayan nila ang wikang Ingles. Tuluyan na nilang nalimutan ang kahalagahan at pagkakaroon ng sariling wika.

    2.Anong matatagpuan mo sa loob ng sanaysay na ito?

    Matatagpuan dito na hindi mainam na ginagamit ang wikang Filipino sapagkat nababali ito dahil inaakalang naiintindihan ng lahat ang wikang Ingles dahil ito ay itinuturing na“Universal Language” pero hindi lahat nakakapagsalita at nakakaintinding Ingles. Karamihan sa ating mga manunulat ay gumagamit ng wikang Ingles upang madali lang natin mababasa ang mga akda ng akademiko. Bakit mas nais natin gumamit ng wikang Ingles? Dahil ba sa akala natin na kung nakakapagsalita o nakakapagsulat tayong Ingles ibig sabihin may kaalaman na tayo? O dahil tuluyan na natin nakalimutan ang pagkakaroon ng tradisyon sa sariling wika? Hanggang kailan tayo magpapasakop sa wikang banyaga? Nasa atin na kung ating isasalaysay ang ating kasaysayan sa wika ng ating pinagmulan.

    3.Gumawa ng sariling sanaysayna may parehong paksa.

    Naalala ko noong hayskul ako, may naging kaklase ako na banyaga na lumipat sa aming paaralan. Katabi ko siya tuwing oras ng aming klase sa Filipino. Wala siyang kaalam-alam sa aming tinatalakay kung saan kahit sa pagbabasa ng mga nobela ni Jose Rizal ay kanyang iinglesin para lang maintindihan niya ang nakapaloob dito. Madalas, kinakausap ko siya sa wikang Ingles dahil naiintindihan ko ang kanyang suliranin sa wikang Filipino sapagkat naramdaman ko rin ang kanyang pinagdadaanan. Aminin ko isa rin ako sa mga taong hirap makapag-intindi ng salitang Filipino sapagkat lumaki ako sa pamilyang nagsasalita sa wikang Ingles. Gayunpaman, kailangan ko matutong wikang Filipino para maintindihan ko ang mga tao sa aking paligid. Mula noon, hindi ako nagsisi na natuto ako dahil ito ay aking ipinagmamalaki sapagkat hindi na lamang ako magaling sa wikang Ingles,pati narin sa wikang aking pinagmulan.

    Patuloy tayo natututo at sinasanay natin ang ating sarili sa wikang ating kinalakihan. Pero, bakit natin ikinahihiyang magsalita ng wikang Filipino?Dahil ba mas gugustohin natin isipin ng iba na may kaalaman tayo o magmukhang sosyal dahil alam natin ang mga nasa nakatataas sa ating lipunan ay mga galante at mayayaman na taong nagsasalita sa ingles? Kung sabagay hindi natin maiiwasan ang mga ganitong bagay pero dapat bigyan-halaga natin ang ating sariling wika. Nagbago na rin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na naging pang akademikong Filipino na ang agham ng Kasaysayan kung saan madami sa mga estudyante ngayon ay umiiral sa desisyon na ipinatupad ng DepEd. Isa ako sa mga estudyante na di sumang-ayon dito sapagkat kinasanayan na naming wikang Ingles ang pagtuturo pagdating sa Kasaysayan, pero pagdating ng ika-apat na taon kung saan Ekonomiks na ang aming tinalakay,isinalin na ito sa wikang Filipino.

    Bakit Filipino? Ito rin ang tanong ko noong nalaman ko ang wikang ginagamitan ng mga taga UP na kumuha ng “college entrance exam” noong buwan ng Hunyo. Nagtaka ako ng lubos kung paano masasagutan ng mga estudyante ang kanilang pagsusulit kung lahat ng ito ay nasa wikang Filipino. Napaisip ako kung kakayanin ko makapasok sa UP kung ang kaalaman ko sa wikang Filipino ay wala pa sa kalahati ng tunay na makata gaya ni Jose Rizal. Ito ay nagsilbing hadlang sa akin para pumasok sa UP kaya nagpasya na lamang ako na pumasok sa Assumption College.

    Kasalukuyan, sa Assumption College ako nag-aaral at sa loob ng maikling panahon madami na akong natutunan.Akala ko noong una, puro wikang ingles ang mga estudyanteng nag-aaral dito pero mali pala hinala ko. Laging gulat ko rin malaman na ipinagdiriwang din nila ang “Linggo ng Wika” kung saan kami ay nagbigay ng aming talumpati tungkol sa kalikasan. Nanghinayang ako noong una sapagkat mahina ako pagdating sa pagsulat sa wikang Filipino,pero hindi ito naging hadlang sa akin dahil nais ko sanayin ang aking sarili para maging mahusay na manunulat ako balang araw.

    Maaari tayong magsalita ayon sa wika ng ating minimithi,pero huwag natin limutin na bilang isang mamamayang Pilipino tayo ay may sariling wika na ipinagmamalaki sa mundo. Huwag tularan ang mga banyaga sapagkat hindi natin sila kadugo. Tayo rin ang nakikinabang sa wika ating pinanggalingan sapagkat hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng wikang Ingles. Kung bibigyan-halaga ang wikang Filipino, mapapansin ninyo na kakaiba ang ating wika sa mga banyaga. Sabi nga nila, masarap pakinggan ang wikang Filipino sa tainga dahil ibang-iba ang dating nito sa tao lalo na kung pormal ang mga salitang ginagamit.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:32 am

      Kasalukuyan, sa Assumption College ako nag-aaral at sa loob ng maikling panahon madami na akong natutunan.Akala ko noong una, puro wikang ingles ang mga estudyanteng nag-aaral dito pero mali pala hinala ko. Laging gulat ko rin malaman na ipinagdiriwang din nila ang “Linggo ng Wika” kung saan kami ay nagbigay ng aming talumpati tungkol sa kalikasan. Nanghinayang ako noong una sapagkat mahina ako pagdating sa pagsulat sa wikang Filipino,pero hindi ito naging hadlang sa akin dahil nais ko sanayin ang aking sarili para maging mahusay na manunulat ako balang araw.: ito ay personal na karanasan mo dito…salamat sa pagbabahagi…

  • Reyes, Ma. Kristina Victoria H.  On December 28, 2010 at 12:14 pm

    “Mga Salitang Tila Malayo Nguni’t Malapit Rin”

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    Ang sanaysay na isinulat ni Francis Murillo Emralino noong ika-2 ng Hunyo taong 2010 ay tungkol sa mga salitang tila malayo nguni’t malapit rin. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang lengguwahe o salita sa Timog Katagalugan. Mayroong mga salitang may pagkakaiba gayun pa man pareho pa rin ang kahulugan nito. Ipinaliwanag ni Francisco Murillo ang pagkakaiba ng mga salitang ginagamit ng mga Pilipino sa Timog Katagalugan kung saan ay bahagyang hindi ginagamit ng iba sa atin.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?

    Matatagpuan sa sanaysay na ito ang pagkakaiba-iba ng mga salita sa Timog Katagalugan. Kaya ito nagkakaiba-iba ay dahil sa kung ano ang kinasanayang lengguwahe ng mga tao sa iba’t ibang lungsod roon. Kung paano ang kanilang pagkakaintindi sa pagsasalita ay roon. Kung paano ang kanilang pagkakaintindi sa pagsasalita ay sanhi kung bakit nababago ang tunay na salitang tinuro mula sa libro. Dahil sa iba’t ibang pamumuhay na kinasanayan ng iba sa atin, nababago rin ang kanilang paraan kung paano sila magkakaintindihan sa pagsasalita o pag-aabot ng mensahe sa isa’t isa. It ay upang mas maging kalugod-lugod itong pakinggan ng kanilang kapwa o ng taong kanilang kinakausap.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA.

    “Magkaiba man sa pananalita, Pilipino pa rin na maituturing.”

    Ang mga Pilipino ay kilala sa pagmamalaki ng mga ito sa kanilang bayan, wika at kultura. May mga pagkakaiba man sa mga salita ng mga tao, hindi pa rin ito maaaring maging dahilan na hindi na maituring na isang Pilipino. Kaya lang naman nagkakaiba ang mga salita ay dahil sa iba’t ibang pamumuhay na kinasanayan ng ating mga kapwa Pilipino. Nagmumula ang mga ito sa iba’t ibang lugar kung kaya’t hindi malabong magkaiba-iba ang paraan ng kanilang pagkakaitindihan o kanilang pananalita upang magkaintindihan at makapag-paabot ng mga mensaheng mas maiintindihan ng isa’t isa.

    Ako ay isang tubong Batangas ngunit nakarating na sa iba’t ibang lugar ng ating bansa kagaya ng Maynila at Probinsya ng Quezon. Sa mga lugar na iyon, kami nanirahan ng aking pamilya. Maraming naging problema ang aking pamilya kung bakit kami nagpalipat-lipat ng tirahan. Napakahirap mag-adjust ngunit hindi naman ito naging hadlang sa pagkakaroon ko ng mga kaibigan mula sa iba’t ibang mga lugar na iyon. Sa Batangas ako pinanganak at doon ko unang natutunan ang mga salitang dapat kong gamitin upang matuto akong makipag-sabayan sa pananalita ng aking mga kababayan. Hindi pa man ako lubos na nagkakaroon ng malay, lumipat na kami sa Maynila. Sa Maynila na ako lumaki at mas natuto ako sa mga salita. Iba ang ilan sa mga salitang ginagamit sa Maynila, maging ang punto nila roon. Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan noong ako’y lumipat ng ibang eskuwelahan, pinagtawanan ako ng aking dalawang kaklase dahil sa aking punto. Pareho ang salitang aking ginamit kagaya ng kanila ngunit ako pa rin ay kanilang pinagtawanan. Hindi naman ako pinanghinaan ng loob sapagkat sila ay natuwa sa akin, at sila pa ang unang nakipag-kaibigan sa akin. Nang lumaon ay nakasanayan ko na rin ang wastong salita na aking dapat gamitin habang nakikipag-usap sa isang taga-Maynila at sa isang taga-Batangas; maging ang punto ko dapat sa bawat salitang aking bibitawan ay dapat maging angkop sa taong aking kinakausap. Ang aking mga magulang ay parehas tubong Quezon, noong kami ay nanirahan na roon, nag-iba na naman ang aking pananalita at punto. Kahit pa ganoon ang nangyari, hindi na ako nahirapang baguhin ang aking punto at pananalita ng makabalik ako ng Maynila para sa aking pagkokolehiyo.

    Mas nairapan akong mag-adjust noong mula ako sa Batangas papuntang Maynila, kaysa noong galing akong Maynila papuntang probinsya ng Quezon. Ang ekspresyon ng mga Batangueño na “eh, eh”, sa Quezon naman ay “ah, ah”. Kung ako’y nasa Maynila, hindi ako makakapagsalita ng ganoon sa halip ay ang sasabihin ko, “ano ba???”, “ano ba yan???” o kaya, “ano ba naman yan???”. Nakakatuwang isipin na iba’t iba pala ang paraan ng pagkakaintindi ng mga Pilipino sa mga salita kahit pa sila ay pareparehong mga Pilipino. Ako ay natutuwa sapagkat natuto akong makibahagi sa iba’t ibang klase ng Pilipino, sa paraan ng pagsasalita o pakikipagpalitan ko ng mensahe sa kanila. Hindi na mahirap sa akin na baguhin ang aking punto at pananalita. Mayroon akong mga kaibigan at kamag-anak sa Batangas maging sa Quezon. Sa Maynila naman, mas lalong dumami ang aking mga kaibigan noong ako ay nagkolehiyo. Kahit pabago-bago na ang aking salita at punto, at nakasanayan ko na ang mga ito; bukas pa rin ang aking isip sa pagtanggap at pag-alam ng iba pang salita at punto sa iba’t ibang parte ng aking bansa. Gusto ko pang matutunan kung paano sila nakikipag-usap sa isa’t isa upang sa pagbisita ko sa kanilang lungsod, matututo akong makipag-sabayan sa kanilang pag-uusap, maiintindihan ko ang nais nilang sabihin at matututo akong makisama sa kanila.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:28 am

      May mga pagkakaiba man sa mga salita ng mga tao, hindi pa rin ito maaaring maging dahilan na hindi na maituring na isang Pilipino.: mahusay na punto… kaya lang maaari pang palawakin…

  • Zel Austria Tandoc  On January 4, 2011 at 9:08 am

    Etzel Austria Tandoc
    1H1 – IB

    Nabasang Sanaysay:
    Bata, Anong Nilalaro Mo?

    1.Ang sanaysay ay tungkol sa pagbabago ng panahon, kultura at kaugalian ng mga Pilipino lalo na ang kabataan. Isinalaysay ng may-akda ang pagpapahalaga ng sa dating tradisyon at kultura ng mga Pilipino bago pa man umusbong ang teknolohiya at modernisasyon. Ang sanaysay ay nagbibibgay din ng kaukulang pagpapahalaga sa kagandahan ng kulturang Pilipino partikular na ang mga larong kinagiliwan ng mga bata noong hindi pa nauso ang mga elektronnikong kagamitang nakikita at nagagamit ngayon.

    2.Ang pangunahing ideyang nasasaloob sa sanaysay ay ang kagandahan ng kaugalian at kultura ng Pilipino na hindi na naipapakita ngayong ang bansa ay nasa panahon ng teknolohiya partikular na ang mga larong panlansangan na dati’y nilalaro ng kabataan katulad na lamang ng patintero, palu-sebo, tagu-taguan at iba pang kinagiliwan ng mga bata bago makilala at magamit nila ang kompyuter at ang makabagong teknolohiyang kinagigiliwan nila ngayon.

    Binibigyang diin ng may-akda ang kahalagahan ng hindi ‘pagpatay’ sa kinaugaliang laruin ng mga bata kahit na nararadaman na ang pag-unlad ng bayan dahil sa paglitaw ng mga PSP, Wii, at iba pang elektronikong kagamitan sapagkat sa ginawa nating paglimot sa nakasayang larong lansangan ay parang kinakalimutan na ng mga Pilipino ang sarili nilang nakalipas – ang kanilang tradisyon, kultura at buhay.

    3. Ang aking sanaysay

    Pagbabago: Kailangan Din Bang Magbago?

    “Nanay, tatay gusto kong tinapay. Ate, kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin ninyo. Ang magkamali ay pipingutin ko. Isa.. dalawa..tatlo.”

    Halos karamihan ng mga kabataan ngayon ay hindi alam ang mga linyang nabanggit kung tatanungin sila lalo pa’t kung tatanungin kung alam nila ang larong ito. Hindi na nakakagulat ang ganitong pangyayari sapagkat ang Pilipinas ay pumapasok na sa panahon ng pag-unlad ngunit hindi ito sapat na dahilan para makalimutan ang kaisa – isang pamana ng ating mga ninuno sa ating bayan – ang ating kultura.

    Ang kulturang Pilipno ay ang pagsasama – sama ng mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ng bayan na ipinagpasa – pasa ng mga ninuno sa kanilang mga angkan na nagdulot ng pagkakabuklod – buklod ng bawat isa upang makilala ang Pilippinas bilang isang bansang mayroong masaganang nakaraan at hinaharap. Ngunit, sa paglipas ng panahon, unti – unting nakakalimutan nating mga Pilipino ang kagandahan ng ating kultura. Imbes na palaguin ang tradisyong pinaghirapan ay lalo pa nating ipinagsasawalang bahala ito dahil nabulag na tayo sa kagandahang handog ng teknolohiya at modernisasyon. Kitang – kita ito sa pagtangkilik ng mga kabataan sa mga elektronikong laruan dahilan ng kanilang pagtalikod sa larong lansagang sa Pilipinas lamang matatagpuan katulad ng luksong baka, tagu – taguan at palu – sebo na ngayon ay napalitan na ng Playstation, PSP, at iba pang teknolohiyang nabibili sa kasulukuyang panahon. Hindi naiintindihan ng nakararami ang kahalagahang ibinibigay ng mga larong ito hindi lamang sa kabataan kundi na rin sa lahat ng Pilipino. Ang ating kultura ay tinutulungan tayong maging matatag at malakas sa buhay; makatanggap ng pagkatalo; matutong makiisa’t magtulungan at lumakas ang pangangatawan. Hinfi katulad ng PSP o kompyuter na binabawasan ang ating abilidad para makihalubilo sa ibang tao at linangin ang ating pangangatawan at isipan.

    Gugustuhin ba nating isang araw ay magigising na lamang ang bawa’t isa na limot na ang sariling nakaraan; ang sariling kultura? Gugustuhin ba nating maging mga alipin ng modernisasyon o may kapangyarihan sa ating kultura? Hindi kailangang ibaon sa limot ang ating nakaraan para lamang ipasok ang mga pagbabago sa ating buhay, isipan at bayan.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 6:25 am

      “Ang kulturang Pilipno ay ang pagsasama – sama ng mga kaugalian, tradisyon at paniniwala ng bayan na ipinagpasa – pasa ng mga ninuno sa kanilang mga angkan na nagdulot ng pagkakabuklod – buklod ng bawat isa upang makilala ang Pilipinas bilang isang bansang mayroong masaganang nakaraan at hinaharap.”: Mahusay…

  • Clarissa Parungao  On January 4, 2011 at 2:22 pm

    CLARISSA PARUNGAO

    1. Ang sanaysay ay tungkol sa makalumang kultura ng mga Pilipino at makabagong kultura o gawi ng mga Pilipino. Ito rin ay tungkol sa paglimot ng mga kabataan sa mga pambansang laro tulad ng tumbang preso, tagutaguan, teks, matayataya, patuntero at piko. Bunsod na rin ng mabilis na pagkalat ng inpormasyon sa teknolohiya.

    2. Ang sanaysay na ito ay nag papaalala sa ating mga Pilipino na tayo dapat ay lumingon sa mga gawing ating nakalimutan na dahil sa nakakatulong o mapanirang teknolohiya. Maganda ang maidudulot sa atin ng paglalaro gamit ang makalumang paraan, tayo’y matututong makipag-kapwa, makipag-tulungan, magbigay at makisama. May maganda rin itong dulot sa ating mang kaligtasan.Mas mainam na tayo ay nakatapat sa araw kaysa lumabo ang ating mga mata sa kalalaro ng video games at psp.

    3. Sadyang makakalimutin na ang mga Pilipino….

    Simula pa nung panahon ng Espanyol, tayong mga Pilipino ay sadyang relihiyoso na. Hindi natin nakakalimutan ang pumunta sa simbahan tuwing linggo, ngunit tila nag iba na ngayon, dahil ang mga tao ay malimit munalamang makita sa loob ng simbahan, sa mall o di kaya’y sa mga park at restaurant mo sila makikita.

    Ang simbang gabi naman ay kinokompleto natin sa tuwing sasapit ang buwaqn ng Disyembre, ngunit ngayon sa unang araw at pang siyam nalamang sumisimba ang mga katolikong Pilipino. Bilang isang Catholic Country hindi ba dapat nating panatilihin ang ating pagiging aktibo sa loob man o labas ng Simbahan? Nakakalumo mang isipin tila ang mga gawing ito ay kinakalimutan na nating mga pinoy.

    Gayun din sa pag mamano sa nakakatanda, ito ay sumisimbulo ng paggalang at respeto sa mga nakakaakatanda sa atin ngunit bakit ngayon beso beso na lamang ang makikitang ginagawa ng bata sa matatanda, hindi ba dapat natin itong pag tuunan ng pansin? Hindi natin kasing edaran and mga ito ngunit bakit pareho lamang ang gaawi ng pagbati natin sa mga nakakatanda at sa ating mga kaibigan.

  • Clarissa Parungao  On January 4, 2011 at 2:23 pm

    CLARISSA PARUNGAO

    Bata anong nilalaro mo?

    1. Ang sanaysay ay tungkol sa makalumang kultura ng mga Pilipino at makabagong kultura o gawi ng mga Pilipino. Ito rin ay tungkol sa paglimot ng mga kabataan sa mga pambansang laro tulad ng tumbang preso, tagutaguan, teks, matayataya, patuntero at piko. Bunsod na rin ng mabilis na pagkalat ng inpormasyon sa teknolohiya.

    2. Ang sanaysay na ito ay nag papaalala sa ating mga Pilipino na tayo dapat ay lumingon sa mga gawing ating nakalimutan na dahil sa nakakatulong o mapanirang teknolohiya. Maganda ang maidudulot sa atin ng paglalaro gamit ang makalumang paraan, tayo’y matututong makipag-kapwa, makipag-tulungan, magbigay at makisama. May maganda rin itong dulot sa ating mang kaligtasan.Mas mainam na tayo ay nakatapat sa araw kaysa lumabo ang ating mga mata sa kalalaro ng video games at psp.

    3. Sadyang makakalimutin na ang mga Pilipino….

    Simula pa nung panahon ng Espanyol, tayong mga Pilipino ay sadyang relihiyoso na. Hindi natin nakakalimutan ang pumunta sa simbahan tuwing linggo, ngunit tila nag iba na ngayon, dahil ang mga tao ay malimit munalamang makita sa loob ng simbahan, sa mall o di kaya’y sa mga park at restaurant mo sila makikita.

    Ang simbang gabi naman ay kinokompleto natin sa tuwing sasapit ang buwaqn ng Disyembre, ngunit ngayon sa unang araw at pang siyam nalamang sumisimba ang mga katolikong Pilipino. Bilang isang Catholic Country hindi ba dapat nating panatilihin ang ating pagiging aktibo sa loob man o labas ng Simbahan? Nakakalumo mang isipin tila ang mga gawing ito ay kinakalimutan na nating mga pinoy.

    Gayun din sa pag mamano sa nakakatanda, ito ay sumisimbulo ng paggalang at respeto sa mga nakakaakatanda sa atin ngunit bakit ngayon beso beso na lamang ang makikitang ginagawa ng bata sa matatanda, hindi ba dapat natin itong pag tuunan ng pansin? Hindi natin kasing edaran and mga ito ngunit bakit pareho lamang ang gaawi ng pagbati natin sa mga nakakatanda at sa ating mga kaibigan.

  • Dominique Elaine C. Pascual  On January 6, 2011 at 8:46 am

    Pascual, Dominique Elaine C.
    1H1-IB

    Mga Salitang Tila Malayo Ngunit Malapit Rin

    Ang sanaysay na ito ay patungkol sa pagkakaiba-iba ng mga salita at kahulugan sa magkakaibang bayan base sa karanasan ng sumulat. Kahit isang bansa lang ay iba-iba pa rin ang wika, kumbaga ito ay mga salitang panlalawigan na ikinumpara sa ginagamit na termino na nakasanayan ng karamihan. Kabilang dito ay ilang halimbawa ng mga salita sa Batangas.

    Ang salitang “barek” o “barik” na ang ibig sabihin ay pag-inom ng alak. Ang “pagpapagayo” na nagsasabing pagpapalipad ng mga saranggola. Ang “kaka” na simbolo sa paggalang sa nakatatanda. Kabilang rin ang salitang “bayugo” na isang bunga ng halaman. At ang huli, ang “sibe” na ang kahulugan ay pansamantalang harang o silong na gawa sa puno ng niyog.

    Sanaysay:

    Iba’t ibang Interpretasyon ng Salita

    Sa aking karanasan ngayon bilang estudyante sa kolehiyo, marami akong nakikilala na galing sa ibang malalayong probinsya. Sa tuwing mag-uusap kami ng aking mga kaibigan, may mga salitang hindi maintindihan. Kung minsan ay hindi kami nagkakaintindihan sapagkat hindi iyon ang aking nakasanayan. Pero para sa akin ay normal lang ang ganoong pangyayari dahil iba ang kinalakihang lugar at pamamaraan ng buhay. Isa sa nakausap ko ay taga-Cebu, sabi niya ay halos hindi naman daw nagkakalayo ang mga salita. Kung minsan ay parehas lang ngunit nagkakaiba sa punto o accent.

    Ang ilang Cebuanong salita ay “pangasaw-onon” na ang kahulugan ay bride at kung sa lalaki naman ay “pamanhonon.” Kapag naman sinabi na “magtigom” tayo, ang ibig sabihin ay magkita.

    Nang tinawag niya akong “amiga” alam ko na kaibigan ang ibig sabihin noon at ito ay salitang Espanyol. Tinanong ko siya kung ito ay Espanyol o Cebuano. Noong mga panahon daw na pumunta ang Espanyol sa kanila ay naghalo na ang mga salitang ginagamit nila kaya napalitan ang iba at naging Espanyol.

    Nagtaka ako isang beses na tinawag niya akong “amo.” Ang intindi ko ay parang boss, natuwa pa ako at hindi kumibo. Subalit, tumawa siya ng malakas at sinabi na ang ibig sabihin daw ng amo sa kanila ay “unggoy.” Sobra akong natawa sa nangyari at tinawag na namin ang isa’t isa na “amo.”

    Sa kabilang dako, ang mga salitang libro, bata, mahal, kutsilyo, hardin, opisyal, at bisita ay ilan sa mga salita nila na popular sa mga Tagalog at ginagamit din sa pang-araw-araw. Mabuti na lang at may magkakapareho ng salita at kahulugan para magkaintindihan minsan.
    Maganda rin naman ang naidudulot ng pagkakaiba dahil para may karagdagang kaalaman ang bawat isa. At kung mayroon mang makasalamuha na ibang tao ay alam na ang ibig sabihin nito at tamang paggamit. Malaking epekto ito para sa ating wika dahil ibig sabihin ay patuloy na nadedebelop ang mga salitang Pilipino. Naipararamdam nito na buhay ang ating wika at hindi pa tayo nasasakop ng mga banyagang salita. Sana ay hindi mawala ang mga panlalawigang salita para maibahagi pa natin sa mga susunod na henerasyon.

  • Triccia Elodie S. Katon  On January 7, 2011 at 8:48 am

    on December 26, 2010 at 7:12 PM | Reply

    Katon Triccia Elodie S.

    Mga Salitang Banyaga na Pinoy. Iyan ang pamagat ng sanaysay ng aking napili. Ito ang aking napili sapagkat ako ay lubusang sumasang ayon na ang wika ay ang pinaka importanteng instrumento na ginagamit natin sa pang araw araw hindi ba. Ang wika ay napa mahalaga sa ating buhay sapagkat ito ay ang ating pamamaraan ng pakikipag komunikasyon o ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa sa pang araw araw nating pamumuhay. Kung walang wika tiyak na tayo ay mahihirapan makipaghalubilo sa mga tao lalu na kung tayo ay may trabaho. Sa buhay ng tao, nararapat na ang bawat isa sa atin ay matuto na makipagusap ng maayos at matiwasay nang sa gayon maraming oportunidad ang darating sa ating buhay. Ang ating wika ngayon ay masasabi kong nanganganib sapagkat imbis na ingles ang pag-aralan nating mga Pilipino, ang ating mga kabataan ngayon ay nawiwili na sa paggamit ng wikang ‘jejemon’ na makaaapekto ng malaki sa ating lipunan. Kapag nagtagal at ito ay hindi naagapan, maaari itong magdulot ng problema sa ating komunidad. Ang wikang jejemon ay ang mga salitang nagmula sa kalye at ang karamihan pa rito ay ang mga salitang galing sa mga taong kalye. Kung tayo lamang ay magkakaisa huwalang imposible na ito ay ating maagapan at sa halip ating wikang Filipino ay atin pang paunlarin. Tayo ay pinanganak ng Pilipino ang dugong nananalaytay sa ating ugat ai tanging Filipino kung kaya’t huwag natin ikahiya ang ating wika at taas nuo nating ipagmalaki na tayo ay Pilipino at wika natin ay Tagalog.

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 3:47 am

      “Kung tayo lamang ay magkakaisa huwalang imposible na ito ay ating maagapan at sa halip ating wikang Filipino ay atin pang paunlarin.”— MAHUSAY ang iyong ginawa…tanong lamang bakit hindi magkaisa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: