1J1 AT 1W1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL.

1J1 AT 1W1… DITO IPOST ANG INYONG IPAPASANG PAPEL.GAMITIN ANG COMMENT BOX AT IPUBLISH…MAAARI RIN KAYONG MAG SUBSCRIBE UPANG SA ORAS NA MAKITA KO NA ANG INYONG GAWA AT LAGYAN NG KOMENTO AY AWTOMATIKONG PADADALHAN KAYO NG EMAIL…

Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Comments

  • Marie Yaesa Loren L. Rivera  On December 22, 2010 at 2:53 am

    Rivera, Marie Yaesa Loren L.

    1J1- BSM- Corporate Business

    Malisya:

    1. Anong mga senaryo o tagpo sa dula ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    Ang tagpong labis kong nagustuhan ay ang paninindigan ni Puresa na huwag ipalaglag ang batang nasa tiyan nya. Ang senaryong ito ay nagpapakita ng isang mabuting desisyon sapagkat mas pinili ni Puresa na hindi na ulit magkamali sa mga desisyon nya sa papamagitan ng hindi pagpapalaglag sa bata. Ang tagpong ito ay nagpamulat saakin kung gaano dapat natin pahalagahan ang buhay lalo na ang buhay ng mga walang muwang na bata. Ang desisyon na ginawa ni Puresa ay naaayon sa banal n autos n gating diyos. Ang pagkakamali ni Puresa na sya’y nagpabuntis ay nagpapakita ng posibleng mangyari sa mga kabataan katulad ko kapag hindi nag-iingat sa mga nangyayari sa aming kapanahunan ngayon. Minumulat tayo at hinuhubog sa pagpili ng tama at wastong desisyon.

    2 Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa-isahin.

    Ang mga isyung panlipunan na naipakita sa dula ay:

    • Isa na dito ang aborsyon sapagkat ito’y nagiging solusyon sa mga dalagang ayaw mapahiya at mapanidigan ang nagawa nilang di sinasadya na pagbubuntis.

    • Ang paglaganap ng Teenage pregnancy sa panahon ngayon. Ito’y naipakita at naipamalas ng husto sa play sa nangyari kina Puresa at Lyn. Dala ng tension at sexual urge, naibigay agad nina Lyn at Puresa ang kanilang katawan kay Rommel, na sya naming walang intensyong makabuntis.

    • Ang pagiging mapanghusga ng tao at ang paglaganap ng diskriminasyon sa lipunan. Paglaganap ng mga chismis sa tuwing may nagagawa tayo na bonnga na kasalanan katulad ng pagbubuntis sa maagang edad.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-Isahin at Ipaliwanag.

    Ang katotohanan sa buhay at lipunan na naipamalas sa dula ay tulad ng aking sinabi ay ang maagang pagkamulat ng mga kabataan sa mga bagay tulad ng paglahok sa sexual intercourse o ang paggawa ng pre-marital sex na nagreresulta sa maagang pagbubuntis at pagdagdag sa ating naglalakihang populasyon . Isa pa sa mga naipamalas ay ang pagiging judgemental ng tao na nagreresulta sa diskriminasyon sa society. At ang pinakamalala ay ang aborsyon sapagkat ito’y tunay na nangyayari sa ating buhay at lipunan sa pamamagitan ng pagiisip ng ilan na ito ang tanging solusyon upang makatakas sa diskrasyang nagawa nila.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    Ito’y puro katotohanan sapagkat ito ay karaniwang nangyayari sa mga kabataan sa panahaon ngayon kung saan laganap ang modernisisasyon. Ipinakita sa dula ang realidad na nagyayari sa karamihan sa mga kabataan ngayon, teenage pregnancy at ang paglaganap ng iba’t-ibang abosyon clinic sa bansa.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    Ang dulang ito ay nagpapakita ng iba’t-ibang reyalidad sa buhay. Ang natutunan ko ditto ay ang pagiging wais sa pagpili ng desisyon sapagkat sa bawat desisyon at pagpili mo ay may nakalaang consequence, ika nga nila, For every action, there’s an equal and opposite reaction. Mahalaga ang desisyon sa buhay sapagkat ito ang magdadala sa kapalarang nararapat sayo, maalwan man o hindi

  • Julienne Ambrosio  On December 22, 2010 at 12:46 pm

    Sir dito ko din po ilalagay ung mga ipapasa ko po, para sure. XDD

    Ambrosio Julienne Louise Nica
    Ginoong De Lara, J.

    Anak ng Lupa

    Unang Kabatana : Takipsilim sa Linang
    Isang araw sa bayan ng Makulong, isang hanay ng mga magsasaka ay sama-samang nagbubunot ng mga mapaminsalang damo sa kanilang linang. Habang ginagawa ito, ay may mga tumutugtog gamit ang pagkanta, paglakpak at paggitara. Sa dulo ng hanay ay nagbibiruhan sina Oyo, Oden at Toryo tungkol sa pagibig. Takipsilim na nang natapos ng mga magsasaka ang gawain nila, kung kaya ay naghanda ng meryendahan ang maraming kababaihan, kasama na doon si Bining. Ang mga kasama ni Bining na sina Elay at Bita ay nagbibiruan tungkol sa napapansin nila kay Toryo para kay Bining. Sa kabilang dako, nagusap-usap sina Ka Sabel tungkol sa isang kasal na maaring maganap base pakiramdam nila sa binata at sa dalaga. Nag maang-maangan pa si Ka Sabel sa mga sinasabi ng kanyang mga kasama. Habang kumakain ang mga magsasaka, si Ka Talume ay lumapit kay Bining upang patamisin ang lambanong na nasa tasa na hawak ni Ka Talume. Matapos iabot ni Binig kay Ka Talume ang tasa ay pinuntahan nya si Toryo upang ipainom naman ito sakanya. Dahil sa hindi kayang ubusin ni Toryo ang laman ng tasa, sinalo ni Oyo ang kanyang kaibigan sa paginom ng matitira sa iinomin ni Toryo. Ang mga magsasaka ay isa-isa nang nagsisipag-uwian ng lumapit si Oden kay Bining upang ihatid sakanya na mananapat at manghaharana si Toryo. Dumating sila sa kubo ni Bining, may dalang gitarista at mangaawit. Pumasok papaloob sina Bining kasama ang mga kaibigan. Hinatid sa tingin ni Toryo ang dalaga. Kung hindi dumating ang mga napahuling matatanda ay magpapatuloy sa paglampas sina Toryo sa harap ng kubo ni Bining.

    Ikalawang Kabatana : Pagtingala sa Bituin
    Nagbuburda si Bining nang naguusap ang kanyang mga magulang na sina Ka Sabel at Ka Anane tungkol sa pagpili ng lalake para sakanya. Iba na ang kabataan ngayon tugon ni Ka Sabel. Napansin ni Ka Sabel na tila ayaw pang matulog ni Bining, dahil kinakailangang tapusin niya ang kanyang binuburdahan. Pagkatapos ay natulog na ang magasawa, ngunit makalipas ng ilang minuto ay may nagsimulang umawit, mga mananapat. Hindi pinansin ni Bining ang mga ito kung kaya ay bumangon ang magasawa upang makita kung sino ang mga ito, Sina Toryo, Oden, Ka Baleryong, Emong at iba pang mangaawit pala. Gustong mangutang ng awit sina Ka Baleryong kay Bining. Nahihiya si Bining kung kaya ay pinilit ito nina Toryo. Noong nagsimula nang umawit si Bining ay umawit din si Toryo na tila ba may ibig sabihin ang bawat salitang kinakanta ng dalawa. Matapos umawit ang dalawa, nagusap sila tungkol sa planong pagalis ni Toryo upang magtrabaho sa Maynila. Habang nawawalan ng lakas ng loob si Toryo, si Bining naman ay paulit ulit na binibigyan ng mga salitang maganda ang binata, na pinapangarap ito ng kanyang mga kababayan sa Makulong. Ngunit may sariling pangarap si Toryo, at yoon ay makasama si Bining. Matapos ang paguusap ng dalawa ay nagpatuloy sa panghaharana ang mga binata, umawit muli si Bining. Nang matapos ang huling awit ay nagsipagpaalam na ang mga binata, huling nagpaalam si Toryo. Nagbiruan ang mga magkakaibigan pauwi, hanggang sa inihatid ni Toryo si Oden sa kanilang bahay. Magisang naglakad pauwi si Toryo, bago pumasok sa bakuran nila ay tumingala siya sa langit. Tinignan ni Toryo ang mga alagang hayop bago ito pumanik sa kanilang bahay. Pagakyat sa bahay ay nakitang gising pa ang kanyang ama na si Ka Tales, nangamusta ito sa pagharana ni Toryo at kinausap tungkol sa pangako ni Senyor Martin sa binata. Nang makatulog ang kanyang ama ay muling naalala ni Toryo ang kanyang kabataan. Hinahangaan, Balediktoryan. Naalala niya din ang bahay ni Senyor Martin na sa loob ng limang taon ay nagging bahagi siya ng kapaligirang iyon. Sinubukan nitong makatulog, ngunit hindi ito magawa hanggang sa unang tilaok ng manok sa madaling-araw.

    Ikatlong Kabanata : Bagong Tao
    Masayang nakikipagsap ang mga magkakaibigang sina Oden, Oyo, Ka Baleryo, Toryo, Emong at iba pa sa isang gulod sa Makulong. Ang gulod na iyon ay may malalim na bugtong at kahulugan. Walang lalaking tubong nayon ang hindi nagkaroon ng ugnayan doon. Ikwinento ni Emong ang ginawang paninilip ni Oden sa dalagang si Elay, na siyang sinasabi nilang huling hakbang ng pagbibinata bago ito matuli sa kanilang bayan. Nabaling ang usapan kay Toryo, kung nagawa nitong makapagsilip sa mga dalagang babae sa Maynila sa limang taong pagkawala niya sa Makulong. Dumating si Ka Talume at doon na nagsimula ang pagtutuli kay Oden. Makalipas ang ilang minute ay natapos din, nagdiwang ang mga binata sa bagong tao na si Oden. Pauwi ay napagusapan nina Toryo, Oyo at Oden ang panghaharang ginawa kay Bining. Nang dumating sila sa tindahan ni Ka Saning ay nakita nilang maraming matatanda ang nakapaligid na napapalapit na sabong nina Ka Tales at Ka Garse.

    Ikaapat na Kabanata : Unang Sultada
    Nakita ni Kapitan Berong na pupwedeng ipangsabong ni Ka Anane ang kanyang bulik, kung kaya ito’y ipinanlaban sa talisayan ni Kapitang Beryong. Matapos ang ilang palo ng mga paa ng dalawang manok, ay napatingin si Ka Anane kay Kapitan Berong na kung saan nauunawaan niya ito, kaya’y itinigil nila ang sabong ng dalawang manok kahit na handa pa itong gamitin ang lahat ng kanilang lakas. Habang sila’y namahinga, nagkaroon ng debate tungkol sa pagbili Senyor Martin sa dalawangpung ektarya ni Kabesang Ote. Matapos ng ilang paliwanag ay mas marami ang sumangayon na mas mabuting kay Senyor Martin ibigay ang ektarya kaysa manatili sila sa pamamalaga ni Kabesang Ote. Maya maya ay napunta sa anak ni Kabesang Ote na ubod ng salbahe. Hindi parin sumangayon si Ka Tulume sa pagbabagong iyon, dahilan sa maaring makalimutan na sila ay mga anak ng lupa, ngunit tumutol ang mga tao, hanggang sa nagbatuhan ng mga salita sina Ka Tulume at Ka Tales tungkol kay Toryo bilang kauna-unahang taga Makulong na nakaapak sa Maynila. Bumalik sa pagsasabong ang mga tao matapos ang pagalisni Ka Tulume, maya-maya’y nagsipaglinya naman ang mga taganayon kay Ka Bisyong para bumili ng mga kanyang binebenta. Pagkatapos ay may kinausap ni Kapitan Berong si Ka Bisyong, at ibinalita ni Ka Bisyong ang isang magandang balita, ang pagkakaroon ng pista sa Makulong galing kay Senyor Martin, at isang mahalang anunsiyo ang kanyang ipapamahagi sa mga taga-Makulong. Nang araw na iyon ay mabilis na kumalat sa buong Makulong ang balita.

    Ika-Limang Kabanata – Magkapatid
    Nang hapong iyon, lumapit si Oden sa kanyang amang si Ka Bisyong upang makatulong sa gawain. Nagpakain ng kabayo ang magama, at matapos as nagsimulang magbayo. Sinabihan ni Ka Bisyong ang anak na bagong tuli na huwag nang magbayo dahil sa paniniwalang matatagtag ang kanyang sugat. Lumabas naman si Ligaya, ang kapatid ni Oden, nais din makatulong sa ama, ngunit ito’t tumanggi. Umakyat ang magkapatid sa kanilang kusina at nakitang nagluluto ng ulam ang kanyang kapatid na si Ligaya. Nang lumabas si Oden, halos hindi niya maintindihan kung ano at bakit nagbabayo ang kanyang ama, hanggang sa mapuna ito ni Ligaya. Napaisip si Oden na lahat ginagawa ng kanilang ama para sakanila, at ganoon din si Ligaya. Naitanong niya sa kapatid kung paanong masusuklian ni Oden ang kabutihang iyon. Matapos ay hinangad ni Oden na haranahin din si Ligaya tulad ng ginawa ni Toryo kay Bining, at dahil doon ay natuklasan ni Oden na may pagtingin din si Ligaya kay Toryo ng itanong kung sino ang pipiliin niya kung siya ay si Bining kina Toryo at Oyo, tila nagmaang-maangan si Ligaya. Narinig na nila ang mga ugok ng alagang baboy, at naisip nilang nagpapakain na ang ama ng baboy, sumapit na ang takipsilim noon.

    Salamat po!
    ======================================================

    Galing sa KAWIKA2010.wordpress.com – Ang Ating Awit
    http://kawika2010.wordpress.com/mga-sanaysay/ang-ating-awit/

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    – Ang sanaysay na nagngangalang ‘Ang Ating Awit’ ay tungkol sa mga awiting sariling atin na tila ba nasasapawan ng mga banyagang musika o unti unting nakakalimutan ng mga bagong henerasyon ng ating bansa.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    – Matatagpuan sa sanaysay na ito ang iba’t-ibang opinion o ‘point of view’ ng awtor tungkol sa nangyayari sa musikang Pilipino. Matatagpuan din dito ang mga ‘noon’ at ‘ngayon’ pagdating sa musikang Pilipino.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA…
    (dito ko nalang po inilagay ang aking sanaysay.🙂 )
    http://akanishikoki.livejournal.com/105523.html

    Pwede po kayo mag komento sa aking blog sa pamamagitan ng pag click ng ‘Post a new Comment’
    Maari lamang po na magkoment din po kayo dito para malaman ko kung nabasa ninyo ang sanaysay na aking isinulat at ang mga isinend ko po sainyo. Maraming Salamat po at Maligayang Kaarawan!

  • Salcedo, Dane  On December 24, 2010 at 7:45 pm

    Salcedo, Danielle Grace
    1W1

    “MALISYA”

    1. Anong senaryo o tagpo ang iyong kinagiliwan? Bakit?

    – Ang senaryong pinaka nagustuhan ko ay yung parte kung saan pinagtapat ni Macky kay Noemi na isa siyang bakla. Bihira lamang ang baklang makagagawa noon sa kanyang kaibigan o mga magulang. Kadalasan, mas pinipili pa nila na itago ito sa kanilang mga sarili dahil sa pangambang di sila matatanggap ng mga taong naka paligid sakanila. Kaya natuwa ako doon sa ginawa ni Macky.

    2. Anong mga nakatagong isyung panlipunan ang naipakita sa dulang iyong napili? Isa- isahin.

    – Ang pag tatalik ng magkasintahan sa labas ng kasal. ito ay kanilang ginagawa para lamang kanilang masabi na mahal nga nila ang isa’t isa.
    – Pagkawala sa tamang landas ng mga kabataan sa panahong ito, Gumagawa sila ng mga bagay na di dapat ginagawa ng mga kabataan sa ganoong edad tulad ng paninigarilyo, paginom at pagkalulong sa ipinagbabawal na droga.
    – Ang hindi pagtanggap sa taong “dalawa” ang kasarian.
    – Ang pagpatol ng guro sa kanyang estudyante.
    – Abortion.

    3. Anu-anong mga katotohanan sa buhay at lipunan ang naipamalas sa dula? Isa-isahin at ipaliwanag.

    – Ang mga isyung pinakita sa dulang ito mismo. Una, ang pag engage ng magkasintahan sa pagtatalik sa labas ng kasal. Laganap ngayon ang mga kabataang babae na nabubuntis at karamihan pa dito ay hindi pinapanagutan ng ama.
    – Karamihan sa mga kabataan ngayon ay napapariwara sa buhay. Yung iba, nalululong sa ipinagbabawal na droga, yung iba naman ay sa alak.
    – Sa panahon ngayon, nagsusulputan ang mga taong may “dalawa” ang kasarian. Hindi ganoon katanggap tanggap sa lipunan ang mga taong ganito (bakla at tomboy) sapagkat sinusunod parin ang itinuro ng simbahan na dalawa lamang ang kasarian na ginawa ng ating panginoon. Subalit, wala namang masama kung ang isang tao ay sadyang ipinanganak na ganyan o naging “dalawa” ang kasariaan kinalaunan.
    – Laganap narin ang pagpatol ng guro sa kanyang estudyante. Wala namang masama dito pero, hindi ito dapat. Sapagkat dapat i-maintain ang student-teacher relationship at ipinagkatiwala ng mga magulang ng mga estudyante ang anak nila sa mga guro.
    – Abortion. Marami sa mga kababaihang nabubuntis sa pagkadalaga ay pinipiling mag palaglag. Sa kadahilanang hindi nila kayang bumuhay ng sanggol, hindi sila papanagutan ng ama nito o sa rasong hindi sila tatanggapin ng kanilang mga magulang o pamilya.

    4. Sa huli, maaari ba nating sabihin na ang dula ay pulos katotohanan o kathang isip-lamang ng mga gumawa nito?

    – Ito ay pulos katotohanan. Ang lahat ng isyung panlipunan at pang-sarili na ipinakita dito ay laganap sa mga kabataan ngayon. Karamihan dito ay totoo at nangyayayri talaga sa lipunan ngayon. Halos lahat ng ipinakita dito ay pinagdadaanan ng tipikal na teenager ngayon.

    5. Anung mensahe ang nais mong dalhin habang buhay matapos mapanood ang dula?

    – Magisip muna bago gumawa ng isang bagay. Wag magpadalos dalos at isipin ang pangmatagalang epekto ng mga aksyon na gagawin.
    – Wala na tayong iba pang dapat asahan kung hindi ang ating sarili. Tayo lamang ang mkakapagpabago at makakapagdesisyon sa huli. Kahit ilang beses pa tayo pangaralan nang ating kapwa.

  • Salcedo, Dane  On December 29, 2010 at 7:14 pm

    Salcedo, Danielle Grace
    1W1

    Kritika sa Edukadong Pilipino

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?

    – Ang sanaysay ay tungkol sa pag kikritika ng Pilipinong nakakapag-aral sa mga unibersidad o ibang bansa na nabibigyang ng magandang edukasyon – na siyang nakakalimot sa kanilang totoong pinanggalingan,na hindi na nag-aasal Pilipino pag katapos nila makamit ang kanilang natapos na edukasyon ay tila di na sila marunong mag sakita gamit ang kanilang sariling wika. Ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay na kinagisnan ay nag-iiba sapagkat sila ay nahahawa sa mga banyagang paniniwala.

    2. ANONG MATATAGPUAN MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?

    – Isang kritiko na tungkol sa mga pilipinong nakakalimot sa pinanggalingan pagkatapos nilang makatanggap ng isang edukasyong mula sa isang unibersidad o makapag aral sa ibang bansa.

    3. GUMAWA NG SARILING SANAYSAY NA MAY PAREHONG PAKSA.

    Kritika sa Edukadong Pilipino

    – Sa mga panahon ngayon, marami saating mga kababayan ang nag hahangad na makapag tapos ng pag-aaral sa isang pribadong paaralan o sa isang sikat na unibersidad. Ang karamihan, nangangarap na makapunta sa ibang bansa at doon makapag tapos ng kanilang pag-aaral. Marami ang nakakamit ang kanilang mga pinapangarap subalit pagkatapos nito ay tila ibang tao na sila. Ang iba, ni hindi na ginagamot ang sariling wikang Filipino, ang iba naman, kung umasta ay parang napaka taas na sapagkat nakapag tapos lamang siya ng pag-aaral. Hindi lubos maisip ng ilan na hindi nakakapag tapos kung bakit ganito nalang ang epekto ng edukasyong natamasa ng mga taong nakapag tapos. Ito ba ay marahil sa sila ay nag yayabang sapagkat sila ay nakapag-tapos na? O hindi kaya’y ito ay marahil sa kakaibang epekto ng edukasyon sa kanila? Hindi nila ito maipaliwanag.

    Maganda dapat ang naidudulot ng edukasyon sa mga taong nakakatamasa nito. Ngunit, bakit ganito na lamang ang epekto nito sa mga taong nakakatanggap nito?

    • jsdlsonger  On January 17, 2011 at 7:07 am

      Maganda dapat ang naidudulot ng edukasyon sa mga taong nakakatamasa nito.::: mahabang usapin yata ito…

  • Din Calixtro  On January 2, 2011 at 4:01 am

    1. TUNGKOL SAAN ANG SANAYSAY?
    Ang sanaysay ay tungkol sa pagbabago sa kaugaliang Pilipino at ang negatibong epekto ng makabagong teknolohiya.

    2. ANONG MATATAGPUAM MO SA LOOB NG SANAYSAY NA ITO?
    Makikita mo sa sanaysay na ito ang mga pagbabago sa kaugalian ng mga kabataang Pilipino. Ang malaking pagkakaiba sa libangan ng kabataang Plilpino noon at kabataang Pilipino ngayon.

    3. Sanaysay

    Naala mo pa ba ang mga larong madalas mo laruin noong bata ka pa? Mga larong minsan ay kinaiinisan mo o kaya naman ay kinagigiliwan mo sapagkat dahil dito ay nakakakilala ka ng mga bagong kalaro. Naalala ko noong bata pa ako, madalas ay pinagbabawalan ako ng nanay at tatay ko na maglaro sa labas ng bahay dahil natatakot silang madumihan at masaktan ako. Noong mga panahon na iyon ay uhaw ako sa pawis at putik dala ng sobrang palalaro na madalas kong makita sa mga batang naglalaro sa labas ng aming bahay. Madalas ay tinatanong ko ang aking mga magulang kung bakit hindi ako pwedeng makipaglaro sa mga batang iyon na madalas ay nauuwi sa pagtatalo hanggang sa dumating ang panahon na hinayaan din nila akong makipalaro sa mga batang madalas kong makita sa labas ng aming bahay. Doon ko lang naunawaan na iba ang saya kapag kasama ka na nilang naglalaro at nakikipagbiruan. Ngayon na nasa kolehiyo na ako ay madalas ko pa ring naaalala ang mga karanasan kong iyon kaya madalas ay hinahanap ko ang mga batang naglalaro ng mga larong Pilipino. Madalas ay makikita mo nalang ang mga batang ito sa iskwaters area na walng pera upang pumunta sa kompyuter shops o kaya ay bumili ng kompyuter. Naisip ko tuloy na siguro kaya maraming bata ang nagiging bayolente ay dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya at kakulangan sa gabay ng mga magulang. Madalas ay naiisip ko na swerte ako kahit papano dahil naranasan ko ang laruin ang mga larong Pilipino. Sana ay mabalik at maituro pa sa susunod na mga henerasyon ang mga larong katulad ng patintero, tumbang preso, 10-20, tagu-taguan at iba pa upang ma-preserve natin ang kaugalian Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: